عن الحكم قال: غَلَب على الكُوفة رجُل -قد سَمَّاه- زَمَنَ ابن الأشْعَث، فأمر أبَا عُبيدة بن عبد الله أن يصلِّي بالناس، فكان يصلِّي، فإذا رَفع رأسه من الرُّكوع قام قَدْر ما أقُول: اللَّهُم ربَّنا لك الحَمد، مِلْءَ السَّماوات ومِلْءَ الأرض، ومِلْءَ ما شِئت من شَيء بعد، أهْل الثَّناء والمَجد، لا مانع لما أعْطَيت، ولا مُعْطِي لما مَنعت، ولا يَنفع ذَا الجَدِّ مِنْك الجَدِّ. قال الحَكم: فَذَكَرت ذلك لعَبد الرَّحمن بن أبي ليلى فقال: سمعت البَرَاء بن عَازب يقول: «كانت صلاة رسول الله صلى الله عليه وسلم وركُوعه، وإذا رفع رأسه من الرُّكوع، وسُجوده، وما بَيْن السَّجدتين، قريبًا من السَّوَاء» قال شُعبة: فذَكَرْتُه لِعَمرو بن مُرَّة فقال: قد رأيت ابن أبي ليلى، فلم تَكن صلاته هكذا.
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Al-Hakam,siya ay nagsabi:Nanatili sa Kufa ang isang lalaking -tinatawag sa pangalang- Zaman Bin Al-Ash-ath, Ipinag-utos niya kay Aba `Ubaydah bin `Abdullah na magdasal sa mga tao,At siya ay nagdarasal,At kapag itinaas niya ang ulo mula sa pagyuko,tumatayo siya sa tagal ng pagsabi ko ng: O Allah! Panginoon namin ang lahat ng papuri ay sa Iyo,napupuno ang langit at napupuno ang kalupaan at napupuno ang anumang ibigin Mo sa anumang bagay pagkatapos nito,Ang karapat-dapat sa pagpuri at pagdakila, Walang nakahahadlang sa anumang ipinagkakaloob mo, At walang nakapagkakaloob sa anumang hinahadlangan mo,At hindi pakikinabangan ng nagmamay-ari ng kayamanan, sa Iyo ang kayamanan [nito],Nagsabi si Al-Hakam: Binanggit ko ito kay `Abdurrahman bin Abe Layla,at siya ay nagsabing: Narinig ko si `Al-Barra`bin A`zib,-na nagsasabing: ((Ang pagdarasal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagyuko niya,[at gayundin] kapag itinaas niya ang ulo niya mula sa pagyuko,at ang pagpapatirapa niya, At ang pagitan ng dalawang pagpapatirapa niya ay malapit sa pagkakapareho)) Nagsabi si Shu`bah:Binanggit ko ito kay `Amr bin Murrah,at nagsabi siya: Tunay na nakita ko si Ibn Abe Layla,ngunit ang pagdarasal niya ay hindi naging ganoon
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Nanatili sa Kufa ang isang lalaking -tinatawag sa pangalang- Zaman Bin Al-Ash-ath, Ipinag-utos niya kay Aba `Ubaydah bin `Abdullah na magdasal sa mga tao"At ang lalaking ito ay si Matar bin Najiyah-tulad ng itinawag sa kanya sa ikalawang salaysay,at si Abu `Ubaydah ay si Bin `Abdullah bin Mas`ud-malugod si Allah sa kanya- "At siya ay nagdarasal,At kapag itinaas niya ang ulo mula sa pagyuko,tumatayo siya sa tagal ng pagsabi ko ng: O Allah! Panginoon namin ang lahat ng papuri ay sa Iyo" At ang tagal na ito ay isang obligado mula sa mga obligado ng pagdarasal,At ang naidagdag rito na:"napupuno ang langit" ay isang sunnah;dahil sa sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Kapag sinabi ng Imam na: Naririnig ni Allah ang sinumang pumuri sa Kanya;Sabihin ninyong: Panginoon namin,ang lahat ng papuri ay ukol sa Iyo lamang) At ang kahulugan ng " O Allah! panginoon namin ang lahat ng papuri ay ukol sa Iyo lamang" Ang panalangin at ang pag-amin; Ibig sabihin ay :Panginoon namin! tumugin Ka sa amin,at ang lahat ng papuri ay ukol lamang sa Iyo sa patnubay Mo at paggabay Mo sa amin, "napupuno