+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضيَ اللهُ عنهُ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«إِذَا انْتَهَى أَحَدُكُمْ إِلَى الْمَجْلِسِ فَلْيُسَلِّمْ، فَإِذَا أَرَادَ أَنْ يَقُومَ فَلْيُسَلِّمْ، فَلَيْسَتِ الْأُولَى بِأَحَقَّ مِنَ الْآخِرَةِ».

[حسن] - [رواه أبو داود والترمذي والنسائي في الكبرى وأحمد] - [سنن أبي داود: 5208]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Kapag dumating ang isa sa inyo sa pagtitipon, bumati siya [ng Salam]; saka kapag nagnais siya na tumayo, bumati siya sapagkat ang una ay hindi higit na karapat-dapat kaysa sa huli."}

[Maganda] - [Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy] - [سنن أبي داود - 5208]

Ang pagpapaliwanag

Gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang dumating sa lugar ng pag-upo ng mga tao na bumati siya sa kanila saka kapag nagnais siya na tumayo mula roon ay magpaalam siya sa mga naroon sa pamamagitan ng pagbati rin sapagkat ang unang pagbati sa sandali ng pagdating ay hindi higit na karapat-dapat kaysa sa huling pagbati sa sandali ng paglisan.

من فوائد الحديث

  1. Ang paghimok sa pagpapalaganap ng pagbati.
  2. Ang paghimok sa pagbati ng salām sa mga nakadalo sa pagtitipon sa sandali ng pagkikita at sa sandali ng paglisan.
  3. Nagsabi si As-Sindīy: Ang sabi niya na: "kapag nagnais siya na tumayo" ay nangangahulugang: mula sa pagtitipon, "sapagkat ang una ay hindi higit na karapat-dapat" ay nangangahulugang: ang dalawa sa kalahatan ay tunay na sunnah sa pagsasagawa rito sapagkat walang punto sa pagwaksi sa ikalawa kasama ng pagpapatibay sa una.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Telugu Swahili Thailand Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin