عن عبد الله بن عمر بن الخطاب رضي الله عنهما قال: « صَلَّى بنا رسولُ الله صلى الله عليه وسلم صلاة الخوف في بعض أيامه، فقامت طائفة معه، وطائفة بِإِزَاءِ العدو، فصلَّى بالذين معه ركعة، ثم ذهبوا، وجاء الآخرون، فصَلَّى بهم ركعة، وقَضَتِ الطائفتان ركعة ركعة».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanilang dalawa- siya ay nagsabi: (( Nagdasal sa amin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng Salatul Khawf sa ilang araw niya,tumayo ang isang grupo kasama niya,at ang isang grupo ay nagmamasid ng kalaban, Nagdasal ang mga naging kasama niya ng isang tindig,pagkatapos ay umalis sila,dumating ang ibang [grupo] at nagdasal sa kanila ng isang tindig,at pinalitan ng dalawang grupo ang tig-iisang tindig))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Nagdasal ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng Salatul Khawf sa mga kasamahan niya sa mga ilang pakikipaglaban niya sa mga Mushriken, At sa oras na nakasalubong ng mga muslim ang mga kaaway nilang walang pananampalataya,at natakot silang ilunsad ang pagsalakay sa kanila sa oras ng pag-aabala nila sa pagdarasal,at ang mga kalaban ay hindi sa lugar ng Qiblah, hinati ng Porpeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang mga kasamahan niya sa dalawang grupo, Isang grupo na sumama sa kanya sa pagdarasal,at isang grupong nakaharap sa kalaban,na nagbabantay sa mga nagdadasal. At nagdasal ang mga naging kasama niya ng isang tindig,pagkatapos ay umalis sila habang sila ay nasa oras ng pagdarasal nila,at tumayo sila sa harap ng kalaban,Dumating naman ibang grupo na hindi pa nakapadasal,at nagdasal rito ng isang tindig,pagkatapos ay nagsagawa ng Taslim ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-.Tumayo ang isang grupong naging kasama niya sa huli at pinalitan ang isang tindig na natitira rito,pagkatapos ay umalis sila para makapagbantay,At pinalitan naman ng unang grupo ang isang tindig [na natitira] sa kanila, At ito ay paglalarawan mula sa mga paglalarawang naisalaysay para sa pagdarasal ng Salatul Khawf,At ang layuni rito tulad ng nasabi ni Ibn `Abbas-malugod si Allah sa kanilang dalawa-: ((Ang lahat ng tao ay nasa oras ng kanilang pagdarasal,subalit nababantayan nila ang bawat isa) Isinaysay ito ni Imam Al-Bukhariy