عَنْ عَائِشَةَ أُمِّ المُؤْمِنينَ رَضي الله عنها أَنَّهَا قَالَتْ:
إِنَّ أُمَّ حَبِيبَةَ بِنْتَ جَحْشٍ الَّتِي كَانَتْ تَحْتَ عَبْدِ الرَّحْمَنِ بْنِ عَوْفٍ شَكَتْ إِلَى رَسُولِ اللهِ صلى الله عليه وسلم الدَّمَ، فَقَالَ لَهَا: «امْكُثِي قَدْرَ مَا كَانَتْ تَحْبِسُكِ حَيْضَتُكِ، ثُمَّ اغْتَسِلِي». فَكَانَتْ تَغْتَسِلُ عِنْدَ كُلِّ صَلَاةٍ.
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 334]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
"Tunay na si Ummu Ḥabībah bint Jaḥsh na noon ay maybahay ni `Abdurraḥmān bin `Awf ay dumaing sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagdurugo. Kaya naman nagsabi siya rito: "Manatili ka ayon sa tagal ng dating paghahadlang sa iyo ng pagreregla mo, pagkatapos maligo ka." Kaya siya noon ay naliligo sa sandali ng bawat ṣalāh."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 334]
Dumaing ang isa sa mga Babaing Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapatuloy ng paglabas ng dugo sa kanya. Kaya nag-utos ito sa kanya na huminto siya sa pagsasagawa ng ṣalāh ayon sa tagal ng dating paghahadlang sa kanya ng pagreregla niya bago ng paglabas nitong bagay na nataon sa kanya. Pagkatapos maliligo siya at magsasagawa ng ṣalāh kaya naman siya noon ay naliligo nang kusang-loob sa bawat ṣalāh.