+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: كان رسول الله صلى الله عليه وسلم إذا كَبَّرَ في الصلاة سكت هُنَيْهَةً قبل أن يقرأ، فقلت: يا رسول الله، بأبي أنت وأمي، أَرَأَيْتَ سُكُوتَكَ بين التكبير والقراءة: ما تقول؟ قال: أقول: اللَّهُمَّ باعد بيني وبين خطاياي كما باعدت بين المشرق والمغرب. اللهم نَقِّنِي من خطاياي كما يُنَقَّى الثوب الأبيض من الدَّنَسِ. اللهم اغْسِلْني من خطاياي بالماء والثَّلْجِ وَالْبَرَدِ.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Siya ay nagsabi:Ang Sugo ni Allah-pagpaalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay Nagbigkas ng Takbir [Allahu Akbar] sa pagdarasal,tumatahimik siya ng panandalian,bago siya magbasa,Nagsabi siya: O Sugo ni Allah,Sa Ama ko,Ikaw At sa Ina ko,Nakikita ko ang pagtahimik mo sa pagitan ng pagbibigkas ng Takbir [Allahu Akbar] at pagbabasa: Ano ang sinasabi mo?Nagsabi siya: Sinasabi kong:O Allah,ilayo Mo ako mula sa aking pagkakasala kahilintulad ng paglayo Mo sa pagitan ng Silangan at Kanluran.O Allah! Dalisayin ako mula sa aking pagkakasala,kahalintulad ng pagdalisay mula sa isang maputing tela mula sa dumi,O Allah! Linisin ang aking mga pagkakasala ng nyebe tubig,at yelo
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang Propeta-pagaalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ang nagbigkas ng Takbir [Allahu Akbar] sa pagdarasal nang Takbiratil Ihram,Hinihinaan niya ang boses niya sa maikling oras bago niya basahin ang Al-Fatihah.At ang mga kasamahan ng Propeta ay nalalaman nila mayroon siya siyang sinasabi sa pagtahimik [niyang ito],Ito ay dahil sa ang lahat ng pagdarasal ay pag-aalaala,walang pagtahimik rito na hindi naririnig,O mula sa mga galaw ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nalalaman nilang siya [sa mga sandaling ito] ay nagbabasa.At dahil sa pagsusumikap ni Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-sa kaalaman at Sunnah,Nagsabi siya:Isasakripisyo ko sa iyo O Sugo ni Allah,ang ama ko at ina ko,Ano ang sinasabi mo sa pagtahimik na ito,sa pagitan ng pagbigkas ng Takbir [Allahu Akbar] at pagbabasa? Nagsabi siya: Sinasabi kong: " O Allah,ilayo Mo ako mula sa aking pagkakasala kahalintulad ng paglayo Mo sa pagitan ng Silangan at Kanluran.O Allah! Dalisayin ako mula sa aking pagkakasala,kahalintulad ng pagdalisay mula sa isang maputing tela mula sa dumi,O Allah! Linisin ang aking mga pagkakasala ng nyebe tubig,at yelo." At ito ay pananalangin sa ganap na pagkakataon,sa Marangal na kinatatayuan ito,sa kinatatayuang pananalangin,Dahil ang nagdarasal ay humaharap kay Allah-Pagkataas-taas Niya-upang burahin ang mga kasalanan niya,at upang ilayo siya sa pagitan niya at pagitan nito nang layong,hindi na niya ito makakatagpo.Tulad ng hindi pagkakatagpo sa pagitan ng Silangan at Kanluran ,magpakailanman,At ang tanggalin sa kanya ang mga kasalanan at kamalian at dalisayin ito sa kanya,kahalintulad ng pagtanggal sa dumi mula sa puting tela,At ang linisin sa kanya ang mga kasalanan niya,at palamigin sa naglalagablab nito at init nito,-sa pamamagitan ng mga lamig na ito;Ang tubig,neyebe at yelo,Ang mga ito ay paghahalintulad sa ganap na mga halimbawa.At sa pamamagitan ng panalanging ito,matatanggal sa kanya ang mga bakas ng mga kasalanan,tatayo siya sa harapan ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan,sa pinaka ganap na kalagayan,At ang pinaakamainam ay gawin ng tao ang lahat ng tumpak na pambungad na naisalaysay.Gawin niya ito minsan ,at gawin niya [ang iba] minsan,Kahit pa ang Hadith na ito ni Abe Hurayrah ang siyang pinakatumpak nito.Si Allah ang higit na nakaka-alam.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الجورجية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan