+ -

عَنْ أَبِي سَعِيدٍ الخُدْرِيِّ رضي الله عنه قَالَ: خَرَجَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فِي أَضْحَى أَوْ فِطْرٍ إِلَى المُصَلَّى، فَمَرَّ عَلَى النِّسَاءِ، فَقَالَ:
«يَا مَعْشَرَ النِّسَاءِ، تَصَدَّقْنَ، فَإِنِّي أُرِيتُكُنَّ أَكْثَرَ أَهْلِ النَّارِ» فَقُلْنَ: وَبِمَ يَا رَسُولَ اللَّهِ؟ قَالَ: «تُكْثِرْنَ اللَّعْنَ، وَتَكْفُرْنَ العَشِيرَ، مَا رَأَيْتُ مِنْ نَاقِصَاتِ عَقْلٍ وَدِينٍ أَذْهَبَ لِلُبِّ الرَّجُلِ الحَازِمِ مِنْ إِحْدَاكُنَّ»، قُلْنَ: وَمَا نُقْصَانُ دِينِنَا وَعَقْلِنَا يَا رَسُولَ اللَّهِ؟ قَالَ: «أَلَيْسَ شَهَادَةُ المَرْأَةِ مِثْلَ نِصْفِ شَهَادَةِ الرَّجُلِ» قُلْنَ: بَلَى، قَالَ: «فَذَلِكِ مِنْ نُقْصَانِ عَقْلِهَا، أَلَيْسَ إِذَا حَاضَتْ لَمْ تُصَلِّ وَلَمْ تَصُمْ» قُلْنَ: بَلَى، قَالَ: «فَذَلِكِ مِنْ نُقْصَانِ دِينِهَا».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 304]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Lumabas ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa [pagdiriwang ng] Pag-aalay (Aḍḥā) o Pagtigil-ayuno (Fitr) papunta sa dasalan, saka naparaan siya sa mga babae saka nagsabi:
"O katipunan ng mga babae, magkawanggawa kayo sapagkat tunay na ako ay pinakitaang kayo ay higit na marami sa mga maninirahan sa Impiyerno." Kaya nagsabi sila: "At dahil sa ano po, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Nagpaparami kayo ng pagsumpa at nagkakaila kayo sa utang na loob sa mga asawa. Hindi ako nakakita mula sa mga nagkukulang sa pag-iisip at pagrerelihiyon na higit na mapag-alis ng isip ng lalaking naghuhunos-dili kaysa sa isa sa inyo." Nagsabi sila: "At ano po ang kakulangan sa pagrerelihiyon namin at pag-iisip namin, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Hindi ba ang pagsaksi ng babae ay tulad ng kalahati ng pagsaksi ng lalaki?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya iyon ay bahagi ng kakulangan ng pag-iisip niya. Hindi ba kapag nagregla siya, hindi siya nagdarasal at hindi siya nag-aayuno?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya iyon ay bahagi ng kakulangan ng pagrerelihiyon niya."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 304]

