عَن أَبي مُوْسى الأَشْعريِّ رضي الله عنه قال: قال رسولُ اللهِ صلى اللهُ عليه وسلم:
«مَثَلُ الْمُؤْمِنِ الَّذِي يَقْرَأُ الْقُرْآنَ كَمَثَلِ الْأُتْرُجَّةِ، رِيحُهَا طَيِّبٌ وَطَعْمُهَا طَيِّبٌ، وَمَثَلُ الْمُؤْمِنِ الَّذِي لَا يَقْرَأُ الْقُرْآنَ كَمَثَلِ التَّمْرَةِ، لَا رِيحَ لَهَا وَطَعْمُهَا حُلْوٌ، وَمَثَلُ الْمُنَافِقِ الَّذِي يَقْرَأُ الْقُرْآنَ مَثَلُ الرَّيْحَانَةِ، رِيحُهَا طَيِّبٌ وَطَعْمُهَا مُرٌّ، وَمَثَلُ الْمُنَافِقِ الَّذِي لَا يَقْرَأُ الْقُرْآنَ كَمَثَلِ الْحَنْظَلَةِ، لَيْسَ لَهَا رِيحٌ وَطَعْمُهَا مُرٌّ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 5427]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang paghahalintulad sa mananampalataya na bumibigkas ng Qur'ān ay katulad ng sitron: ang amoy nito ay kaaya-aya at ang lasa nito ay kaaya-aya. Ang paghahalintulad sa mananampalataya na hindi bumibigkas ng Qur'ān ay katulad ng datiles: walang amoy rito at ang lasa nito ay matamis. Ang paghahalintulad sa mapagpaimbabaw na bumibigkas ng Qur'ān ay tulad ng balanoy: ang amoy nito ay kaaya-aya at ang lasa nito ay mapait. Ang paghahalintulad sa mapagpaimbabaw na hindi bumibigkas ng Qur'ān ay katulad ng ligaw na pakwan: wala itong amoy at ang lasa nito ay mapait."}

[Tumpak] - [Nagkasang-ayon sa katumpakan nito] - [Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 5427]

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga uri ng mga tao kaugnay sa pagbigkas ng Qur'ān at pakikinabang dito:
Ang Unang Uri: Ang mananampalataya na bumibigkas ng Qur'ān at nakikinabang dito kaya siya ay gaya ng bunga ng sitron: kaaya-aya ang lasa at ang amoy at maganda ang kulay. Ang mga kapakinabangan niya ay marami sapagkat siya ay gumagawa ayon sa binibigkas niya at nagpapakinabang sa mga lingkod ni Allāh
Ang Ikalawa: Ang mananampalataya na hindi bumibigkas ng Qur'ān kaya siya ay gaya ng datiles: ang lasa nito ay matamis at walang amoy rito. Ang puso niya ay naglalaman ng pananampalataya gaya ng paglalaman ng datiles ng tamis sa lasa nito at panloob nito. Ang kawalan ng paglitaw ng amoy nito na maaamoy ng mga tao ay dahil sa hindi pagkalitaw ng isang pagbigkas mula sa kanya, na nagiginhawahan ang mga tao sa pagdinig dito.
Ang Ikatlo: Ang mapagpaimbabaw na bumibigkas ng Qur'ān kaya siya ay gaya ng balanoy: mayroon itong kaaya-ayang amoy at ang lasa nito ay mapait, yayamang hindi naangkop ang puso niya sa pananampalataya, hindi siya nagsasagawa ayon sa Qur'ān, at lumilitaw siya sa mga tao na siya raw ay isang mananampalataya. Ang amoy nitong kaaya-aya ay nakawawangis ng pagbigkas niya at ang lasa nitong mapait ay nakawawangis ng kawalang-pananampalataya niya.
Ang Ikaapat: Ang mapagpaimbabaw na hindi bumibigkas ng Qur'ān kaya siya ay gaya ng ligaw na pakwan yayamang tunay na ito ay walang amoy at mapait ang malalasahan dito kaya naman ang kawalan ng amoy nito ay nakawangis ng pagkakawala ng amoy niya dahil sa pagkakawala ng pagbigkas niya at ang kapaitan ng lasa nito ay kawangis ng kapaitan ng kawalang-pananampalataya niya sapagkat ang panloob niya ay hungkag sa pananampalataya at ang panlabas niya ay walang pakinabang doon, bagkus iyon ay nakapipinsala.

من فوائد الحديث

  1. Ang paglilinaw sa kalamangan ng tagapagtaglay ng Qur'ān at tagagawa ayon dito.
  2. Kabilang sa mga paraan ng pagtuturo ang paglalahad ng paghahalintulad para sa pagpapalapit sa pag-intindi.
  3. Nararapat sa Muslim na magkaroon siya ng isang pagsambit na nagpapatuloy mula sa Aklat ni Allāh (napakataas Siya).
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية البنجابية الماراثية
Paglalahad ng mga salin