عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«رَغِمَ أَنْفُ رَجُلٍ ذُكِرْتُ عِنْدَهُ فَلَمْ يُصَلِّ عَلَيَّ، وَرَغِمَ أَنْفُ رَجُلٍ دَخَلَ عَلَيْهِ رَمَضَانُ ثُمَّ انْسَلَخَ قَبْلَ أَنْ يُغْفَرَ لَهُ، وَرَغِمَ أَنْفُ رَجُلٍ أَدْرَكَ عِنْدَهُ أَبَوَاهُ الكِبَرَ فَلَمْ يُدْخِلاَهُ الجَنَّةَ».
[صحيح] - [رواه الترمذي وأحمد] - [سنن الترمذي: 3545]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking binanggit ako sa piling niya ngunit hindi siya dumalangin ng basbas sa akin. Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking pumasok sa kanya ang Ramaḍān pagkatapos lumipas ito bago mapatawad siya. Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking nakaabot sa piling niya ang mga magulang ng katandaan ngunit hindi sila nagpapasok sa kanya sa Paraiso."}
[Tumpak] - - [سنن الترمذي - 3545]
Dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa tatlong klase ng tao ng pagpapadikit ng mga ilong nila sa alikabok bilang pagkaaba, pagkahamak, at pagkalugi. Ang unang uri ay ang sinumang binanggit sa piling niya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ngunit hindi siya dumalangin ng basbas sa kanya sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Ṣalla -llāhu `alayhi wa-sallam. (Basbasan siya ni Allāh at pangalagaan.)" Ang ikalawang klase ay ang sinumang nakaabot sa buwan ng Ramaḍān pagkatapos natapos ang buwan bago mapatawad siya dahil sa pagkukulang niya sa paggawa ng pagtalima. Ang ikatlong klase ay isang taong nakaabot sa piling niya ang mga magulang ng katandaan ngunit hindi sila naging isang kadahilanan sa pagpasok niya sa Paraiso dahil sa kasutilan niya at pagkukulang niya sa karapatan nila.