عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : "طعام الاثنين كافي الثلاثة، وطعام الثلاثة كافي الأربعة".
وفي رواية لمسلم عن جابر رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم قال: "طعام الواحد يكفي الاثنين، وطعام الاثنين يكفي الأربعة، وطعام الأربعة يكفي الثمانية".
[صحيح] - [حديث أبي هريرة متفق عليه.
حديث جابر رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Ang pagkain ng dalawa ay sasapat sa tatlo. Ang pagkain ng tatlo ay sasapat sa apat." Sa isang sanaysay ni Muslim ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsabi: "Ang pagkain ng isa ay sumasapat sa dalawa. Ang pagkain ng dalawa ay sumasapat sa apat. Ang pagkain ng apat ay sumasapat sa walo."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan]
Nasaad sa ḥadīth ang pag-uudyok sa pagbibigay ng pagkain. Kung ito ay kakaunti man, magkakaroon ito ng nilalayong kasapatan. Magkakaroon ito ng biyaya na sasaklaw sa mga dumadalo roon. Ito ay isang pag-uudyok mula sa kanya, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, sa pagtangkilik sa iba higit sa sarili. Nangangahulugan ito na kung sakaling binigyan ka ng pagkain mo na tinaya mo na ito ay sasapat sa iyo at may dumating na ibang tao, huwag kang magmaramot sa kanya at magsabing: Ito ay pagkain ko lamang. Bagkus bigyan mo siya mula rito nang sa gayon ay maging sapat para sa dalawa.