عن أبي موسى الأشعري رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم قال:
«تَعَاهَدُوا هَذَا الْقُرْآنَ، فَوَالَّذِي نَفْسُ مُحَمَّدٍ بِيَدِهِ لَهُوَ أَشَدُّ تَفَلُّتًا مِنَ الْإِبِلِ فِي عُقُلِهَا».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 791]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Magpanatili kayo ng pagbabasa ng Qur'ān na ito sapagkat sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, talagang ito ay higit na matindi sa pagkawala kaysa sa mga kamelyo mula sa mga gapos ng mga ito."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 791]
Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapanatili ng pagbabasa ng Qur'ān at pamamalagi sa pagbigkas nito upang hindi ito malimutan matapos na naging tagapag-ingat nito sa dibdib. Nagbigay-diin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) niyon sa pamamagitan ng panunumpa niya na ang Qur'ān ay higit na matindi sa pagkawaksi at pagkaalis mula sa mga dibdib kaysa sa mga kamelyong nakagapos: tinalian ng lubid sa gitna ng braso. Kung nagpanatili sa pagbasa nito ang tao, mapanghahawakan niya ito. Kung nagpakawala siya nito, aalis ito at mawawala ito.