عن عائشة رضي الله عنها «أن رسول الله صلى الله عليه وسلم بعث رجلا على سَرِيَّةٍ فكان يَقْرَأ لأصحابه في صلاتهم، فَيَخْتِمُ بـ«قل هو الله أحد» فلما رجعوا ذكروا ذلك لرسول الله صلى الله عليه وسلم فقال: سَلُوهُ لأَيِّ شيء صَنَع ذلك؟ فسألُوه، فقال: لِأنَّها صِفَةُ الرحمن عز وجل ، فأنا أُحِب أَنْ أَقْرَأ بها، فقال رسول الله صلى الله عليه وسلم : أَخْبِرُوه: أنَّ الله تعالى يُحِبُّه».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya.((Tunay na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagpadala ng isang lalaki sa hukbo [ng mga kawal],at siya ay nagbabasa sa mga kasamahan niya sa pagdarasal nila,at tinatapos niya sa "Ipagbadya (O Muhammad) siya si Allah ang Nag-iisa" At nang umuwi sila binanggit nila ito sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya: Tanungin ninyo siya kung bakit niya iyon ginawa? Nagtanong sila sa kanya,Nagsabi siya: Dahil ito ay Katangian ni Allah {Ang Mahabagin}-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-kaya inibig ko na basahin ito,Ang sabi ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ipaalam ninyo sa kanya : Tunay na si Allah ay iniibig siya))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Inutusan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang mga ilang kasamahan niya sa mga hukbo upang mamahala sa kanila at maghatol sa pagitan nila,at nang sa gayun ay hindi maging magulo ang kalagayan nila,at mamimili siya sa [sinong may] pinakamalakas sa kanila sa Relihiyon at kaalaman at pamamahala,kung-kaya`t ang mga Pinuno ay sila rin ang Imam sa pagdadasal,at nagbibigay ng mga Hatol dahil sa kainaman ng kaalaman nila at relihiyon [pananampalataya] nila,At siya ay nagbabasa ng "Ipagbadya (O Muhammad) siya si Allah ang Nag-iisa" sa ikalawang tindig mula sa bawat dasal,Dahil sa pagmamahal niya sa Allah at sa mga Pangalan Niya at sa mga Katangian Niya.At sinuman ang mag-ibig sa isang bagay,pararamihin niya ang pagbabanggit rito.At nang sila ay bumalik sa kanilang pandarambong sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,binanggit nila ito,Nagsabi siya:Tanungin ninyo siya,kung bakit niya ito ginagawa?Ito ba ay tunay na nagkataon [lamang] o mga bagay na panggamot?Nagsabi ang pinuno:Ginawa ito dahil sa napapaloob nitong mga katangian ni Allah [Ang mahabagin]-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan,kaya inibig kong ulit-ulitin ito doon,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:Sabihin ninyo sa kanya,na tulad ng pag-uulit niya sa kabanatang ito dahil sa pag-ibig niya rito;at ito ay dahil sa napapaloob niyang mula sa mga katangian ni Allah-Ang Dakila,na nagpapahiwatig rito sa mga Pangalan Niyang nabanggit-Na tunay na si Allah ay iniibig siya,At ano paba ang hihigit rito mula sa mga kainaman