+ -

عَنْ ‌أَبِي الزُّبَيْرِ قَالَ:
كَانَ ‌ابْنُ الزُّبَيْرِ يَقُولُ فِي دُبُرِ كُلِّ صَلَاةٍ حِينَ يُسَلِّمُ: «لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ وَحْدَهُ لَا شَرِيكَ لَهُ، لَهُ الْمُلْكُ وَلَهُ الْحَمْدُ وَهُوَ عَلَى كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ، لَا حَوْلَ وَلَا قُوَّةَ إِلَّا بِاللهِ، لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ، ‌وَلَا ‌نَعْبُدُ ‌إِلَّا إِيَّاهُ، لَهُ النِّعْمَةُ وَلَهُ الْفَضْلُ وَلَهُ الثَّنَاءُ الْحَسَنُ، لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ وَلَوْ كَرِهَ الْكَافِرُونَ» وَقَالَ: «كَانَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يُهَلِّلُ بِهِنَّ دُبُرَ كُلِّ صَلَاةٍ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 594]
المزيــد ...

Ayon kay Abu Az-Zubayr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Ang Anak ni Az-Zubayr ay nagsasabi noon sa bawat pagkatapos ng ṣalāh kapag nakapagsasagawa siya ng taslīm: "Lā ilāha illa ­–llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu ­–lmulku wa-lahu ­–lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāh. Lā ilāha illa –llāh, wa-lā na`budu illā iyyāh. Lahu –nni`matu wa-lahu –lfaḍlu wa-lahu –ththanā’u –lḥasan. Lā ilāha illa –llāhu mukhliṣīna lahu –ddīna wa-law kariha –lkāfirūn. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay Makapangyarihan. Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh. Walang Diyos kundi si Allāh at wala kaming sinasamba kundi Siya. Ukol sa Kanya ang pagbibiyaya, ukol sa Kanya ang pagmamabuting-loob, at ukol sa Kanya ang magandang pagbubunyi. Walang Diyos kundi si Allāh. Bilang mga nagpapakawagas [kami] sa Kanya sa pagtalima, at kahit pa man masuklam ang mga tagatangging sumampalataya.)" Nagsabi siya: "Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bumibigkas ng Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh) kalakip ng mga ito sa pagkatapos ng bawat ṣalāh."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 594]

Ang pagpapaliwanag

Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dumadalangin matapos ng pagsasagawa niya ng taslīm ng bawat ṣalāh na isinatungkulin sa pamamagitan ng dakilang dhikr na ito:
Ang "Lā ilāha illa ­–llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)" ay nangangahulugang: Walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh.
Ang "waḥdahu lā sharīka lah (tanging Siya: walang katambal sa Kanya)" ay nangangahulugang: Tunay na walang nakikilahok sa Kanya sa pagkadiyos Niya, pagkapanginoon niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya.
Ang "Lahu ­–lmulku (Ukol sa Kanya ang paghahari)" ay nangangahulugang: Ukol sa kanya ang paghaharing walang-takda na pangkalahatan na sumasaklaw na malawak, na paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito.
Ang "wa-lahu ­–lḥamd (at ukol sa Kanya ang papuri)" ay nangangahulugang: Siya ang nailalarawan sa kalubusang walang-takda, na pinapupurihan dahil sa kalubusan dala ng pag-ibig at pagdakila sa bawat kalagayan, sa kariwasaan at sa kariwaraan.
Ang "huwa `alā kulli shay'in qadīr (Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan" ay sapagkat ang kakayahan Niya ay lubos at ganap sa bawat punto, n walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na isang anuman at walang nakapipigil sa Kanya na isang bagay kabilang sa mga bagay.
Ang "Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāh. (Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh.)" ay nangangahulugang: Walang pagpapalit-kalagayan mula sa isang kalagayan tungo sa isang kalagayan at mula sa pagsuway kay Allāh tungo sa pagtalima sa Kanya, at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh sapagkat Siya ang Tagatulong at sa Kanya ang saligan.
Ang "Lā ilāha illa –llāh, wa-lā na`budu illā iyyāh." (Walang Diyos kundi si Allāh at wala kaming sinasamba kundi Siya.)" ay isang pagbibigay-diin sa kahulugan ng pagkadiyos at pagkakaila sa Shirk, at na walang naging karapat-dapat sa pagsamba kundi Siya.
Ang "Lahu –nni`matu wa-lahu –lfaḍlu (Ukol sa Kanya ang pagbibiyaya, ukol sa Kanya ang pagmamabuting-loob,)" ay sapagkat Siya ay ang lumikha ng mga biyaya, nagmamay-ari ng mga ito, at nagmamagandang-loob ng mga ito sa sinumang niloloob Niya sa mga lingkod Niya.
Ang "wa-lahu –ththanā’u –lḥasan. (at ukol sa Kanya ang magandang pagbubunyi.)": sa sarili Niya, mga katangian Niya, mga gawain Niya, mga biyaya Niya, at sa bawat kalagayan.
Ang "Lā ilāha illa –llāhu mukhliṣīna lahu –ddīna (Walang Diyos kundi si Allāh. Bilang mga nagpapakawagas [kami] sa Kanya sa pagtalima,)" ay nangangahulugang: Bilang mga naniniwala sa Tawḥīd, hindi dala ng pakitang-tao at hindi dala ng parinig sa pagtalima kay Allāh.
Ang "wa-law kariha –lkāfirūn. (at kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya.)" ay nangangahulugang: bilang mga nagpapakatatag sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagsamba sa Kanya, kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagpapanatili ng pagsambit ng dhikr na ito matapos ng bawat ṣalāh na isinatungkulin.
  2. Ang Muslim ay nagmamarangal ng Relihiyon niya at naglalantad ng mga sagisag nito, kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya.
  3. Kapag nasaad sa ḥadīth ang pariralang "pagkatapos ng ṣalāh" saka kung ang nasa ḥadīth ay dhikr, ang batayang panuntunan ay na ito ay matapos ng salām; at kung ito naman ay panalangin, ito ay bago ng salām ng ṣalāh.
Ang karagdagan