عن علي بن أبي طالب -رضي الله عنه- أنَّ رسولَ الله صلى الله عليه وسلم كان إذا قامَ إلى الصلاة، قال: «وَجَّهتُ وجهي للذي فطر السماوات والأرض حنيفًا، وما أنا من المشركين، إنَّ صلاتي، ونُسُكي، ومَحياي، ومماتي لله رب العالمين، لا شريك له، وبذلك أُمِرتُ وأنا من المسلمين، اللهمَّ أنت المَلِك لا إله إلَّا أنت، أنت ربي، وأنا عبدك، ظلمتُ نفسي، واعترفتُ بذنبي، فاغفر لي ذنوبي جميعًا، إنه لا يغفر الذنوب إلا أنت، واهدني لأحسن الأخلاق لا يهدي لأحسنها إلا أنت، واصرف عني سيئَها لا يصرف عني سيئها إلا أنت، لبَّيْك وسَعْدَيْك، والخيرُ كله في يديك، والشر ليس إليك، أنا بك وإليك، تباركتَ وتعاليتَ، أستغفرك وأتوب إليك»، وإذا ركع، قال: «اللهمَّ لك ركعتُ، وبك آمنتُ، ولك أسلمتُ، خشع لك سمعي، وبصري، ومُخِّي، وعظمي، وعَصَبي»، وإذا رفع، قال: «اللهم ربنا لك الحمد مِلءَ السماوات، ومِلءَ الأرض، ومِلءَ ما بينهما، ومِلءَ ما شئتَ من شيء بعد»، وإذا سجد، قال: «اللهم لك سجدتُ، وبك آمنتُ، ولك أسلمتُ، سجد وجهي للذي خلقه، وصوَّره، وشقَّ سمعَه وبصرَه، تبارك الله أحسنُ الخالقين»، ثم يكون من آخر ما يقول بين التشهُّد والتسليم: «اللهم اغفر لي ما قدَّمتُ وما أخَّرتُ، وما أسررتُ وما أعلنتُ، وما أسرفتُ، وما أنت أعلم به مني، أنت المُقَدِّم وأنت المؤَخِّر، لا إله إلا أنت».
[صحيح.] - [رواه مسلم.]
المزيــد ...

Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag tumindig noon para sa pagdarasal, ay nagsasabi: "Wajjahtu wajhī lilladhī faṭara -ssamāwāti wa -l'arḍa hanīfan wa mā anā mina -lmushrikīn. Inna ṣalātī wa nusukī wa maḥyāya wa mamātī lillāhi rabbi -l`ālamīna lā sharīka lahu wa bidhālika umirtu wa anā mina -lmuslimīn. Allāhumma anta -lmaliku lā ilāha illa anta, anta rabbī wa anā `abduka, đalamtu nafsī wa`taraftu bidhambī fa-ghfir lī dhunūbī jamī`an, innahu lā yaghfiru -dhdhunūba illā anta, wa -hdinī li'aḥsani -l'akhlāqi, lā yahdī li'aḥsanihā illā anta, wa -ṣrif `annī sayyi'ahā, lā yaṣrifu `annī sayyi'ahā illā anta, labbayka wa sa`dayka, wa -lkhayru kulluhu fī yadayka, wa -shsharru laysa ilayka, anā bika wa ilayka, tabārakta wa ta`ālayta, astaghfiruka wa atūbu ilayka. (Ibinaling ko ang mukha ko sa naglalang ng mga langit at lupa bilang isang makatotoo, at hindi ako kabilang sa mga nagtatambal sa Panginoon. Tunay na ang dasal ko, ang handog ko, ang buhay ko, at ang kamatayan ko ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang, walang katambal sa Kanya. Iyon ay ipinag-utos sa akin, at ako ay kabilang sa mga Muslim. O Allāh, Ikaw ang Hari, walang Diyos kundi Ikaw. Ikaw ay Panginoon ko at ako ay lingkod Mo. Lumabag ako sa katarungan sa sarili ko at inamin ko ang pagkakasala ko kaya patawarin Mo ako sa lahat ng mga pagkakasala ko; tunay na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw. Patnubayan Mo ako sa pinakamaganda sa mga kaasalan; walang magpapatnubay sa pinakamaganda sa mga iyon kundi Ikaw. Ilayo Mo sa akin ang masagwa sa mga iyon; walang magpapalayo sa akin sa masagwa sa mga iyon kundi Ikaw. Bilang pagtugon sa Iyo at bilang pagsunod sa Iyo, ang mabuti, lahat ng ito, ay nasa mga kamay Mo. Ang masama ay hindi inuugnay sa Iyo. Ako ay nagagabayan sa pamamagitan Mo at nagpapakanlong sa Iyo. Napakamapagpala Mo at pagkataas-taas Mo. Humihingi ako ng tawad sa Iyo at nagbabalik-loob ako sa Iyo.)" Kapag yumukod siya, nagsasabi siya: "Allāhumma laka raka`tu, wa bika āmantu, wa laka aslamtu, khasha`a laka sam`ī wa baṣarī, wa mukhkhī wa `ađmī wa `aṣabī. (O Allāh sa Iyo ako yumukod, sa Iyo ako sumampalataya, at sa Iyo ako nagpasakop. Nagpakababa sa Iyo ang pandinig ko, ang paningin ko, ang utak ko, ang buto ko, at ang litid ko." Kapag umangat siya, nagsasabi siya: "Allāhumma rabbanā laka -lḥamd, mil'a -ssamāwāti wa mil'a -l'arḍ, wa mil'a mā baynahumā wa mil'a mā shi'ta min shay'im ba`d. (O Allah, Panginoon namin, ukol sa Iyo ang papuri, na makapupuno sa mga langit, makapupuno sa lupa, makapupuno sa anumang nasa pagitan ng mga ito, at makapupuno ng anumang bagay na niloob Mo pagkatapos.)" Kapag nagpatirapa siya, nagsasabi siya: "Allāhumma laka sajadtu, wa bika āmantu, wa laka aslamtu, sajada wajhī lillādhī khalaqahu wa ṣawwarahu, wa sḥaqqa sam`ahu wa baṣarahu, tabāraka -llāhu aḥsanu -lkhāliqīn. (O Allāh, sa Iyo ako nagpatirapa, sa Iyo ako sumampalataya, at sa Iyo ako nagpasakop. Nagpatirapa ang mukha ko sa Kanya na lumikha rito, nag-anyo rito, nagbukas sa pandinig at paningin nito. Napakamapagpala ni Allāh, ang pinakamagaling sa mga tagapaglikha.)" Pagkatapos kabilang sa huli sa sinasabi niya sa pagitan ng tashahhud at taslīm: "Allāhumma -ghfir lī mā qaddamtu wa mā akhkhartu, wa mā asrartu wa mā a`lantu, wa mā asraftu, wa mā anta a`lamu bihi minnī, anta -lmuqaddimu wa anta -lmu'akhkhiru, lā ilāha illā anta. (O Allāh, patawarin Mo ako sa [kasalanang] naunang nagawa ko at nahuling nagawa ko, [kasalanang] inilihim ko at inihayag ko, at [kasalanang] ipinagmalabis at [kasalanang] Ikaw ay higit na nakaaalam doon kaysa sa akin. Ikaw ay ang nagpapauna at Ikaw ay ang nagpapahuli; walang Diyos kundi Ikaw.)"
