عن أم عطية، نُسيبة بنت الحارث الأنصارية رضي الله عنها قالت: «كنا لا نعد الْكُدْرَة وَالصُّفْرَة بعد الطهر شيئًا».
[صحيح] - [رواه أبو داود بهذا اللفظ، ورواه البخاري بدون زيادة (بعد الطهر)]
المزيــد ...
Ayon kay Umm `Atiyyah,Nusaybah bint Al-Harith Al-Ansariyyah-malugod si Allah sa kanya-Siya ay nagsabi: ((Hindi namin ibinibilang ang itim at dilaw [na dugo] pagkatapos ng pagkadalisay na isang bagay [mula sa pagregla]))
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy ng tulad nito - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]
Inilipat ni Umm `Atiyyah-malugod si Allah sa kanilang dalawa-ang isa sa mga Sunnah ng Propeta na may pagpapahintulot tungkol sa anumang bagay na lumalabas mula sa sinapupunan ng mga babae tulad ng dugo,Sinabi niya-malugod si Allah sa kanya: "Hindi namin ibinibilang ang itim [na dugo]" Ibig sabihin : ay ang anumang bagay na nagpapakulay sa tubig ng marumi at maitim,.At " Ang dilaw" ito ang tubig na nakikita ng babae na tulad ng nana,sa ibabaw nito ay kulay dilaw. "Pagkatapos ng pagkadalisay" Ibig sabihin ay: Pagkatapos makita sa dulo na [parang] buhok na kulay puti at ang pagkatuyo. "na isang bagay [mula sa pagregla]", Ibig sabihin ay hindi namin ito ibinibilang na isang regla, At sa sinabi niyang: " [Hindi] namin " : Ang pinakapapular sa mga salitang ito; na ito ay ginagamit sa panuntunan ng Marfu,sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-;Dahil ang ipinapahiwatig rito ay: Kami sa panahon ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na may kasamang kaalaman niya,kaya ito ay magiging pagpapahintulot mula sa kanya-at ito ay nagpapatunay na walang [masasabing] panuntunan para sa mga dugong hindi malagkit at maitim na nakikita o nalalaman,ito ay hindi ibinibilang sa regla,pagkatapos ng pagkadalisay,At sa pagdalisay ay may dalawang palatandaan: Una: Buhok;Sinasabing ito ay bagay na parang puting sinulid,lumalabas mula sa matris pagkatapos maputol ang pagdurugo,Ang pangalawa: Ang pagkatuyo; ito ay ang paglabas ng anumang bagay na nasa loob ng matris na tuyo. At ang nauunawaan sa sinabi niyang: " Pagkatapos ng pagkadalisay" Na ang dilaw at itim [na dugo] sa araw ng pagkaregla ay itinuturing na pagkaregla