عَنْ كَعْبِ بْنِ عُجْرَةَ رضي الله عنه عَنْ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«مُعَقِّبَاتٌ لَا يَخِيبُ قَائِلُهُنَّ -أَوْ فَاعِلُهُنَّ- دُبُرَ كُلِّ صَلَاةٍ مَكْتُوبَةٍ، ثَلَاثٌ وَثَلَاثُونَ تَسْبِيحَةً، وَثَلَاثٌ وَثَلَاثُونَ تَحْمِيدَةً، وَأَرْبَعٌ وَثَلَاثُونَ تَكْبِيرَةً».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 596]
المزيــد ...
Ayon kay Ka`b bin `Ujrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"May mga binabalik-balikang hindi nabibigo ang tagapagsabi ng mga ito – o ang tagagawa ng mga ito – sa katapusan ng bawat ṣalāh na iniatas: Tatlumpu't tatlong pagluluwalhati, tatlumpu't tatlong pagpapapuri, at tatlumpu't apat na pagdadakila."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [Ṣaḥīḥ Muslim - 596]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mga dhikr na hindi malulugi at hindi magsisisi ang tagapagsabi ng mga ito, bagkus mayroon siyang gantimpala ng mga pangungusap na ito. Sinasambit ang iba sa mga ito matapos na matapos ng ilan at sinasabi ito matapos na matapos ng ṣalāh na isinatungkulin. Ang mga ito ay ang sumusunod:
"Subḥāna -llāh (Kaluwalhatian kay Allāh)" na tatlumpu't tatlong ulit, na nangangahulugang: ang pagpapawalang-kinalaman kay Allāh sa bawat kakulangan;
"Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh)" na tatlumpu't tatlong ulit, na paglalarawan kay Allāh ng kakumpletuhang lubos kasama ng pag-ibig sa Kanya at pagdakila sa Kanya;
at "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" na tatlumpu't apat na ulit, sapagkat si Allāh ay pinakadakila, pinakasukdulan, at pinakamahal kaysa sa bawat bagay.