عن عائشة رضي الله عنها أنّ رسولَ اللهِ صلى الله عليه وسلم كانَ يقول في ركوعه وسجودِه: «سبُّوحٌ قُدُّوسٌ رَبُّ المَلاَئِكَةِ وَالرُّوحِ».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay A-ieshah-malugod si Allah sa kanya -Na ang Sugo ni Allah-Pagplain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsasabi sa pagyuko niya at pagtirapa niya:(( Napaka-Maluwalhati Niya,Napaka-Banal Niya,Panginoon ng mga Anghel at ni Anghel Jibreel))
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Ayon kay Aieshah,siya ay nagsabi,Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsasabi sa pagyuyuko niya at pagtitirapa niya"Napaka-Maluwalhati Niya-Napaka-Banal Niya,Panginoon ng mga Anghel at ni Anghel Jibreel" Ibig sabihin ay:Ikaw ay Napaka-Maluwalhati at Napaka-Banal,At ito ay salitang pagmamalabis sa Pagtanggi (Sa mga pangalan at katangian na hindi nararapat para sa kadakilaan Niya).At Siya na Kapita-pitagan at kamahal-mahalan ay Napaka-Maluwalhati Niya at Napaka-Banal Niya;"Panginoon ng mga Anghel" at sila ay mga sundalo ni Allah,Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-Mga Buhay na hindi natin nakikita,At "Ang Kaluluwa";Siya si Anghel Jibreel,Ang pinaka-mainam sa lahat ng mga Anghel,Kayat nararapat sa mga tao na paramihin sa pagyuko nito at pagpatirapa nito ang pagsabi niya nang:[SABBUHUN QUDDUSUN RABBUL MALA-IKATI WAR RUUH]"Napaka-Maluwlhati Niya,Napaka-Banal Niya,Panginoon ng mga Anghel at ni Anghel Jibreel.At ang Quddus ay kabilang sa mga Magagandang Pangalan ni Allah,at ito ay galing sa salitang Qaddasa (Binabanal),na ang ibig sabihin ay: Tinatanggal nito at inilalayo nito ang mga kasamaan na may kasamang Pamimitagan at Pagdadakila. At ang Napaka-maluwalhati Niya, ay mula sa Magagandang Pangalan ni Allah na Al-Musabihh (Ang Linuluwalhati).