+ -

عَنْ كَثِيرِ بن زِيَاد، قال: حدثتني الأزْدِيَّة يعني مُسَّةَ قالت: حَجَجْتُ فَدَخَلْتُ عَلَى أُمِّ سَلَمَةَ فَقُلْتُ: يَا أُمَّ المؤْمِنِين، إِنَّ سَمُرَةَ بن جندب يَأْمُرُ النِّسَاءَ يَقْضِينَ صَلَاةَ الْمَحِيضِ فَقَالَتْ: «لَا يَقْضِينَ كَانَتِ المَرْأَةُ من نِسَاءِ النبي صلى الله عليه وسلم تَقْعُدُ فِي النِّفَاسِ أَرْبَعِينَ لَيْلَةً لَا يَأْمُرُهَا النبي صلى الله عليه وسلم بِقَضَاءِ صَلَاةِ النِّفَاسِ» وفي رواية: و«كنا نطلي على وُجُوهنا بِالوَرْسِ -تعني- من الكَلَف».
[حسن] - [رواه أبو داود والترمذي والدارمي وأحمد]
المزيــد ...

Ayon kay Kathir bin Ziyad,siya ay nagsabi:Sinabi sa akin ni Al-Azdiyyah-ibig sabihin ay si Mussah,siya ay nagsabi: Nagsagawa ako ng Hajj,pumasok ako kay Umm Salamah at sinabi kong: O ina ng mananampalataya,tunay na si Samurah bin Jundub ay nag-uutos sa kababaihan na palitan ang dasal ng nagreregla;Nagsabi siya:((Hindi ito pinapalitan; Ang babae mula sa mga asawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan - ay nananatili sa [kalagayang] bagong panganak nang apatnapong gabi,Hindi siya inuutusan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na palitan ang dasal ng bagong panganak)) at sa isang salaysay: ((Kami ay nagpupunas sa mga mukha namin gamit ang Wars [isang uri ng halaman],-ibig sabihin ay-mula sa maitim na dugo))
[Maganda] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy]

Ang pagpapaliwanag

inabutan ng ina nating si Umm Salamah-maalugd si Allah sa kanya-ang pagbibigay fatwah ng marangal na kasamahan ng Propeta na si Samurah bin Jundub-malugod si Allah sa kanya-at ito ay naganap nang obligahan niya ang mga kababaihan na palitan ang dasal na naiwan sa panahon ng pagkaregla,sinabi niya-malugod si Allah sa kanya: (Hindi ito pinapalitan) Ibig sabihin ay ang pagdarasal,tulad ng ipinaliwanag niya-malugod si Allah sa kanya-sa pagbibigay niya ng fatwah na ito ,mula sa sinabi niyang: (Ang kababaihan mula sa mga asawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nananatili sa [kalagayang] bagong panganak sa loob ng apatnapong gabi,Hindi ito inuutusan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na palitan ang dasal ng bagong panganak) at ang ipinapahiwatig sa mga kababaihan niya;ay hindi ang kanyang mga asawa-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa mga babae at mga kamag-anak,at tunay na ang mga kababaihan ay higit na [sumasaklaw] sa kalahatan kaysa mga asawa,dahil sa napabilang ang mga babae at mga kamag-anak sa ilalim nito,At naririto ang problima,at ito sa sinabi niyang:(ay nananatili sa [kalagayang] bagong panganak.)iyon ay dahil sa si Mussah ay nagtanong kay Umm Salamah-,malugod si Allah sa kanya-tungkol sa panuntunan ng pagdarasal sa kalagayan ng pagkaregla,at ipinaalam niya ang tungkol kay Samurah na siya ay nag-uutos nito,At sinagot ni Umm Salamah ang tungkol sa dasal ng bagong panganak. At ang sagot nito ay sa dalawang klase: Una: Ang ipinapahiwatig sa may regla rito ay ang bagong panganak,na siyang higit na may kaunting panahon mula sa pagkaregla,dahil ang regla ay nauulit sa isang taon nang labindalawang beses,samantalang ang bagong panganak ay hindi naging tulad nito,subalit ito ay higit na talagang kaunti mula rito,Nagsabi siya na ang Batas ng Islam ay nagpatawad sa [hindi] pagdarasal sa kalagayan ng bagong panganak kung saan ito ay hindi nauulit,papaanong hindi Siya magpapatawad sa kalagayan ng pagregla na siyang nauulit,Si Allah ang higit na nakakaalam.Sa sinabi niyang: (Kami ay nagpupunas sa mga mukha namin) ibig sabihin ay pinapahiran namin at ang pagpupunas,ang pagpahid Sa sinabi niyang: ( Alwars) Ang alwars ay halamang dilaw na kinukuha mula rito ang saffron para sa mukha, (-ibig sabihin ay-mula sa maitim na dugo) ito ay kulay sa pagitan ng itim at pula,at ito ay pulang [malagkit na] dugo na tumataas sa mukha at bagay na tumataas sa mukha

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan