عن أبي يونس سليم بن جبير مولى أبي هريرة رضي الله عنه ، قال: سمعتُ أبا هريرة يقرأ هذه الآية {إنَّ اللهَ يأمركم أن تؤدُّوا الأماناتِ إلى أهلها} [النساء: 58] إلى قوله تعالى {سميعًا بصيرًا} [النساء: 58] قال: «رأيتُ رسولَ الله صلى الله عليه وسلم يضع إبهامَه على أُذُنِه، والتي تليها على عينِه»، قال أبو هريرة: «رأيتُ رسولَ الله صلى الله عليه وسلم يقرؤها ويضعُ إصبعيه».
[صحيح] - [رواه أبو داود]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Yūnus bin Salīm bin Jubayr, ang katangkilik ni Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Narinig ko si Abū Hurayrah na bumibigkas ng talatang ito [ng Qur'ān 4:58]: "Tunay na si Allah ay nag-uutos sa inyo na gampanan ninyo ang mga ipinagkatiwalang tungkulin sa mga kinauukulan ng mga ito, at kapag humatol kayo sa mga tao ay humatol kayo ayon sa katarungan. Tunay na si Allah ay kay buti ng ipinangangaral sa inyo! Tunay na si Allah ay laging Nakaririnig, Nakakikita." Nagsabi siya: "Nakita ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na naglalagay ng hinlalaki niya sa tainga niya at ng [daliring] kasunod nito sa mata niya." Nagsabi si Abū Hurayrah: "Nakita ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na bumibigkas nito at naglalagay ng dalawang daliri niya."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]
Si Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, ay bumibigkas noon ng talatang ito [ng Qur'ān 4:58]: "Tunay na si Allah ay nag-uutos sa inyo na gampanan ninyo ang mga ipinagkatiwalang tungkulin sa mga kinauukulan ng mga ito, at kapag humatol kayo sa mga tao ay humatol kayo ayon sa katarungan. Tunay na si Allah ay kay buti ng ipinangangaral sa inyo! Tunay na si Allah ay laging Nakaririnig, Nakakikita." Binabanggit niya na siya ay nakakita sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na bumibigkas nito at naglalagay ng hinlalaki niya sa tainga niya at ng [daliring] kasunod nito sa mata niya, bilang pagbibigay-diin sa pagpapatibay sa katangian ng pagdinig at pagtingin para kay Allah, pagkataas-taas Niya, at bilang pagtutol sa mga pakahulugan ng mga naglilihis ng kahulugan. Wala ritong pagwawangis sa nilikha batay sa sabi ni Allah (Qur'ān 42:11): "Walang katulad sa Kanya na anumang bagay, at Siya ay ang Nakaririnig, ang Nakakikita." Ang paniniwala sa mga talata ng Qur'ān, sa lahat ng mga ito, ay humihiling ng nabanggit.