عن عبد الله بن أبي أوفى رضي الله عنه قال: جاء رجل إلى النبي صلى الله عليه وسلم فقال: إني لا أستطيع أن آخذ من القرآن شيئا فَعَلِّمْنِي ما يُجْزِئُنِي منه، قال: "قل: سبحان الله، والحمد لله، ولا إله إلا الله، والله أكبر، ولا حول ولا قوة إلا بالله العلي العظيم"، قال: يا رسول الله، هذا لله عز وجل فما لي، قال: قل: اللهم ارْحَمْنِي وَارْزُقْنِي وَعَافِنِي وَاهْدِنِي. فلما قام قال: هكذا بيده فقال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «أما هذا فقد ملأ يده من الخير».
[حسن] - [رواه أبو داود وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullah bin Abe Awfa-malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: Dumating ang isang lalaki sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:Tunay na wala akong kakayahang magsa-ulo ng Qur-an kahit nang kahit ilan lamang,kaya`t ituro mo sa akin ang anumang magagantimpalaan ako rito,Nagsabi siya: Sabihin mong:"Napaka-maluwalhati ni Allah,at Ang Papuri ay sa Allah,at Walang ibang Diyos na karapat-dapat samabahin maliban kay Allah,at Ang Allah ay Dakila,at Walang ibang Kapangyarihan at Walang ibang Lakas maliban kay Allah,Ang Napaka-taas at Napaka-Dakila" Nagsabi siya:O Sugo ni Allah,Ang lahat ng ito ay para kay Allah-Kamahal-mahalan siya at Kapita-pitagan,ano naman ang para sa akin:Nagsabi siya: Sabihin mong:"O Allah Habagin Mo Ako at Biyayaan Mo ako at Patawarin Mo ako at Patnubayan Mo ako" at nang tumindig siya,nagsabi siya: Ganito ito,Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Ngunit ito,Tunay na napuno niya ang mga kamay nito nga mga kabutihan))
[Maganda] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Ipinapahayag sa Marangal na Hadith ang Panuntunan ng sinumang walang kakayahang magsa-ulo ng kahit ilan lamang sa Qur-an kung papaano siya magdadasal,Kung kaya't Pinatnubayan ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang isang Arabo na walang kakayahang magsa-ulo ng Qur-an.sa pamamagitan ng pagbigkas ng: Napaka-maluwalhati ni Allah,Ibig sabihin:Dinadakila natin Siya sa lahat na Kapintasan,At Ang Papuri ay kay Allah,At Walang ibang Diyos maliban kay Allah,ibig sabihin: Walang ibang Karapat-dapat Sambahin maliban kay Allah,Ang Allah at Dakila,at Walang Kapangyarihan at Walang Lakas maliban kay Allah,Ang Napaka-taas at Napaka-Dakila,Ibig sabihin ay:Walang may kakayahan na baguhin ang sitwasyon sa ibang sitwasyon maliban kay Allah,At sa oras na humingi ang Arabo ng Panalangin para sa kanya na sasabihin niya sa pagdarasal,Pinatnubayan niya ito na sabihin ang mga panalangin na ito na pangkalahatan ng mga kabutihan sa Mundo at sa Kabilang-buhay, kung saan ay sinasabi nitong; "O Allah Habagin Mo Ako at Biyayaan Mo ako at Patawarin Mo ako at Patnubayan Mo ako"At ipinapahayag ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ang kadakilaan ng Panalangin na ito at Pag-aalaala na ito, sa pagsabi nito sa Arabo na kinuha niya ((Ngunit ito,Tunay na napuno niya ang mga kamay nito nga mga kabutihan)) ibig sabihin ay dumating sa kanya ang napakaraming kabutihan