+ -

عن ابن عباس -رضي الله عنهما- قال: كَشف رسول الله صلى الله عليه وسلم السِّتَارة والناس صُفوف خَلف أبي بَكر، فقال: «أيها الناس، إنه لم يَبْق من مُبَشِّرَاتِ النُّبُوَّةِ إلا الُّرؤيا الصَّالحة، يَراها المُسلم، أو تُرى له، ألا وإنِّي نُهِيت أن أقْرَأ القرآن راكِعا أو ساجِدا، فأما الرُّكوع فعظِّموا فيه الرَّب عز وجل ، وأما السُّجود فَاجْتَهِدُوا في الدُّعاء، فَقَمِنٌ أن يُستَجاب لكم».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-Sinabi niya:Binuksan ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang kurtina,At ang mga Tao ay nakalinya sa likod ni Abu Bakar,Nagsabi siya: (( O Sangkatauhan,Tunay na wala ng natira sa mga magagandang bagay mula sa mga Propeta maliban sa magandang panaginip,na nakikita ng Muslim,o ipinapakita sa kanya,Hindi ba`t ako`y pinagbawalan na basahin ang Qur-an habang ako ay nakayuko o nakapagpatirapa,At sa pagyuko,ay dakilain ninyo rito ang Panginoon-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan,At sa pagpapatirapa,magsumikap kayo sa pananalangin at isipin ninyo na tatanggapin ito sa inyo))
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Binuksan ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagan-ang kurtina na nakalagay sa pintuan ng bahay at tahanan at ang mga tao ay ay nasa linya sa likod ni Abu Bakar-malugod si Allah sa kanya-at nagdadasal sila ng Jamaah,at hindi niya nakayanang magdasal sa kanila dahil sa sakit ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kaya inutusan nioya si Abu Bakar na magdasal sa mga tao. Nagsabi siya:"O Sangkatauhan,Tunay na wala ng natira sa mga magagandang bagay mula sa mga Propeta maliban sa magandang panaginip" At pagkatapos ng pagkamatay ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at pagkaputol ng Kapahayagan [mula sa Allah] wala ng natira maliban sa magandang panaginip,Ibig sabihin ay ang magaganda at tumpak at naaayon sa [kasalukuyang] pangyayari,nakikita ito ng mga taong mananampalataya at nasisiyahan sila at natutuwa rito,at nadadagdagan sa kanila ang katatagan sa pagiging matatag nila, At ang pagiging bahagi niya sa Propesiya sapagkat ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nanatili sa unang pagkapropeta niya na nakakakita siya sa kanyang panaginip at nagaganap ito tulag ng [pagsapit] ng Bukang Liwayway sa madaling-araw,kaya ito ay kabilang sa mga bahagi ng pagiging Propeta niya-Sumakanya ang pagpapala at pangangalaga- At ang sinabi niya: " Maliban sa "Mga Magaganda" Ang pagpapahayag sa Mga Magaganda:Ang mga nagaganap saPangkaraniwan,at kung hindi ay kabilang sa mga panaginip ay pagbibigay babala mula sa Allah at ito ay totoo,ipinapakita ngi Allah sa mananampalataya bilang habag sa kanya upang makapaghanda sa anumang mangyayari bago ito mangyari.At dahil rito kaya naging Magandang Panaginip,ito ay magandang balita para sa mananampalataya o babala sa kanya dahil sa pagpapawalang-bahala,At ang sinabi niyang " Nakikita ng Muslim o ipinapakita sa kanya" ang ibig sabihin nito ay: Ito man ay nakita mismo ng Muslim sa sarili niya o ipinakita ng iba para sa kanya. At ang sinabi niya:"Hindi ba`t ako`y pinagbawalan na basahin ang Qur-an habang ako ay nakayuko o nakapagpatirapa" Ibig sabihin nito: Na ang Allah Pagkataas-taas Niya ay nagbawal sa Propeta niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na basahin ang Qur-an sa kalagayan ng pagyuko at pagpapatirapa,At ang anumang ipinagbawal sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Una na ang Ummah niya sumusunod lamang sa kanya maliban sa mga patunay na magpapatunay na para lamang ito sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,ito ay kapag naging layunin niya ang pagbabasa sa pagyuko at pagpapatirapa niya,Ibig sabihin ay naging layunin niya ang pagbabasa ng Qura-an,Ngunit kapag ang layunin niya ay ang Pananalangin,Hindi ito magiging kasalanan,At naisalaysay sa Hadith:( At bawat tao ay batay sa kanyang layunin) At ang Layunin sa pagbabawal-Si Allah ang higit na nakakaalam-Na ang Pagyuko at Pagpapatirapa sila ay sa kalagayang Pagbaba at pagpapakumbaba,Pagkatapos ang Pagpapatirapa ,ay sa lupa.Kaya hindi nararapat sa Qur-an na basahin sa ganitong kalagayan.At ang sinabi niya: "At sa pagyuko,ay dakilain ninyo rito ang Panginoon-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan" Ibig sabihin ay magsabi kayo ng:Napakaluwalhati ng Panginoon ko,ang Napaka-dakila,at ang mga tulad pa nito mula sa Pagluluwalhati at Pagdadakila na naisalaysay [na bibigkasin] sa Pagyuko. At ang sinabi niya:"At sa pagpapatirapa,magsumikap kayo sa pananalangin" Ibig sabihin ay: Nararapat sa nagdadasal na paramihin niya ang pananalangin sa kalagayang pagpapatirapa,sapagkat siya ay nasa kalagayan na tinatanggap rito ang pananalangin,At tunay na naisalaysay ni Imam Muslim,mula sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsabi siya:(( Ang pinakamalapit na [kalagayan] nang alipin sa kanyang Panginoon,ay kapag siya ay nakapagpatirapa,kaya`t magaparami kayo ng Pananalangin [rito]),Ngunit kasama ang pagsasabi ng Napakamaluwalhati ng Panginoon ko,Ang Kataas-taasan;dahil ito ay obligado" Ibig sabihin ay:Isipin ninyo na tatanggapin Niya ang panalangin ninyo;Dahil ang pinakamalapit na [kalagayan] nang alipin sa kanyang Panginoon ay kapag siya ay nakapagpatirapa,at lugar na kaibig-ibig ang pagpapahaba ng Pananalangin at pagpaparami nito,kapag ang isang tao ay nagdadasal na nag-iisa o sa Jamaah [kanyang kasamahan] na naiibig nila ang pagpapahaba.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan