+ -

عن جابر بن عبد الله الأنصاري رضي الله عنهما قال: «شَهِدْتُ مع رسول الله صلى الله عليه وسلم صلاة الخوف فَصَفَفْنَا صَفَّيْنِ خلف رسول الله صلى الله عليه وسلم والعدو بيننا وبين القبلة، وكَبَّرَ النبي صلى الله عليه وسلم وكَبَّرنا جميعا، ثم ركع ورَكَعْنا جميعا، ثم رفع رأسه من الركوع ورفعنا جميعا، ثم انحدر بالسجود والصف الذي يليه، وقام الصَّفُّ الْمُؤَخَّرُ في نَحْرِ الْعَدُوِّ، فلما قضى النبي صلى الله عليه وسلم السجود، وقام الصفّ الذي يليه انْحَدَرَ الصَّفُّ الْمُؤَخَّرُ بالسجود، وقاموا، تَقَدَّمَ الصَّفُّ الْمُؤَخَّرُ، وَتَأَخَّرَ الصَّفُّ الْمُقَدَّمُ، ثم ركع النبي صلى الله عليه وسلم وركعنا جميعا، ثم رفع رأسه من الركوع ورفعنا جميعا، ثم انحدر بالسجود، والصفّ الذي يليه -الذي كان مُؤَخَّرا في الركعة الأولى- فقام الصَّفُّ الْمُؤَخَّرُ فِي نَحْرِ الْعَدُوِّ، فلما قضى النبي صلى الله عليه وسلم السجود والصف الذي يليه: انْحَدَرَ الصَّفُّ الْمُؤَخَّرُ بالسجود، فسجدوا ثم سلَّم صلى الله عليه وسلم وسَلَّمْنا جميعا، قال جابر: كما يصنع حَرَسُكُمْ هؤلاء بأُمرائهم». وذكر البخاري طرفا منه: «وأنه صلى صلاة الخوف مع النبي صلى الله عليه وسلم في الغزوة السابعة، غزوة ذات الرِّقَاعِ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Jāber bin 'Abdillah Al-'Ansārīy malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nasaksihan ko kasama ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ang pagdarasal [sa oras] ng Pangangamba [sa kalaban],Naglinya kami ng dalawang linya,sa likod ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- Habang ang mga kalaban ay sa pagitan namin at pagitan ng Qiblah,Nagbigkas ng pagdadakila sa Allah [Allahu Akbar] ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagbigas din kami ng pagdadakila [Allahu Akbar] sa Allah, Pagkatapos ay yumuko siya at yumuko din kaming lahat,Pagkatapos ay itinaas niya ang ulo niya mula sa pagyuko, at nagtaas din kaming lahat,Pagkatapos ay bumaba siya sa Pagpapatirapa, at ang linya na sumunod rito,At tumayo ang panghuling linya sa harap ng kalaban,At nang maganap ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang pagpapatirapa, at tumayo ang linya ng kasunod nito,Bumaba ang huling linya sa pagpapatirapa, at tumayo sila,Pumunta sa harapan ang huling linya, at nagpahuli ang nasa unang linya,Pagkatapos ay yumuko ang Propeta pagapalain siya ni Allah at pangalagaan-at yumuko kaming lahat,Pagkatapos ay itinaas niya ang ulo niya mula sa pagyuko at nagtaas din kaming lahat,Pagkatapos ay bumaba siya sa pagpapatirapa,at ang linyang kasunod nito-Na siyang nasa huli sa Unang tindig-Tumayo ang huling linya sa harap ng mga kalaban, At nang maganap ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagpapatirapa-at ang linyang kasunod nito;Bumaba ang huling linya sa pagpapatirapa, Nagpatirapa sila, Pagkatapos ay nagsagawa siya ng Taslēm-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsagawa kaming lahat ng Taslēm,Sinabi ni Jāber:((Tulad ng ginagawa ng mga Tagapagbantay ninyo sa kanila na mga pinuno ninyo)) At nabanggit ni Imām Al-Bukhārīy sa dulo nito-(( At tunay na siya ay nakapagdasal ng dasal na may pangamba [sa kalaban] kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa ikapitong pandarambong, Sa Pandarambong ng May Sapatero)
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Sa Hadith na ito,ay paglalarawan mula sa mga larawan ng pagdarasal nang may pangamba [sa kalaban], at ang paglalarawang ito, kapag ang kalaban ay nasa lugar ng Qiblah,Kaya hinati ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang Hukbong Sandatahan sa dalawang grupo,isang grupo na nasa unahan ng linya at isang grupo na nasa ikalawa.Pagkatapos ay nagdasal siya para sa kanila,Nagbigkas siya ng pagdadakila sa Allah [Allahu Akbar] sa kanilang lahat, at nagbasa silang lahat,At yuyuko silang lahat, at tataas silang lahat mula sa pagyuko, Pagkatapos ay magpapatirapa siya at magpapatirapa kasama niya ang linya na kasunod niya,Hanggang sa kapag tumayo na sila para sa ikalawang tindig, Magpapatirapa ang huling linya na siyang nagbabantay sa kalaban,At kapag tumayo sila, papunta sa harapan ang huling linya at magpapahuli ang sa unahan, bilang pagpapanatili sa pagiging makatarungan,Nang sa gayun ay hindi mananatili ang unang linya sa lugar niya sa lahat ng [pagkakataon sa ] pagdarasal,At ginawa niya sa ikalawang tindig ang tulad ng ginawa niya sa una.At nagsagawa siya ng Tashahhud para sa kanilang lahat at nagsagawa siya ng Taslēm para sa kanilang lahat.At ito ang pamamaraan ng pagpapaliwanag sa Hadith na ito tungkol sa pagdarasal na may Pangamba [sa kalaban] ay Sumasang-ayon sa kalagayan na kinalalagyan ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at sa mga kasamahan niya sa panahon na yaon,Dahil sa ang mga kalaban ay nasa harap ng Qiblah,At nakikita nila ito sa kalagayang pagtindig at pagyuko,at tunay na naging ligtas sila mula sa nanglulusob na darating sa likod nila

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Portuges
Paglalahad ng mga salin