عن جابر رضي الله عنه قَالَ: كُنَّا إِذَا صَعِدْنَا كَبَّرْنَا، وَإِذَا نَزَلْنَا سَبَّحْنَا.
عن ابن عمر رضي الله عنهما قالَ: كانَ النبيُّ صلى الله عليه وسلم وجيُوشُهُ إِذَا عَلَوا الثَّنَايَا كَبَّرُوا، وَإِذَا هَبَطُوا سَبَّحُوا.
[صحيحان] - [حديث جابر -رضي الله عنه- رواه البخاري.
حديث ابن عمر -رضي الله عنهما- رواه أبو داود]
المزيــد ...
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Kami noon, kapag umakyat kami, ay nagdadakila, at kapag bumaba kami, ay nagluluwalhati." Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at ang mga hukbo niya noon, kapag pumaitaas sa mga daan [sa bundok], ay nagdadakila, at kapag bumaba, ay nagluluwalhati."
[Tumpak sa dalawang salaysay nito] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]
Ang kaangkupan ng takbīr sa pag-akyat sa mataas na lugar ay dahil sa ang pagpapaitaas at ang pag-angat ay kaibig-ibig sa mga kaluluwa dahil sa dulot nitong pagkadama ng kadakilaan kaya itinuring ng tao na dakila ang sarili niya. Dahil dito ay nagsasabi ang Muslim ng Allāhu akbar. Nangangahulugan ito na itinutulak niya ang sarili niya sa pagpapakaaba. Tungkol naman sa kadakilaan ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, isinasatagubilin sa naghahangad ng pag-angat ng sarili na alalahanin niya ang kadakilaan ni Allah, pagkataas-taas Niya, na Siya ay pinakadakila sa bawat bagay. Kaya naman dinadakila nito Siya upang magpasalamat sa Kanya roon at nagdaragdag naman Siya rito mula sa kabutihang-loob Niya. Ang kaangkupan naman ng tasbīḥ ay sa sandali ng pagbaba dahil sa ang mababang lugar ay makipot na lugar kaya sisimulan dito ang tasbīḥ dahil ito ay kabilang sa mga kadahilanan ng kaluwagan gaya ng nangyari sa kasaysayan ni Propeta Jonas, sumakanya ang pangangalaga, nang nagluwalhati siya sa gitna ng mga kadaliman kaya nakaligtas siya mula sa kapanglawan. Ang pagbaba ay kababaan, kaabahan, at pagkahamak. Kaya magsasabi ito ng Subḥāna -llāh (Napakamaluwalhati ni Allah), na nangangahulugang "ikinakaila nito kay Allah, nakapakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, ang kababaan dahil Siya, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, ay nasa ibabaw ng bawat bagay. Gayon din ang eroplano, sa pag-angat nito ay magdadakila kay Allah at sa pagbaba nito sa paliparan ay magluluwalhati dahil walang ipinagkaiba ang pag-akyat sa himpapawid at ang pagbaba mula roon o sa lupa. Si Allah ang Tagapagtagumpay.