Ang pagpapaliwanag

Lumabas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang araw ng pagdiriwang papunta sa dasalan. Nakapangako nga siya sa mga babae na magbukod-tangi siya sa kanila ng pangaral saka nakatupad naman siya nito sa araw na iyon. Nagsabi siya: O pangkat ng mga babae, magkawanggawa kayo at magparami kayo ng paghingi ng tawad sapagkat ang dalawang ito ay kabilang sa pinakadakila sa mga kadahilanan ng pagbaba ng mga kasalanan sapagkat tunay na ako ay nakakita sa inyo sa gabi ng paglalakbay papuntang langit na higit na marami sa mga maninirahan sa Impiyerno.
Kaya may nagsabing isang babaing kabilang sa kanila na may pag-iisip, opinyon, at kahinahunan: "At ano po ang mayroon sa amin, O Sugo ni Allāh, na higit na marami sa mga maninirahan sa Impiyerno?"
Nagsabi siya: "Dahil sa ilang bagay: nagpaparami kayo ng pagsumpa at pag-alipusta at nagkakaila kayo sa karapatan ng asawa." Pagkatapos naglarawan siya sa kanila sa sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ako nakakita mula sa mga nagkukulang sa pag-iisip at pagrerelihiyon na higit na mapanaig sa may isip, pag-iisip, hunos-dili, at disiplina sa nauukol sa kanya kaysa sa inyo."
Nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, at ano po ang kakulangan sa pag-iisip at pagrerelihiyon?"
Nagsabi siya: "Hinggil sa kakulangan sa pag-iisip, ang pagsaksi ng dalawang babae ay nakatutumbas sa pagsaki ng iisang lalaki, kaya naman ito ay kakulangan sa pag-iisip. Ang kakulangan naman sa pagrerelihiyon ay ang kakulangan sa maayos na gawa yayamang nanatili siya ng ilang gabi at ilang araw na hindi nagdarasal dahilan sa regla at tumitigil-ayuno siya ng ilang araw sa Ramaḍān dahilan sa regla, kaya naman ito ay kakulangan sa pagrerelihiyon. Gayon pa man, sila ay hindi nasisisi dahil doon at hindi pinananagot dahil doon dahil ito ay bahagi ng ugat ng pagkalikha, kung paanong ang tao ay isinanaturalesa at nilikha na nakaiibig sa yaman, mapagmadali sa mga nauukol sa kanya, napakamangmang, at iba pa roon. Subalit tumawag-pansin siya roon bilang pagbibigay-babala laban sa pagkahumaling sa kanila."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsasakaibig-ibig ng paglabas ng mga babae papunta sa ṣalāh ng pagdiriwang at pagbubukod-tangian ng pangaral.
  2. Ang kawalan ng pagkilala sa karapatan ng asawa at ang dami ng pagsumpa ay kabilang sa malalaking kasalanan dahil ang pagkakabanta sa pamamagitan ng Impiyerno ay isang palatandaan ng pagiging ang pagsuway ay malaking kasalanan.
  3. Nasaad dito ang paglilinaw sa pagkadagdag ng pananampalataya at pagkakulang nito sapagkat ang sinumang dumami ang pagsamba niya ay nadaragdagan ang pananampalataya niya at ang pagrerelihiyon niya at ang sinumang kumulang ang pagsamba niya ay kumulang ang pagrerelihiyon niya.
  4. Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang pag-iisip ay tumatanggap ng pagkadagdag at pagkakulang at gayon din ng pananampalataya. Ang pinapakay ng pagbanggit ng kakulangan sa mga babae ay hindi ang pagsisi sa kanila roon dahil ito ay bahagi ng ugat ng pagkalikha, subalit ang pagtawag-pansin doon ay isang pagbibigay-babala laban sa pagkahumaling sa kanila. Dahil dito, iniresulta ang pagdurusa sa nabanggit na kawalan ng utang na loob at iba pa hindi sa kakulangan. Ang kakulangan sa pagrerelihiyon ay hindi nalilimitahan sa ikinatatamo ng kasalanan, bagkus sa higit na malawak kaysa roon.
  5. Nasaad dito ang pakikipagrepaso ng nagpapakatuto sa nakaaalam at ng tagasunod sa sinusunod kaugnay sa sinabi niyon kapag hindi nahayag sa kanya ang kahulugan niyon.
  6. Nasaad dito na ang pagsaksi ng babae ay nasa kalahati ng pagsaksi ng lalaki. Iyon ay dahilan sa kakulangan ng kaeksaktuhan niya.
  7. Nagsabi si Ibnu Ḥajar kaugnay sa sabi niya: "Hindi ako nakakita mula sa mga nagkukulang ..." Lumilitaw sa akin na iyon ay kabilang sa totalidad ng mga kadahilanan ng pagiging sila ay higit na marami sa mga maninirahan sa Impiyerno dahil sila, kapag naging dahilan sila ng pagkaalis ng pag-iisip ng lalaking naghuhunos-dili hanggang sa makagawa ito at makapagsabi ito ng hindi nararapat, nakilahok nga sila sa kasalanan at nadagdagan nga sila rito.
  8. Ang pagbabawal ng pagsasagawa ng ṣalāh at pag-aayuno sa babae sa panahon ng pagreregla niya at tulad niya ang dinurugo matapos manganak, pagkatapos magsasagawa sila ng pamalit sa pag-aayuno lamang sa sandali ng pagkatigil ng pagdurugo nila.
  9. Ang kagandahan ng kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat sumagot nga siya sa mga babae sa mga tanong nila nang walang pagmamarahas at walang paninisi.
  10. Nagsabi si Ḥajar: Ang kawanggawa ay nagtutulak ng pagdurusa at na ito ay maaaring magtakip-sala sa mga pagkakasala na nasa pagitan ng mga nilikha.
  11. Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang kakulangan sa pagrerelihiyon para sa mga babae ay dahilan sa pagkaiwan nila ng ṣalāh at ayuno sa panahon ng regla. Tunay na ang sinumang dumami ang pagsamba niya, nadaragdagan ang pananampalataya niya at ang pagrerelihiyon niya. Ang sinumang kumulang ang pagsamba niya, kumukulang ang pagrerelihiyon niya. Pagkatapos ang pagkulang ng pagrerelihiyon ay maaaring maging sa isang paraang nagkakasala dahil dito gaya ng sinumang nag-iwan ng ṣalāh at ayuno o iba pa sa dalawang ito kabilang sa mga pagsambang kinakailangan sa kanya nang walang maidadahilan, maaaring maging sa isang paraang walang kasalanan dito gaya ng sinumang nag-iwan ng pagdalo sa ṣalāh sa Biyernes o pakikipaglaban o iba pa roon kabilang sa kinakailangan sa kanya nang walang maidadahilan, at maaaring sa isang paraang siya ay naaatangan ng tungkulin dito gaya pag-iwan ng nireregla ng ṣalāh at ayuno.