عن عائشة رضي الله عنها أن النبي صلى الله عليه وسلم كان يدعو بهذه الكلمات: «اللهم إني أعوذ بك من فتنة النار، وعذاب النار، ومن شر الغنى والفقر».
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي وابن ماجه]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā`ishah, malugod si Allāh sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay dumadalangin gamit ang mga salitang ito: "Allāhumma innī a`ūdhu bika min fitnati -nnāri wa `adhābi -nnāri wa min sharri -lghinā wa -lfaqr. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa tukso ng Impiyerno, sa pagdurusa sa Impiyerno, at sa kasamaan ng yaman at karalitaan.)"
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]
Nagpapakupkop ang piniling Propeta, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, laban sa apat na bagay. Ang sabi niya: "O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa tukso ng Impiyerno" ay nangangahulugang: Tuksong humahantong sa Impiyerno upang hindi maulit-ulit. May posibilidad na ang tinutukoy ng "tukso ng Impiyerno" ay ang tanong ng mga anghel sa paraang naninisi. Ito ang tinutukoy ng sabi ni Allāh (Qur'ān 67:8): "Tuwing nakapagtapon sa loob nito ng isang pulutong, tinatanong sila ng mga tanod nito: Hindi ba kayo pinuntahan ng isang tagapagbabala?" Ang sabi niya: "sa pagdurusa sa Impiyerno" ay nangangahulugang: Nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa pagkabilang ko sa mga maninirahan sa Impiyerno. Sila ay ang mga Kāfir sapagkat tunay na sila ay ang mga pagdurusahin. Ang mga Mananampalataya naman, tunay na sila ay mga lilinisin at mga dadalisayin ng apoy at hindi mga pagdurusahin doon. Ang "pagdurusa sa libingan" ay tumutukoy sa Barzakh na paglalagyan sa tao matapos mamatay. Ang paggamit sa salitang libingan ay pangkalahatan. Ang lahat ng nilalagakan ng mga bahagi ng katawan ng tao ay libingan niya. Ang pagsubok sa libingan ay tumutukoy sa pagkalito sa pagsagot sa dalawang anghel. Ang "kasamaan ng tukso ng yaman" ay tumutukoy sa pagmamarangya, pagmamalabis, pagkamal ng yaman mula sa ipinagbabawal, paggugol nito sa pagsuway, at pagpapayabangan ng yaman at impluwensiya. Ang "laban sa tukso ng karalitaan" ay tumutukoy sa pagkainggit sa mga mayaman, pag-iimbot sa mga yaman nila, pagpapakaaba sa pagyurak sa karangalan at relihiyon, hindi pagkalugod sa ibinahagi ni Allāh sa kanya, at iba pa roon na hindi mapupuri ang kahihinatnan. Ang ikaapat na bagay na nagpakupkop ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, laban doon ay ang "tukso ng yaman." Tumutukoy ito sa sigasig sa pag-ipon ng yaman at pagkaibig sa paraang kinikita ito nang hindi ayon sa ipinahihintulot at ipinagkakait ito sa mga kinakailangang paggugulan at mga karapatan nito. Ang tukso ng karukhaan ay tumutukoy sa karukhaang hindi nalalakipan ng pagtitiis ni pag-iwas sa kasalanan hanggang sa masangkot ang nagtataglay nito dahil dito sa anumang hindi naaangkop sa mga nagtataglay ng Islām at pagkalalaki. Hindi niya inaalintana dahil sa karukhaan niya ang alinmang ipinagbabawal.