عن البراء رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رسولُ الله صلى الله عليه وسلم : "مَا مِنْ مُسْلِمَينِ يَلْتَقِيَانِ فَيَتَصَافَحَانِ إِلاَّ غُفِرَ لَهُمَا قَبْلَ أنْ يَفْتَرِقَا".
[الحديث بمجموع طرقه وشاهده صحيح أو على الأقل حسن] - [رواه أبو داود والترمذي وابن ماجه وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay Al-Barrā' bin `Āzib, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Kapag may dalawang Muslim na nagkasalubong at nagkamayan, patatawarin silang dalawa bago silang dalawa maghiwalay."
[Ang ḥadīth sa kabuuan ng mga landas nito at saksi nito ay tumpak o maganda sa pinakamababa] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Ang sinabi niya: "Kapag may dalawang Muslim na nagkasalubong at nagkamayan" ay nangangahulugang pagkatapos na pagkatapos magkasalubong kaagad. "patatawarin silang dalawa." Ang tinatakpang-sala ng mga gawaing matuwid ay ang maliliit sa mga pagkakasalang nauugnay sa karapatan ni Allah, pagkataas-taas Niya. Ang sinabi niya: "bago silang dalawa maghiwalay" ay naglalaman ng pagtitiyak sa pakikipagkamay at pag-uudyok dito. Oo, hindi ibinibilang na bahagi ng ḥadīth ang pakikipagkamay na ipinagbabawal gaya ng pakikipagkamay sa babaing hindi kaanu-ano.