+ -

عن عائشة رضي الله عنها قالت: خرجنا مع رسول الله صلى الله عليه وسلم لا نَذْكُرُ إلا الحج، حتى جِئْنَا سَرِف فَطَمِثْتُ، فدخل عليَّ رسول الله صلى الله عليه وسلم وأنا أبْكِي، فقال: «ما يُبْكِيك؟» فقلت: والله، لوَدِدْتُ أنَّي لم أكُن خرجت العَام، قال: «ما لك؟ لَعَلَّكِ نَفِسْتِ؟» قلت: نعم، قال: «هذا شيء كَتَبه الله على بنات آدم، افعلي ما يفعل الحاج غير أن لا تَطُوفي بالبيت حتى تَطْهُري» قالت: فلمَّا قدمت مكة، قال رسول الله صلى الله عليه وسلم لأصحابه «اجْعَلُوها عُمرة» فأحَلَّ الناس إلا من كان معه الهَدْي، قالت: فكان الهَدْي مع النبي صلى الله عليه وسلم وأبي بكر وعمر وذَوِي اليَسَارَة، ثم أهَلُّوا حين راحُوا، قالت: فلمَّا كان يوم النَّحر طَهَرْت، فأمَرَني رسول الله صلى الله عليه وسلم فَأَفَضْتُ، قالت: فَأُتِيَنَا بِلَحم بَقَر، فقلت: ما هذا؟ فقالوا: أَهْدَى رسول الله -صلى الله عليه وسلم- عن نِسَائه البقر، فلمَّا كانت ليلة الحَصْبَةِ، قلت: يا رسول الله، يرجع الناس بحجة وعُمرة وأرجع بِحَجَّة؟ قالت: فأمر عبد الرحمن بن أبي بكر، فَأَرْدَفَنِي على جَمَلِه، قالت: فإني لأذْكُر، وأنا جَارية حَدِيثَةُ السِّن، أَنْعَسُ فيُصِيب وجْهِي مُؤْخِرَة الرَّحْل، حتى جِئْنَا إلى التَّنْعِيم، فَأَهْلَلْتُ منها بِعُمْرة؛ جزاء بِعُمْرَة الناس التي اعْتَمَرُوا.
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: Lumabas kami kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-wala kaming ibang binabanggit maliban sa pagsasagawa ng Hajj,hanggang sa dumating kami sa isang lambak [sa pagitan ng Meccah at Madinah],dinatnan ako ng regla.Pumasok sa akin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ako ay umiiyak,Nagsabi siya: (( Ano ang dahilan ng pag-iyak mo?));Nagsabi ako: Sumpa sa Allah,Ninais ko na sana ay hindi nalang ako lumabas [upang magsagawa ng Hajj] sa taong ito,Nagsabi siya:(( Ano ang nangyari sa iyo, marahil ay dinatnan ka ng Regla?)) Sinabi ko: Oo, Nagsabi siya:(( Ang mga bagay na ito ay naitakda ni Allah para sa mga babaing Anak ni Adam,Gawin mo ang anumang ginagawa ng Nagsasagawa ng Hajj,maliban sa Tawaff [Pag-ikot] sa Tahanan ni Allah,hanggang sa ikaw ay maging dalisay)) Nagsabi siya:At nang dumating ako sa Meccah,Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga kasamahan niya (( Gawin ninyo itong `Umrah))Tinanggal ng mga tao ang kanilang mga suot na Ihram,maliban sa sinumang sa kanya ay may Hadiy [Kakatayin bilang pag-alay],Nagsabi siya: At ang Hadiy [Kakatayin bilang pag-alay] ay kasama sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,Abu Bakar,`Umar at sa mga mayayaman.Pagkatapos ay nagsagawa sila ng Talbiyah sa oras ng pag-alis nila,Nagsabi siya:At nang dumating ang Araw ng Pagkatay,naging dalisay ako.Nag-utos sa akin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsagawa ako ng Tawaf na Ifadah,Nagsabi siya:Ibinigay sa amin ang karne ng baka,Nagsabi ako:Ano ito? Nagsabi sila: Hadiy [Kakatayin bilang pag-alay] ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga Asawa niya mula sa karne ng baka,At nang dumating ang gabi ng Maliliit na bato [Gabing paglisan ng mga Tao mula sa Mina patungo sa Meccah],Nagsabi ako;O Sugo ni Allah,magsisi-uwian ang mga tao na nakapagsagawa ng Hajj at `Umrah,at ako ay uuwi na nakapagsagawa ng Hajj lamang?Nagsabi siya:Inutusan niya si `Abdurrahman bin Abu Bakar,pinasunod siya sa akin gamit ang kamelyo niya,Nagsabi siya:Natatandaan ko,noong ako ay dalaga pa,at nasa murang edad pa,Inaantok ako at tumatama ang mukha ko sa siyahan [upuan sa likod ng kamelyo o kabayo], hanggang sa dumating kami sa Tan`em,Nagsagawa ako rito ng Talbiyah para sa Umrah,bilang kabayaran sa pagsasagawang `Umrah ng mga tao,sa lugar na kung saan ay isinagawa ng mga Tao ang kanilang `Umrah.
