+ -

عن عائشة رضي الله عنها قالتْ: قالَ رسولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم : «الذي يقرَأُ القرآنَ وهو مَاهِرٌ به مع السَّفَرَةِ الكِرَامِ البَرَرَةِ، والذي يقرَأُ القرآنَ ويَتَتَعْتَعُ فيه وهو عليه شَاقٌ لَهُ أجْرَانِ».
[صحيح] - [متفق عليه، أوله من البخاري إلا أنه فيه: "حافظ" بدل "ماهر"، وآخره لفظ مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Ang bumibigkas ng Qur'an habang siya ay mahusay rito ay makakasama ng mga tagapagtalang mararangal na masusunurin. Ang bumibigkas ng Qur'an at nauutal dito habang siya rito ay nahihirapan ay magkakamit ng dalawang gantimpala."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang ḥadīth ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allah sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Ang bumibigkas ng Qur'an habang siya ay mahusay rito ay kasama ng mga tagapagtalang mararangal na masusunurin." Ang magaling sa Qur'an ay dalubhasa rito. Ang ibig sabihin dito ay ang kagalingang sa pagbigkas kalakip ng magandang pagkakasaulo. Ang "mga tagapagtalang mararangal na masusunurin" ay ang mga anghel, gaya ng sabi Niya, pagkataas-taas Niya: "na nasa mga pahinang pinarangalan, na inangat at dinalisay, na nasa mga kamay ng mga anghel na tagatala na mararangal na mabubuting-loob." (Qur'an 80:13-16) Ang mahusay ay kasama ng mga anghel dahil si Allah ay nagpadali niyon sa kanya gaya ng pagpapadali Niya sa mga anghel na mararangal na masusunurin. Siya ay tulad nila sa pagbigkas sa Qur'an at kasama nila sa antas sa ganang kay Allah. Ang nauutal naman dito habang siya rito ay nahihirapan ay magkakamit ng dalawang gantimpala: Una: para sa pagbigkas, at Ikalawa: para sa pagod at hirap.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin