عَنْ أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ رَضيَ اللهُ عنهُ:
أَنَّ رَجُلًا دَخَلَ المَسْجِدَ يَوْمَ جُمُعَةٍ مِنْ بَابٍ كَانَ نَحْوَ دَارِ القَضَاءِ، وَرَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَائِمٌ يَخْطُبُ، فَاسْتَقْبَلَ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَائِمًا، ثُمَّ قَالَ: يَا رَسُولَ اللَّهِ، هَلَكَتِ الأَمْوَالُ وَانْقَطَعْتِ السُّبُلُ، فَادْعُ اللَّهَ يُغِيثُنَا، فَرَفَعَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَدَيْهِ، ثُمَّ قَالَ: «اللَّهُمَّ أَغِثْنَا، اللَّهُمَّ أَغِثْنَا، اللَّهُمَّ أَغِثْنَا» قَالَ أَنَسٌ: وَلا وَاللَّهِ، مَا نَرَى فِي السَّمَاءِ مِنْ سَحَابٍ وَلَا قَزَعَةً، وَمَا بَيْنَنَا وَبَيْنَ سَلْعٍ مِنْ بَيْتٍ وَلَا دَارٍ، قَالَ: فَطَلَعَتْ مِنْ وَرَائِهِ سَحَابَةٌ مِثْلُ التُّرْسِ، فَلَمَّا تَوَسَّطَتِ السَّمَاءَ انْتَشَرَتْ، ثُمَّ أَمْطَرَتْ، فَلَا وَاللَّهِ، مَا رَأَيْنَا الشَّمْسَ سِتًّا، ثُمَّ دَخَلَ رَجُلٌ مِنْ ذَلِكَ البَابِ فِي الجُمُعَةِ، وَرَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَائِمٌ يَخْطُبُ، فَاسْتَقْبَلَهُ قَائِمًا، فَقَالَ: يَا رَسُولَ اللَّهِ، هَلَكَتِ الأَمْوَالُ، وَانْقَطَعَتِ السُّبُلُ، فَادْعُ اللَّهَ يُمْسِكْهَا عَنَّا، قَالَ: فَرَفَعَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَدَيْهِ، ثُمَّ قَالَ: «اللَّهُمَّ حَوَالَيْنَا وَلَا عَلَيْنَا، اللَّهُمَّ عَلَى الآكَامِ وَالظِّرَابِ، وَبُطُونِ الأَوْدِيَةِ، وَمَنَابِتِ الشَّجَرِ» قَالَ: فَأَقْلَعَتْ، وَخَرَجْنَا نَمْشِي فِي الشَّمْسِ، قَالَ شَرِيكٌ: سَأَلْتُ أَنَسَ بْنَ مَالِكٍ: أَهُوَ الرَّجُلُ الأَوَّلُ؟ فَقَالَ: «مَا أَدْرِي».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 1014]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya):
{May isang lalaking pumasok sa masjid sa araw ng Biyernes mula sa isang pintong paharap sa Tahanan ng Paghuhukom samantalang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakatayo habang nagtatalumpati saka humarap ito sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang nakatayo. Pagkatapos nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, nasawi ang mga ari-arian at naputol ang mga landas, kaya manalangin ka kay Allāh na magsaklolo Siya sa amin." Kaya nag-angat ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga kamay niya. Pagkatapos nagsabi siya: "O Allāh, sumaklolo Ka sa amin. O Allāh, sumaklolo Ka sa amin. O Allāh, sumaklolo Ka sa amin." Nagsabi si Anas: Talagang sumpa man kay Allāh, hindi kami nakakikita sa langit ng kaulapan ni gula-gulanit na ulap. Wala sa pagitan namin at ng Bundok Sal` na anumang bahay ni tahanan." Nagsabi pa ito: "Saka may lumitaw mula sa likuran niyon na isang ulap na tulad ng kalasag; saka noong pumagitna ito sa langit, kumalat ito, pagkatapos nagpaulan ito. Kaya talagang sumpa man kay Allāh, hindi namin nakita ang araw nang anim na araw. Pagkatapos may pumasok na isang lalaki mula sa pintong iyon sa araw ng Biyernes samantalang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakatayo habang nagtatalumpati saka humarap ito sa kanya habang nakatayo. Pagkatapos nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, nasawi ang mga ari-arian at naputol ang mga landas, kaya manalangin ka kay Allāh na pumigil Siya nito para sa amin." Kaya nag-angat ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga kamay niya. Pagkatapos nagsabi siya: "O Allāh, [ibaling] sa mga palibot namin at huwag laban sa amin; O Allāh sa mga burol, mga talampas, mga kaloob-looban ng mga lambak, at mga tinutubuan ng punong-kahoy." Nagsabi ito: "Kaya tumila ang ulan at lumabas kami na naglalakad sa ilalim ng araw." Nagsabi si Sharīk: "Nagtanong ako kay Anas bin Mālik kung iyon ba ay ang unang lalaki ngunit nagsabi ito: Hindi ko nalalaman."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 1014]
May pumasok na isang Arabeng-disyerto sa Masjid ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang araw ng Biyernes mula sa pinto ng silangang bahagi ng Masjid paharap sa bahay ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh dito) samantalang ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakatayo habang nagtatalumpati saka humarap ang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, nasawi ang mga hayupan at nagkaputul-putol ang mga landas dahil sa pagkamatay ng mga hayop na naghahatid ng mga tao o dahil sa panghihina ng mga ito dala ng pagkagutom, kaya manalangin ka kay Allāh na magpainom Siya ng ulan." Kaya nag-angat siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga kamay niya, pagkatapos nagsabi siya: "O Allāh, sumaklolo Ka sa amin. O Allāh, sumaklolo Ka sa amin. O Allāh, sumaklolo Ka sa amin." Nagsabi si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): "Sumpa man kay Allāh, hindi kami nakakikita sa langit ng kahit isang piraso ng ulap. Wala sa pagitan namin sa Masjid at ng Bundok Sal` - sa kanlurang bahagi ng Masjid kung saan dumarating mula sa dako nito ang kaulapan - na anumang bahay ni tahanang nagtatabing sa kanila sa pagkakita niyon." Nagsabi pa si Anas (malugod si Allāh sa kanya): "Saka may lumitaw mula sa likuran niyon na isang ulap na bilohabang tulad ng kalasag - maliit na malapinggan - saka noong pumagitna ito sa langit ng Madīnah, kumalat ito, pagkatapos nagpaulan ito. Kaya sumpa man kay Allāh, hindi namin nakita ang araw dahil sa ulan hanggang sa kasunod na Biyernes kung kailan pumasok ang lalaking iyon mula sa pintong iyon habang ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakatayo habang nagtatalumpati saka humarap ito sa kanya habang nakatayo saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, nasawi ang mga ari-arian at naputol ang mga landas, kaya manalangin ka kay Allāh na pigilin ang ulan para sa amin." Nagsabi ito: "Kaya nag-angat ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga kamay niya. Pagkatapos nagsabi siya: "O Allāh, ibaling ang ulan sa mga palibot namin at huwag laban sa amin; O Allāh sa anumang tumaas na lupa gaya ng burol, mga kaloob-looban ng mga lambak, at mga tinutubuan ng punong-kahoy." Nagsabi pa si Anas: "Kaya naputaol ang ulap na tagapagpaulan at lumabas kami na naglalakad sa ilalim ng araw."