عن أنس بن مالك رضي الله عنه مرفوعاً: «لا تزالُ جهنَّمُ تقول: هل مِن مَزِيد، حتى يضعَ ربُّ العِزَّةِ فيها قَدَمُه، فتقولُ: قَطٍ قَطٍ وعِزَّتِك، ويُزوَى بعضُها إلى بعضٍ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: "Hindi titigil ang Impiyerno sa pagsasabi: May dagdag pa ba, hanggang sa ilagay ng Panginoon ng Kapangyarihan roon ang paa Niya at magsasabi iyon: Sapat na, sapat na, sumpa man sa kapangyarihan Mo; at masisiksik ang bahagi nito sa ibang bahagi."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ipinababatid ni Allah, pagkataas-taas Niya, na Siya ay magsasabi sa Impiyerno: "Napuno ka?" Iyon ay dahil Siya ay nangako roon na pupunuin Niya iyon ng mga jinn at tao nang sama-sama. Siya, napakamaluwalhati Niya, ay mag-uutos ng ipag-uutos Niya para roon at itatapon roon habang iyon ay nagsasabi: "May dagdag ba?" Nangangahulugan ito: "May natira bang idadagdag Mo sa akin?" Ito ay hanggang sa ilagay ng Panginoon ng Kapangyarihan roon ang paa Niya at magsasabi iyon: "Ito ay nakasasapat na." Hahawakan ito at sisiksikin ito. Hindi ipinahihintulot ang pagbibigay-pakahulugan sa paa bilang sinumang inihain ni Allah sa Impiyerno, ni iba pa roon na mga pagbibigay-pakahulugang walang kabuluhan, bagkus kinakailangan ang pagkilala sa pagkakaroon ng paa bilang isang katangian kay Allah, pagkataas-taas Niya, nang walang paglilihis sa kahulugan ni pag-aalis sa kahulugan, at nang walang pagpapaliwanag sa kahulugan ni pagtutulad.