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag tumindig siya noon para sa dasal, ay nagsasabi: "Wajjahtu wajhī lilladhī faṭara -ssamāwāti wa -l'arḍa..." Nangangahulugan ito: "Ibinaling ko sa pagsamba." Ang kahulugan: "Inilaan ko ang pagsamba ko kay Allah na lumikha sa mga langit at lupa nang walang kahalintulad na nauna at bumaling ako palayo sa anumang iba pa sa kanya sapagkat tunay na ang sinumang nagpairal ng tulad ng mga nilikhang ito na mga nasa sukdulan ng pagkamalikhain at kahusayan ay karapat-dapat bumaling ang mga mukha sa Kanya, manalig ang mga puso sa Kanya sa lahat ng mga kalagayan. Hindi lilingon sa iba pa sa Kanya, at walang mimithiin kundi ang pamamalagi ng kaluguran Niya at kabutihan Niya." Ang "hanīfan wa mā anā mina -lmushrikīn..." ay nangangahulugang: "Bilang nakakiling palayo sa bulaang relihiyon tungo sa totoong Relihiyon, ang Relihiyon ng Islām, bilang matatag dito." [Ang hanīf na] ito sa ganang mga Arabe ay nanaig [ang pagkaunawa] sa sinumang nasa kapaniwalaan ni Abraham, sumakanya ang pangangalaga. Pagkatapos ay nagsasabi siya: "Inna ṣalātī wa nusukī wa maḥyāya wa mamātī lillāhi rabbi -l`ālamīna lā sharīka lahu wa bidhālika umirtu wa anā mina -lmuslimīn." Nangangahulugan ito: "Ang dasal ko, ang pagsamba ko, at ang pagpapakalapit ko, lahat ng iyon, ay inilalaan sa mukha ni Allah. Hindi ako nagtatambal kaugnay roon ng iba pa sa Kanya. Gayon din ang buhay ko at ang kamatayan ko, ukol kay Allah, ang Tagapaglikha ng dalawang ito at ang Tagapagtakda ng dalawang ito: walang pangangasiwa para sa iba pa sa Kanya sa dalawang ito. Walang katambal sa Kanya, napakamaluwalhati Niya, sa sarili Niya, mga katangian Niya, at mga gawa Niya. Ipinag-utos nga sa akin ng Panginoon ko itong Tawḥīd at pagpapakawagas. Ako ay kabilang sa mga Muslim na nagpapaakay at tumatalima sa Kanya, napakamaluwalhati Niya." Pagkatapos ay nagsasabi siya: "Allāhumma anta -lmaliku lā ilāha illa anta, anta rabbī wa anā `abduka, đalamtu nafsī wa`taraftu bidhambī fa-ghfir lī dhunūbī jamī`an, innahu lā yaghfiru -dhdhunūba illā anta..." Nangangahulugan ito: "O Allah, Ikaw ay ang Hari sapagkat walang haring iba pa sa Iyo at walang paghahari sa katotohanan para sa iba pa sa Iyo. Ikaw ay ang namumukod-tangi sa pagkadiyos kaya walang sinasambang karapat-dapat kundi Ikaw. Ikaw ay Panginoon ko at ako ay alipin Mo. Lumabag nga ako sa katarungan sa sarili ko dahil sa pagkalingat sa pag-alaala sa Iyo at paggawa ng mga pagsuway at mga pagkakasala. Inamin ko na ang mga pagkakasala ko kaya magpatawad Ka sa akin sa mga pagkakasala ko sapagkat tunay na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw sapagkat tunay na Ikaw ay ang Tagapagpatawad, ang Mapagpatawad." Pagkatapos ay nagsasabi siya: "wa -hdinī li'aḥsani -l'akhlāqi, lā yahdī li'aḥsanihā illā anta, wa -ṣrif `annī sayyi'ahā, lā yaṣrifu `annī sayyi'ahā illā anta..." Nangangahulugan ito: "Gabayan Mo ako, ituon Mo