ang langit at napupuno ang kalupaan "Ipinapahiwaatig rito ang dakila ng halaga nito,at ang dami ng bilang nito.,At ang kahulugan ay: Katotohanang Ikaw,O Panginoon namin ay karapat-dapat sa papuri na ito,kung saan ,kapag ito ay mga katawan lamang,tunay na napuno niya ang lahat ng ito, "at napupuno ang anumang ibigin Mo sa anumang bagay pagkatapos nito, Ibig sabihin ay mula sa mga bagay na hindi namaan napag--alaman sa Iyong malawak na kaharian, "Ang karapat-dapat sa pagpuri at pagdakila" Ibig sabihin ay:Katotohanang Ikaw,O Panginoon namin ay karapat-dapat na purihin, At ang papuri: ang pagpapala;At ang dakila, Siya ang dakila at hari at may walang-hanggang kaluwalhatian, At ang nagmamay-ari ng karapat-dapat na pagluwalhati at walang-hanggang kadakilaan ay si Allah-kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan;"Walang nakahahadlang sa anumang ipinagkakaloob mo" Ibig sabihin ay walang nakahahadlang sa anumang ibigin Mong ipagkaloob Mo, " At walang nakapagkakaloob sa anumang hinahadlangan mo" Ibig sabihin ay walang nakapagkakaloob sa sinumang ibigin Mong ipagbawal mo sa kanya ang mga biyaya dahil sa karunungan Mo at pagiging makatarungan Mo; "At hindi pakikinabangan ng nagmamay-ari ng kayamanan, sa Iyo ang kayamanan [nito]": Ito ang kayamanan at ang swerte; Ibig sabihin ay hindi pakikinabangan ng nagmamay-ari ng kayamanan,sa Iyo,ang kayamanan nito at ang swerte nito,hindi siya maililigtas nito mula sa kaparusahan,at wala siyang pakikinabangan rito kahit na kaunti mula sa mga gantimpala,dahil ang nakakapakinabang,ay ang anumang nauugnay batay sa Iyong kagustuhan lamang."Nagsabi si Al-Hakam: Binanggit ko ito kay `Abdurrahman bin Abe Layl,at siya aynagsabing: Narinig ko si `Al-Barra`bin A`zib,-na nagsasabing: ((Ang pagdarasal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagyuko niya,[at gayundin] kapag itinaas niya ang ulo niya mula sa pagyuko,at ang pagpapatirapa niya, At ang pagitan ng dalawang pagpapatirapa niya ay malapit sa pagkakapareho)) Ang kahulugan nito ay: Ang pagdarsal niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay halos magkakapareho sa tagal ng haligi nito,kahit na sa pagitan nito ay may kaunting pagkakaiba,at kapag nagtagal siya sa pagtayo,nagtatagal din siya sa pagyuko,ng halos maging kapareho ng pagtayo niya,at ganon din ang mga natitira pang mga haligi.At kapag pinagaan niya ang pagtayo,pinagagaan din niya ang pagyuko ng halos maging kapareho ng pagtayo niya,at ganon din ang mga natitira pang mga haligi.At ang hadith na ito ay nagpapailalim sa ilang mga kalagayan,dahil tunay na siya ay nagpapahaba ng pagdarasal minsan-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, At dahil rito: Ang hadith na ito ay nangyayari sa ibang mga oras.At sa kabuuan nito: Tunay na ang pagdarasal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay magkakalapit sa tagal nito, Ang pagyuko niya,ang pagtaas niya mula sa pagyuko,ang pagpapatirapa niya,ang pag-upo niya sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa ay malapit sa pagkakapareho nito sa tagal, At kaya lamang siya nagtatagal sa pagtayo ay dahil pagbabasa sa ibang pagkakataon.