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugan ng Hadith ni `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya.-"Lumabas kami kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-wala kaming ibang binabanggit maliban sa pagsasagawa ng Hajj" ibig sabihin ay-mula sa Madinah-At ang paglabas niya -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay sa araw ng Sabado mula sa natitirang limang gabi ng Zul Qa`dah,pagkatapos niya magdasal rito ng Dhuhr na apat na tindig,Pagkatapos ay umalis siya patungo sa Zul Hulayfah,nag-alay siya rito ng dasal nang dalawang tindig. "Wala kaming ibang binabanggit maliban sa pagsasagawa ng Hajj" At sa ibang salaysay: "Wala kaming ibang naiisip maliban sa pagsasagawa ng Hajj" Ngunit naisalysay ito sa ibang Tumpak na Hadith:" Kabilang sa amin ang nagsagawa ng Talbiyah para sa Umrah,at kabilang sa amin ang nagsagawa ng Talbiyah para sa Hajj,At kabilang ako sa mga nagsagawa ng Talbiyah para sa Umrah" At dahil rito:Ang pagsasabi niya-mlugod si Allah sa kanya-nang: "Wala kaming ibang binabanggit maliban sa pagsasagawa ng Hajj" at "Wala kaming ibang naiisip maliban sa pagsasagawa ng Hajj": ay hindi lumalabas sa mga sumunod: Unang kalagayan: Ninais niya rito ang pagsasagawa ng Hajj na obligado mula sa nakasanayang pagsasagawa ng Hajj, at hindi ang pagpapahayag sa mga uri ng gawain nito,kung saan ay isingawa nila ang Ihram. Ang ikalawang Kalagayan:Ninais niya ito sa paglabas nila at bago sila dumating sa Miqat at pagpasok sa pagsasagawa ng Ihram.Ang Ikatlong Kalagayan:Ninais niya ito para sa kalagayan ng mga ibang kasamahan niya,at hindi niya iniisip ang para sa sarili niya. "Hanggang sa dumating kami sa isang lambak [sa pagitan ng Meccah at Madinah],Ang kahulugan: Hanggang sa nakarating sila sa isang lugar na tinatawag na "Sarif" [Lambak],ito ay lugar na malapit sa Meccah " Dinatnan ako ng Regla" Ang kahulugan: Dinatnan siya ng Regla-malugod si Allah sa kanya- "Pumasok sa akin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ako ay umiiyak,Nagsabi siya: (( Ano ang dahilan ng pag-iyak mo?));Nagsabi ako: Sumpa sa Allah,Ninais ko na sana ay hindi nalang ako lumabas [upang magsagawa ng Hajj] sa taong ito" Dahil sa nangyari sa kanya mula sa mga [naganap na] pangyayari,kaya umiyak siya-malugod si Allah sa kanya-at pinangarap niya na hindi siya nagsawa ng Hajj kasama nila sa Taong na ito;Dahil sa pag-aakala niyang kapag siya ay dinatnan ng regla ay mapuputol sa kanya ang mga gawain ng nagsasagawa ng Hajj,at mawawala sa kanya ang mga kabutihang ito."Nagsabi siya:((Ano ang nangyari sa iyo, marahil ay dinatnan ka ng Regla?))"ibig sabihin ay Nagregla "Sinabi ko: Oo, Nagsabi siya:(( Ang mga bagay na ito ay naitakda ni Allah para sa mga babaing Anak ni Adam))" Ibig sabihin ang Pagreregla ay bagay na naitakda at naisulat sa mga babaing anak ni Adam,Ito ay hindi sa iyo lamang [nangyayari],at ito ay wala sa mga kamay mo,kaya walang dahilan para sa pag-iyak."Gawin mo ang anumang ginagawa ng Nagsasagawa ng Hajj,maliban sa Tawaff [Pag-ikot] sa Tahanan ni Allah,hanggang sa ikaw ay maging dalisay))" Sinabi sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na ang pagreregla ay hindi makakapigil sa kanya sa pagpapatuloy sa gawain niya sa Hajj,at hindi siya magtatanggal ng Ihram niya,at siya ay magsasagawa ng anumang gawain ng isinasagawa sa Hajj,tulad ng Pagtayo sa `Arafah,Mina,Muzdalifah,at Paghagis ng maliliit na bato,at ang iba pang natitirang gawain sa pagsasagawa ng Hajj,maliban sa Pag-sasagawa ng Tawaf [pag-ikot sa Tahanan ni Allah],sapagkat ipinababawal ito sa kanya hanggang siya ay maging dalisay siya mula sa pagkaregla at makaligo."Nagsabi siya:At nang dumating ako sa Meccah,Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga kasamahan niya ((Gawin ninyo itong `Umrah))"Ibig sabihin: Nang dumating ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Meccah,Ipinag-utos niya sa sinumang hindi nakapag-alay ng Hadiy [Kakatayin bilang pag-alay],na gawin nila ang Ihram nila na para sa Umrah,Sinuman ang nagsagawa ng Ihram para sa Hajj,at hindi nakapag-alay ng Hadiy [Kakatayin bilang pag-alay],sapagkat tunay na baliktarin niya ang Ihram niyang para sa Hajj at [gawin niyang] para sa `Umrah,Magsagawa siya ng Tawaf,Sa`ye,at magputol,Pagkatapos ay tatanggalin niya ang Ihram niya,At sa isang salaysay ni Imam Muslim: "Ipinag-utos sa amin ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na magtanggal ng Ihram sa amin ang sinumang walang [kakayahang mag-alay ng Hadiy [Kakatayin bilang pag-alay], Nagsabi siya: Sinabi namin:Alin ang tatanggalin? "Nagsabi siya: "Ang lahat ay tatanggalin" Nagsabi siya:Nagtanggal [ng Ihram] ang mga tao maliban sa sinumang may Hadiy [Kakatayin bilang pag-alay],Nagsabi siya:sapagkat ang Hadiy [Kakatayin bilang pag-alay] ay kasama sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,Abu Bakar,`Umar at sa mga mayayaman" Ibig sabihin:Tunay na sinuman ang wala sa kanya ang Hadiy [Kakatayin,na bilang pag-alay] tatanggalin ang suot nilang Ihram pagkatapos nilang magsagawa ng Tawaf,Sa`ye,Pagputol ng buhok.At nanatili ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-si Abu Bakar,at `Umar- malugod si Allah sa kanilang dalawa-at sa mga nakapag-alay ng Hadiy [Kakatayin,na bilang pag-alay] mula sa mga pinayaman ni Allah,Nanatili sila sa suot nilang Ihram; Dahil sa sila ay nakapag-alay ng Hadiy [Kakatayin bilang pag-alay],at sinuman ang mag-alay ng Hadiy [Kakatayin bilang pag-alay],ay hindi ipinapahintulot sa kanya na ipawalang bisa ang Ihram niya para sa `Umrah,Dahil sa sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:" Kung hindi lang ako ay nakapag-alay ng Hadiy [Kakatayin bilang pag-alay],tunay na ginawa ko ang tulad ng ipinag-utos ko sa inyo" "Nagbaliktad ako:Pagkatapos ay nagsagawa sila ng Talbiyah sa oras ng pag-alis nila" Ibig sabihin: Sa yaong nakapagsagawa ng Tawaf,Sa`ye at nagapaputol ng buhok,Nagsagawa sila ng Talbiyah para sa Hajj sa oras ng pag-alis nila papunta sa Mina,at ito ay sa araw ng Tarwiyah,ang ika-walong araw sa Buwan ng Zul Hijjah."Nagsabi siya:At nang dumating ang Araw ng Pagkatay,naging dalisay ako"Ibig sabihin ay: Naging dalisay siya mula sa pagkaregla niya sa Araw ng Pagkatay,at ito ay sa ika-sampung araw sa Buwang ng Zul Hijjah,Tinawag ito sa [Pangalanag ito];Dahil sa pagkatay sa mga Hayop na kakatiyin[bilang pag-aalay]."Nag-utos sa akin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsagawa ako ng Tawaf na Ifadah" ibig sabihin;Pagkatapos niyang maging dalisay mula sa pagkaregla niya-malugod si Allah sa kanya-sa Araw ng pagkatay,Ipinag-utos sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na magsagawa ng Tawaf na Ifadah,at ginawa niya ito."Nagsabi siya: Ibinigay sa amin ang karne ng baka,Nagsabi ako: Ano ito?"ibig sabihin:Ipinadala para sa kanya at sa mga naging kasama niya mula sa mga kabaabaihan,ang karne ng baka,pagkatapos ay itinanong niya ito."Nagsabi sila: Hadiy [Kakatayin bilang pag-alay] ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga Asawa niya mula sa karne ng baka" Ibig sabihin ay:Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay Nagkatay sa bawat isa sa mga Asawa niya nang baka,"At nang dumating ang gabi ng Maliliit na bato [Gabing paglisan ng mga Tao mula sa Mina patungo sa Meccah]," Ibig sabihin: Nang dumating ang gabi ng pagbaba mula sa Mina,at ito ang gabi, pagkatapos ng Araw ng Tashriq;At tinawag ito rito;sapagkat nagsi-alisan sila mula sa Mina at bumaba sila sa pinagkukunan ng maliliit na bato at natulog sila rito.At sa [naisalaysay ni Imam Al-Bukhari:"Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagpahinga ng mahimbing sa pinagkukunan ng maliliit na bato,pagkatapos ay sumakay siya papunta sa Tahanan ni Allah at nagsagawa siya ng Tawaf rito" " Nagsabi ako: O Sugo ni Allah,magsisi-uwian ang mga tao na nakapagsagawa ng Hajj at `Umrah,samantalang uuwi ako na nakapagsagawa ng Hajj lamang?" Ibig sabihin:Magsisi-uwian sila na nakapagsagawa ng Hajj na pinaghiwalay at Umrah na pinaghiwalay;sapagkat sila ay nagsagawa ng Tamattu` na Hajj,,Samantalang ako ay uuwi at hindi ako nakapagsagawa ng Umrah na pinaghiwalay;sapagkat siya ay nagsagawa ng Qarin na Hajj,At ang Umrah ng mahihirap ay nasa loob ng Hajj isinasama. At sa salaysay ni Imam Muslim:" Magsisi-uwian ang mga tao na may dalawang gantimpala,samantalang ako ay uuwi na may isang gantimpala lamang" Ninais niya na magkaroon siya ng Umrah na nakahiwalay sa Hajj,tulad ng ginawa ng mga ibang Ina ng mga mananampalataya,at ang iba pa sa kanila mula sa mga kasamahan ng Propeta-silang nagpawalang-bisa sa Hajj at pinalitan ng Umrah,at ipinagpatuloy nila ang pagssasagawa ng Umrah,at tinanggal nila ang Ihram[pagkatapos ng Umrah] rito bago ang araw ng Tarwiyyah,Pagkatapos ay nagsuot sila ng Ihram para sa pagsasagawa ng Hajj,mula sa Meccah sa araw ng Tarwiyyah,kaya nakamit nila ang Umrah na pinaghiwalay at Hajj na pinaghiwalay, Ngunit si `Aishah ay nagkamit lamang ng Umrah na kasama sa pagsasagawa ng Hajj sa Qiran.Nagsabi sa kanya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa araw ng paglisan,sapat na sa iyo ang Tawaf mo para sa Hajj at Umrah mo, Ibig sabihin; Naging ganap at ginantimpalaan ang lahat ng ito sa iyo,Tumanggi siya at ninais niyang magsagawa ng Umrah na nakahiwalay,tulad ng ginawa ng ibang mga tao."Nagsabi siya:Inutusan niya si `Abdurrahman bin Abu Bakar,pinasunod siya sa akin gamit ang kamelyo niya" Ibig sabihin: Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nag-utos sa kapatid niyang si `Abdurrahman bin Abu Bakar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-na samahan niya itong lumabas sa Tan`em,upang masamahan ito sa pagsasagawa ng Umrah.upang maging katulad ng ibang tao,kaya pinasunod niya ito sa likod niya-malugod si Allah sa kanya-tulad ng naisalaysay ni Imam Muslim sa ibang [salaysay],"Nagsabi siya:Natatandaan ko,noong ako ay dalaga pa,at nasa murang edad pa,Inaantok ako at tumatama ang mukha ko sa siyahan [upuan sa likod ng kamelyo o kabayo]"Ibig sabihin:Sa oras na pinasunod siya ni `Abdurrahman bin Abu Bakar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-sa likod niya,at umalis sila patungo sa Tan`em,siya ay inaantok,hanggang sa nahuhulog ang ulo niya dahil sa indi ng antok niya,at tumatama ito sa siyahan [ng kabayo],"Hanggang sa dumating kami sa Tan`em,Nagsagawa ako rito ng Talbiyah para sa Umrah,bilang kabayaran sa pagsasagawang `Umrah ng mga tao, sa lugar na kung saan ay isinagawa ng mga Tao ang kanilang `Umrah."Iibg sabihin : Nang dumating silang dalawa sa Tan`em-Nagsagawa siya ng Talbiyah-malugod si Allah sa kanya-para sa Umrah na nakahiwalay sa mga gawain niya,sa lugar ,kung saan ginanap ng mga tao ang kanilang Umrah. At sa ibang salaysay sa Sahihayn;Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi sa kanya pagkatapos niyang isagawa ang Umrah: " Ito ang lugar kung saan ay gaganapin mo ang Umrah" Ibig sabihin: Ang Umrah na ito,ay ang lugar ng Umrah kung saan ay ninanais mong makamit ang Umrah mong nakahiwalay,hindi kasama sa Hajj,ngunit nahadlangan ka ng Pagkaregla sa pagsasagawa nito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan