+ -

عَنْ بُسْرِ بْنِ سَعِيدٍ، أَنَّ زَيْدَ بْنَ خَالِدٍ الْجُهَنِيَّ رَضيَ اللهُ عنه، أَرْسَلَهُ إِلَى أَبِي جُهَيْمٍ رَضيَ اللهُ عنه، يَسْأَلُهُ مَاذَا سَمِعَ مِنْ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فِي الْمَارِّ بَيْنَ يَدَيِ الْمُصَلِّي؟ قَالَ أَبُو جُهَيْمٍ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«لَوْ يَعْلَمُ الْمَارُّ بَيْنَ يَدَيِ الْمُصَلِّي مَاذَا عَلَيْهِ لَكَانَ أَنْ يَقِفَ أَرْبَعِينَ خَيْرًا لَهُ مِنْ أَنْ يَمُرَّ بَيْنَ يَدَيْهِ» قَالَ أَبُو النَّضْرِ: لَا أَدْرِي قَالَ: أَرْبَعِينَ يَوْمًا أَوْ شَهْرًا أَوْ سَنَةً؟

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 507]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Busr bin Sa`īd bin Khālid Al-Juhanīy (malugod si Allāh sa kanya): {Nagsugo ito sa kanya kay Abū Juhaym (malugod si Allāh sa kanya), na nagtatanong roon kung ano ang narinig niyon mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaugnay sa nagdaraan sa harapan ng nagdarasal. Nagsabi si Abū Juhaym (malugod si Allāh sa kanya): Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Kung sakaling nakaaalam ang nagdaraan sa harapan ng nagdarasal kung ano ang [kasalanan] sa kanya, talaga sanang ang tumindig siya nang apatanapu ay naging higit na mabuti para sa kanya kaysa sa magdaan siya sa harapan niyon." Nagsabi si Abu An-Naḍr: "Hindi ako nakaaalam kung nagsabi siya nang apatnapung araw o isang buwan o isang taon."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 507]

Ang pagpapaliwanag

Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagdaan sa harap ng sinumang nagdarasal ng tungkuling ṣalāh o kinukusang-loob na ṣalāh; at na kung sakaling nakaaalam ang sinumang gumagawa niyon nang sadyaan ng naikakapit sa kanya na kasalanan, talaga sanang pinili niya na tumindig nang apatnapu sapagkat ito ay higit na mabuti para sa kanya kaysa sa magdaan siya sa harapan niyon. Nagsabi si Abu An-Naḍr na tagapagsalaysay ang ḥadīth: "Hindi ako nakaaalam kung nagsabi siya nang apatnapung araw o isang buwan o isang taon."

من فوائد الحديث

  1. Ang pagbabawal sa pagdaan sa harapan ng nagdarasal kapag hindi siya nagkaroon ng sutrah o sa pagdaan sa pagitan niya at ng sutrah kung nagkaroon siya ng sutrah.
  2. Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Nagkaiba-iba sa pagtatakda niyon sapagkat sinabing kapag dumaan siya sa pagitan nito at ng distansiya ng pinagpapatirapaan nito, sinabing sa pagitan nito at ng distansiya ng tatlong siko, at sinabing sa pagitan nito at ng distansiya ng isang pagpukol ng bato.
  3. Nagsabi si As-Suyūṭīy: Ang ninanais tukuyin ng pagdaan ay dumaan siya sa harapan nito nang pahalang. Hinggil naman sa kapag naglakad siya sa pagitan papunta sa dako ng qiblah, ito ay hindi napaloloob sa banta.
  4. Ang pinakamarapat para sa nagdarasal ay na hindi siya magdasal sa mga daanan ng mga tao at sa mga lugar na walang pagkaiwas para sa kanila sa pagdaan doon upang hindi maisalang ang ṣalāh niya sa pagkakulang at maisalang ang nagdaraan sa kasalanan at na kailangan sa kanya na gumawa ng sutrah at harang sa pagitan niya at ng nagdaraan.
  5. Nakukuha mula rito na ang kasalanang inireresulta sa pagsuway kaugnay sa Kabilang-buhay kahit pa kumaunti ay higit na mabigat kaysa sa alinmang hirap sa Mundo gaano man naging matindi.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Thailand Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan