عن عائشة رضي الله عنها : أن النبي صلى الله عليه وسلم كان يصلي صلاته بالليل، وهي مُعْتَرِضَةٌ بين يديه، فإذا بقي الوتر، أيقظها فأوترت. وفي رواية له: فإذا بقي الوتر، قال: «قومي فأوْتِري يا عائشة».
[صحيح] - [متفق عليه ولفظ الروايتين لمسلم]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagdarasal noon ng dasal niya sa gabi habang ito ay nakapahalang sa harapan niya; at kapag natira ang witr, ginigising niya ito kaya nagdarasal ito ng witr." Sa isang sanaysay niya: "at kapag natira ang witr, nagsasabi siya: Bumangon ka at magdasal ka ng witr, o `Ā’ishah."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang kahulugan ng ḥadīth: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagdarasal noon ng dasal niya sa gabi habang si `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, ay nakapahalang sa harapan niya. Sa isang sanaysay ni Imām Al-Bukhārīy: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagdarasal noon sa isang bahagi ng gabi habang ako ay nakapahalang sa pagitan niya at ng Qiblah gaya ng paghahalang ng bangkay [na dinadasalan]." Kapag natapos ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa ṣalāh na tahajjuid at bago siya magsimula sa ṣalāh na witr, ginigising niya si `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, upang magsagawa ito witr. Sa isang sanaysay ni Imām Muslim: "kapag natira [sa isasagawa] ang witr, nagsasabi siya: Bumangon ka, at magsagawa ka ng witr, o `Ā’ishah." Sa isang sanaysay ni Imām Abū Dāwud: "hanggang sa kapag ninais niyang magsagawa ng witr, ginigising niya ito at nagsasagawa ito ng witr." Ang kahulugan: Hinayaan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, si `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, sa simula ng gabi at hindi niya ginising ito hangang sa nang natapos siya sa ṣalāh niya at walang natitira sa isagawa kundi ang witr ay saka niya ginising ito upang maabutan nito ang witr nito at nagdali-dali naman ito sa pagsasagawa ng witr kaagad pagkagising upang hindi manaig dito ang katamarang dahil sa antok. Kung sakaling nagpabagal-bagal ito, hindi sana nito naisagawa iyon.