ako, patatagin Mo ako, paratingin Mo ako sa pinakamaganda sa mga kaasalan sa pagsamba sa Iyo at sa iba pa ritong mga kaasalang maganda, mabuti, hayagan, at patago sapagkat tunay na Ikaw ay ang Tagapagpatnubay tungo sa mga ito: walang tagapagpatnubay na iba pa sa Iyo. Ilayo Mo ako at pangalagaan Mo ako laban sa masama sa mga kaasalan sapagkat tunay na walang naglalayo sa akin at nangangalaga sa akin laban sa mga iyon kundi Ikaw." Pagkatapos ay nagsasabi siya: "labbayka wa sa`dayka..." Nangangahulugan ito: "Nananatili ako sa pagtalima sa Iyo ayon sa pananatiling matapos ng isang pananatili at naliligayahan ako sa pagtalima sa Iyo at pagtugon ko sa paanyaya Mo ayon sa kaligayahang matapos ng isang kaligayahan." Pagkatapos ay nagsasabi siya: "wa -lkhayru kulluhu fī yadayka..." Nangangahulugan ito: "Ang kabutihan, ang lahat ng ito ay nasa pangangasiwa Mo. Ikaw ang Tagapagmay-ari nito, ang Tagapangasiwa rito kung papaano Mong loloobin." Ang "wa -shsharru laysa ilayka..." ay nangangahulugang: "Nagaganap lamang ang kasamaan sa mga gawa Mo at mga nilikha Mo hindi sa gawa Mo." Napakamaluwalhati Niya sapagkat ang kasamaan ay hindi inuugnay sa Kanya, napakamaluwalhati Niya, sa anuman: hindi sa sarili Niya, hindi sa mga katangian Niya, hindi sa mga gawa Niya, at hindi sa mga pangalan Niya sapagkat tunay na ang sarili Niya ay nagtataglay na ganap na kalubusan mula sa lahat ng mga aspeto. Ang mga katangian Niya, ang lahat ng mga ito ay mga katangian ng kalubusan, na ipinampupuri at ipinagkakapuri dahil sa mga ito. Ang mga gawa Niya, ang lahat ng mga ito ay kabutihan, awa, katarungan, at karunungan; walang kasamaan sa mga ito sa anuman. Ang mga pangalan Niya, ang lahat ng mga ito ay pinakamagaganda. Kaya papaanong iuugnay ang kasamaan sa Kanya? Bagkus ang kasamaan ay nasa mga gawa Niya at mga nilikha Niya habang Siya naman ay nakahiwalay roon yayamang ang gawa Niya ay hindi bunga ng ginawa Niya sapagkat ang gawa Niya ay kabutihan lahat. Ang nilikha namang ginawan, mayroon ditong kabutihan at kasamaan. Kapag ang kasamaan ay nilikhang nakahiwalay na hindi umiiral sa Panginoon, napakamaluwalhati Niya, ito ay hindi inuugnay sa Kanya. Dito ay walang katwiran para sa mga Mu`tazil na nagpapalagay na si Allah ay hindi lumikha sa kasamaan. Si Allah ay Tagapaglikha ng kabutihan at kasamaan at Tagapaglikha ng bawat bagay, napakamaluwalhati Niya. Ang "anā bika wa ilayka..." Nangangahulugan ito: "Nagpapakupkop ako, sumasalig ako, nagpapakanlong ako, tumatayo ako sa Iyo, bumabaling ako, nagpapakalinga ako, at bumabalik ako sa Iyo, o sa Iyo ako naniniwala ng kaisahan, at sa Iyo nagwawakas ang kapakanan ko sapagkat Ikaw ay ang sinisimulan at ang winawakasan." Sinasabi: "Nagpapatulong ako sa Iyo at bumabaling ako sa Iyo." Ang "tabārakta wa ta`ālayta..." ay nangangahulugang: "Nagpakadakila Ka, nagpakamaluwalhati Ka, dumami ang kabutihan Mo, pagkataas-taas Mo sa anumang hinahakahaka ng