+ -

عن أنس رضي الله عنه قَالَ: كَانَتْ ناقةُ رسولِ اللهِ صلى الله عليه وسلم العضْبَاءُ لاَ تُسْبَقُ، أَوْ لاَ تَكَادُ تُسْبَقُ، فَجَاءَ أعْرَابيٌّ عَلَى قَعودٍ لَهُ، فَسَبَقَهَا، فَشَقَّ ذَلِكَ عَلَى الْمُسْلِمِينَ حَتَّى عَرَفَهُ، فَقَالَ: "حَقٌّ عَلَى اللهِ أنْ لاَ يَرْتَفِعَ شَيْءٌ مِنَ الدُّنْيَا إِلاَّ وَضَعَهُ".
[صحيح] - [رواه البخاري بنحوه]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ang babaing kamelyo noon ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na si Al-`Aḍbā’, ay hindi nauunahan o halos hindi nauunahan ngunit may dumating na isang Arabeng disyerto sakay ng isang kamelyo niya at naunahan nito iyon. Dinibdib iyon ng mga Muslim hanggang sa malaman niya ito kaya nagsabi siya: "Isang karapatan ni Allah na walang umaangat na anumang bagay mula sa Mundo na hindi Niya ibababa iyon."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy ng tulad nito]

Ang pagpapaliwanag

Nasaad sa ḥadīth na ang babaing kamelyo ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na si Al-`Aḍbā’, ay itinuturing noon ng mga kasamahan, malugod si Allah sa kanila, na iyon ay hindi nauunahan o halos hindi nauunahan, ngunit dumating ang Arabeng disyertong ito sakay ng kamelyo niya at naunahan nito si Al-`Aḍbā’. Iyon ay dinibdib ng mga kasamahan, malugod si Allah sa kanila, kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, noong nalaman niya ang nasa mga kalooban nila: "Isang karapatan ni Allah na walang umaangat na anumang bagay mula sa Mundo na hindi Niya ibababa iyon." Kaya ang bawat pag-angat sa Mundo, ito ay hindi maiiwasang hahantong sa pagbaba. Kung ang pag-angat na ito ay pagmamataas ng mga kaluluwa at pagmamalaki, tunay na ang pagbaba ay higit na mabilis dahil ang pagbaba ay magiging isang kaparusahan. Kapag hindi naman nasamahan ito ng anuman, tunay na ito ay hindi maiiwasang bumalik at bumaba. Sa sabi niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na "mula sa Mundo" ay may patunay sa ang anumang umangat sa mga bagay-bagay kaugnay sa Kabilang-buhay, tunay na hindi ito ibababa ni Allah. Batay sa sabi ni Allah: "iaangat ni Allah sa mga antas ang mga sumampalataya na kabilang sa inyo at ang mga binigyan ng kaalaman" (Qur'an 58:11) ang mga ito ay hindi ibinaba ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, hanggat nanatili sila sa pagkakalarawang may pananampalataya at kaalaman. Tunay na hindi maaaring ibababa sila ni Allah; bagkus iaangat Niya para sa kanila ang katanyagan nila at iaangat Niya ang mga antas nila sa Kabilang-buhay.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish
Paglalahad ng mga salin