+ -

عَنْ أَبِي أُمَامَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«مَنْ قَرَأَ آيَةَ الْكُرْسِيِّ فِي دُبُرِ كُلِّ صَلَاةٍ مَكْتُوبَةٍ لَمْ يَمْنَعْهُ مِنْ دُخُولِ الْجَنَّةِ إِلَّا أَنْ يَمُوتَ».

[صحيح] - [رواه النسائي في الكبرى] - [السنن الكبرى للنسائي: 9848]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Umāmah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang bumigkas ng Āyatulkursīy sa katapusan ng bawat ṣalāh na isinatungkulin, walang makakapagpigil sa kanya sa pagpasok sa Paraiso kundi ang mamatay siya."}

[Tumpak] - - [السنن الكبرى للنسائي - 9848]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang bumigkas ng Āyatulkursīy matapos ng pagwawakas ng ṣalāh na isinatungkulin, walang makapipigil sa kanya sa pagpasok sa Paraiso kundi ang kamatayan. Ito ay nasa Sūrah Al-Baqarah. Ang sabi ni Allāh: {Allāhu lā ilāha illā huwa –lḥayyu –lqayyūm, lā ta'khudhuhū sinatuw wa-lā nawm, lahū mā fi –ssamāwāti wa-mā fi –l'arḍ; man dhā –lladhī yashfa`u `indahū illā bi-idhnih, ya`lamu mā bayna aydīhim wa-mā khalfahum: wa-lā yuḥīṭūna bi-shay'im min `ilmihī illā bimā shā ', wasi`a kursīyuhu –ssamāwāti wa-l'arḍ: wa-lā ya'ūduhū hifḍ̆uhumā, wa-huwa –l`alīyu –l`aḍ̆īm. (Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Mapagpanatili. Walang nakatatangay sa Kanya na isang antok ni isang pagkatulog. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Sino itong mamamagitan sa piling Niya malibang ayon sa pahintulot Niya? Nakaaalam Siya sa anumang nasa harapan nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila nakapapaligid sa anuman mula sa kaalaman Niya malibang ayon sa niloob Niya. Sumakop ang silya Niya sa mga langit at lupa at hindi nakabibigat sa Kanya ang pangangalaga sa mga ito. Siya ay ang Mataas, ang Sukdulan.)} (Qur'ān 2:255)

من فوائد الحديث

  1. Ang kainaman ng dakilang āyah na ito dahil sa nilalaman na mga pangalang pinakamagaganda at mga katangiang pinakamatataas.
  2. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagbigkas ng dakilang āyah na ito matapos ng bawat ṣalāh na isinatungkulin.
  3. Ang mga maayos na gawa ay isang kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Aleman Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan