عن عائشة رضي الله عنها قالت: ما صلّى رسول الله صلى الله عليه وسلم بعد أن نَزَلت عليه: (إذا جاء نصرُ الله والفتح..) إلا يقول فيها: «سُبْحَانَكَ اللهم ربَّنا وبحمدك، اللَّهُمَّ اغفر لي».
وفي لفظ: كان رسول الله صلى الله عليه وسلم يكثر أن يقولَ في ركوعه وسجوده: «سُبْحَانَكَ اللَّهُمَّ ربنا وبحمدك، اللَّهُمَّ اغْفِرْ لي».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay 'Āishah malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: Hindi nagdasal ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Pagkatapos na dumating sa kanya ang: { Kapag Dumating sa inyo ang Kalinga ni Allah at Tagumpay} liban sa sinasabi niya rito na:"Kaluwalhatian sa Iyo O Allah! Aming Panginoon at sa Iyo ang Papuri,O Allah patawarin Mo ako")) At sa ibang pananalita:(( Ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pinaparami niya ang sinasabi sa pagyuko at pagpapatirapa niya ng:"Kaluwalhatian sa Iyo o Allah! Aming Panginoon at sa Iyo ang Papuri, O Allah! Patawarin Mo Ako))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Binanggit ni 'Āishah malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na ito, na si Allah-Pagkataas-taas Niya, Nang ipahayag Niya sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang Kabanatang An-Nasr,at nakita niya ang palatandaan na ito,ito ay ang Tagumpay,At pagtagumpay sa Meccah, Nagmadali siya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa pagsagawa ng kautusan ni Allah-Pagkataas-taas Niya,At ang napakaraming sinasabi niya ay:(Kaluwalhatian sa Iyo O Allah! Aming Panginoon at sa Iyo ang Papuri, O Allah! Patawarin Mo ako)at ang mga pananalitang ito,ay nabuo upang dalisayin si Allah Pagkataas-taas Niya mula sa mga Kapintasan,na may kasamang pagbanggit na Pagpupuri sa Kanya,at hindi siya nagdasal ng dasal na obligado o kulang-loob, maliban sa sinasabi niya ito sa pagyuko niya at pagpapatirapa niya. Ay ang Kabanatang ito ay palatandaan sa malapit na oras [ng pagpanaw] ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan .