+ -

عن أبي سَلَمة بن عبد الرحمن بن عَوْف، قال: سألتُ عائشةَ أمَّ المؤمنين رضي الله عنها ، بأيِّ شيء كان نبيُّ الله صلى الله عليه وسلم يفتَتِح صلاتَه إذا قام من الليل؟ قالت: كان إذا قام من الليل افتتح صلاتَه: «اللهمَّ ربَّ جِبرائيل، ومِيكائيل، وإسرافيل، فاطرَ السماوات والأرض، عالمَ الغيب والشهادة، أنت تحكم بين عبادك فيما كانوا فيه يختلفون، اهدني لما اختُلِف فيه من الحق بإذنك، إنَّك تهدي مَن تشاء إلى صراطٍ مستقيمٍ».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Salamah bin `Abdirraḥmān bin `Awf, na nagsabi: Tinanong ko si `Ā'ishah, ang Ina ng mga Mananampalataya, malugod si Allah sa kanya: "Sa pamamagitan ng aling panalangin ang Propeta ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, nagpapasimula noon ng dasal niya kapag bumangon siya para magdasal sa gabi?" Nagsabi siya: "Kapag bumangon siya para magdasal sa gabi, nagpapasimula siya ng dasal niya [ng ganito]: Allāhumma rabba jibra'īla wa mīkā'īla wa isrāfīl, fāṭira -ssamāwāti wa -l'arḍ, `ālima -lghaybi wa -shshahādah, anta taḥkumu bayna `ibādika fīmā kānū fīhi yakhtalifūn, ihdinī lima -khtulifa fīhi mina -lḥaqqi bi'idhnika innaka tahdī man tashā'u ilā ṣirāṭim mustaqīm. (O Allāh, Panginoon nina Jibrā'īl, Mīkā'īl at Isrāfīl, Tagapaglalang ng mga langit at lupa, Nakaaalam sa Nakalingid at Nasasaksihan, Ikaw ay hahatol sa mga lingkod Mo hinggil sa anumang pinagtatalunan nila noon. Patnubayan Mo ako sa pinagtatalunan na katotohanan, ayon sa kapahintulutan Mo; tunay na Ikaw ay nagpapatnubay sa sinumang loloobin mo tungo sa isang matuwid na landasin.)"
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Tinanong ni Abū Salamah bin `Abdirraḥmān bin `Awf si `Ā'ishah, ang Ina ng mga Mananampalataya tungkol sa panalanging ang Propeta ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpapasimula noon ng dasal niya kapag nagdasal siya sa pagbangon sa gabi? Nagsabi si `Ā'ishah: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nagdasal siya sa pagbangon sa gabi, ay nagsasabi ng panalanging ito: "Allāhumma rabba jibra'īla wa mīkā'īla wa isrāfīl..." Ang pagtatangi sa pagbanggit sa tatlong anghel na ito karagdagan sa pagbanggit na Siya, pagkataas-taas Niya, ay Panginoon ng bawat bagay, ay para sa pagpaparangal sa kanila at pagtatangi sa kanila sa iba pa sa kanila. Para bang iniuna si Jibrīl dahil siya ay katiwala sa mga makalangit na aklat sapagkat ang lahat ng mga usaping panrelihiyon ay sumasangguni sa kanya. Inihuli sa pagbanggit si Isrāfīl dahil siya ay ang tagaihip sa tambuli at dahil dito sumasapit ang Huling Sandali. iginitna si Mīkā'īl dahil siya ay katiwala sa ulan, halaman, at tulad ng mga ito na nauugnay sa mga panustos na nag-aaruga sa Mundo. Ang "fāṭira -ssamāwāti wa -l'arḍ..." ay nangangahulugang: ang nagpairal sa mga ito at ang nagpasimula sa mga ito. Ang "`ālima -lghaybi wa -shshahādah..." ay nangangahulugang: ang nakaaalam sa anumang nalingid sa mga tao at anumang nasaksihan nila. Ang "anta taḥkumu bayna `ibādika fīmā kānū fīhi yakhtalifūn" ay nangangahulugang: humahatol Ka sa pagitan ng mga tao sa anumang sila noon ay nagtatalo-talo hinggil sa usapin sa Relihiyon sa mga araw sa Mundo. Ang "ihdinī lima -khtulifa fīhi mina -lḥaqqi bi'idhnika" ay nangangahulugang: patnubayan Mo ako sa totoo at tama sa pagtatalo-talong ito na nagkaiba-iba ang mga tao hinggil doon kabilang sa mga usapin ng Relihiyon at Mundo sa pamamagitan ng pagtutuon Mo at pagpapadali Mo. Ang "innaka tahdī man tashā'u ilā ṣirāṭim mustaqīm" ay nangangahulugang: sapagkat Ikaw ay nagpapatnubay sa sinumang loobin Mo sa daan ng totoo at tama.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan