عن الْبَرَاءِ بْنِ عَازِبٍ رضي الله عنهما قال: «رَمَقْتُ الصلاة مع محمد صلى الله عليه وسلم فوجدت قيامه، فَرَكْعَتَهُ، فاعتداله بعد ركوعه، فسجدته، فَجِلْسَتَهُ بين السجدتين، فسجدته، فَجِلْسَتَهُ ما بين التسليم والانصراف: قريبا من السَّوَاء».
وفي رواية: «ما خلا القيام والقعود، قريبا من السَّوَاءِ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Al-Barrā' bin `Āzib, malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi :((Siniyasat ko ang pagdarasal kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Natagpuan ko na ang pagtindig niya,pagyuko niya,ang pagtuwid niya mula sa pagyuko niya,ang pagpapatirapa niya,ang pag-upo niya sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa niya,ang pagpapatirapa niya,at ang pag-upo niya sa pagitan ng pagsasagawa ng Taslem at pag-alis: ito ay magkakatulad)) At sa isang salaysay: ((maliban sa pagtindig at pag-upo-:ito ay magkakatulad))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Inilalarawan ni Al-Barrā' bin `Āzib, malugod si Allah sa kanilang dalawa-ang pagdarasal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ito ay pinagmamasdan niya at inuunawa,upang malaman niya kung papano siya magdasal at sinusundan niya ito,at nabanggit niya na ito ay magkakalapit at magkakapareho,Sapagkat ang pagtindig niya sa kanyang pagbabasa,ang pag-upo niya sa pagsasagawa ng Tashahhud,ay naaangkop sa pagyuko at pagtuwid [mula sa pagyuko],at pagpapatirapa,Hindi niya gaano pinapatagal ang pagtindig,at pinapagaan niya ang pagyuko,o pinapatagal niya ang pagpapatirapa,Pagkatapos ay pinapagaan niya ang pagtindig,o ang pag-upo.datapuwat ang bawat haligi ay ginagawa niyang naaangkop sa ibang haligi.At hindi ito nangangahulugan na: Ang kanyang pagtindig at pag-upo sa pagsasagawa ng Tashahhud,at kasing-tagal ng kanyang pagyuko at pagpapatirapa.Subalit ang kahulugan nito ay:Hindi niya pinapagaan ang isa at pinapatagal ang iba.