mga hakahaka, ginuguniguni ng mga isip, at nagpakalayo-layo Ka sa bawat kakulangan at kapintasan." Ang "astaghfiruka wa atūbu ilayka..." ay nangangahulugang: "Hinihingi ko ang kapatawaran para sa nagdaan at bumabalik ako palayo sa paggawa ng mga pagkakasala sa anumang natira bilang bumabaling sa Iyo sa pamamagitan ng pagtutuon at katatagan hanggang kamatayan." Kapag yumukod siya, nagsasabi siya: "Allāhumma laka raka`tu, wa bika āmantu, wa laka aslamtu, khasha`a laka sam`ī wa baṣarī, wa mukhkhī wa `ađmī wa `aṣabī." Nangangahulugan ito: "Ang pagyukod ko ay ukol sa Iyo, tanging sa Iyo, wagas na inuukol sa Iyo. Sumampalataya nga ako sa Iyo at nagpaakay ako sa Iyo samantalang ang mga bahagi ng katawan ko gaya ng paningin, utak, buto, at litid ay hamak na nagpapaakay sa utos Mo." Kapag inangat niya ang ulo niya mula sa pagkakayukod, nagsasabi siya: "Allāhumma rabbanā laka -lḥamd, mil'a -ssamāwāti wa mil'a -l'arḍ, wa mil'a mā baynahumā wa mil'a mā shi'ta min shay'im ba`d." Nangangahulugan ito: "Nagpupuri ako sa Iyo ng papuring kung sakaling naging mga katawan ay talagang napuno na sana ang mga langit at lupa, at napuno na sana ang anumang niloob mula sa nilikha Mo matapos ang mga langit at lupa." Kapag nagpatirapa siya, nagsasabi siya: "Allāhumma laka sajadtu, wa bika āmantu, wa laka aslamtu, sajada wajhī lillādhī khalaqahu wa ṣawwarahu, wa sḥaqqa sam`ahu wa baṣarahu, tabāraka -llāhu aḥsanu -lkhāliqīn." Pagkatapos kabilang sa huli sa sinasabi niya sa pagitan ng tashahhud at taslīm: "Allāhumma -ghfir lī mā qaddamtu wa mā akhkhartu, wa mā asrartu wa mā a`lantu, wa mā asraftu, wa mā anta a`lamu bihi minnī, anta -lmuqaddimu wa anta -lmu'akhkhiru, lā ilāha illā anta." Nangangahulugan ito: "O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa naunang nagawa kong mga pagkakasala at nahuling nagawa ko sa mga ito." Para bang siya ay nagsabi: "Magpatawad Ka sa akin sa luma at bago." Ang "wa mā asrartu wa mā a`lantu..." ay nangangahulugang: "Magpatawad ka sa akin sa anumang ikinubli ko at inilantad ko, o anumang kinausap ko sa pamamagitan niyon ang sarili ko at anumang gumalaw dahil doon ang dila ko." Ang "wa mā asraftu" ay nangangahulugang: "Magpatawad ka sa akin sa anumang nilampasan ko kaugnay roon ang hangganan ng mga pagkakasala at mga pagsuway." Ang "wa mā anta a`lamu bihi minnī" ay nangangahulugang: "Magpatawad ka sa akin sa mga pagkakasala kong hindi ko nalalaman." Ang "anta -lmuqaddimu wa anta -lmu'akhkhiru" ay nangangahulugang: "Inuuna Mo ang sinumang niloob Mo dahil sa pagtalima sa Iyo at iba pa rito at inihuhuli Mo ang sinumang niloob Mo doon gaya ng hinihiling na karunungan Mo. pinararangalan Mo ang sinumang niloloob Mo at hinahamak Mo ang sinumang niloloob Mo." Ang "lā ilāha illā anta" ay nangangahulugang: "Walang sinasambang karapat-dapat kundi Ikaw."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano الهندية الأيغورية
Paglalahad ng mga salin