+ -

عن حَمْنَة بنت جَحش رضي الله عنها قالت: كنت أُسْتَحَاض حَيْضَة كثيرة شَدِيدة، فأتيت رسول الله صلى الله عليه وسلم أَسْتَفْتِيه وأُخْبِرُه، فَوجدْتُه في بيت أختي زينب بنت جَحش فقلت: يا رسول الله، إني امرأة أُسْتَحَاض حَيْضَة كثيرة شديدة، فما تَرى فيها، قد مَنَعَتْنِي الصلاة والصوم، فقال: «أَنْعَتُ لك الكُرْسُف، فإنه يُذهِبُ الدَّم». قالت: هو أكثر من ذلك، قال: «فاتَّخِذِي ثوبا». فقالت: هو أكثر من ذلك إنما أَثُجُّ ثَجًّا، قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «سَآمُرُك بأمْرَين أيهما فَعَلْتِ أجْزَأَ عَنْكِ من الآخر، وإن قَوِيتِ عليهما فأنتِ أعْلَم». قال لها: «إنما هذه رَكْضَةٌ من رَكَضَات الشيطان فَتَحَيَّضِي ستَّة أيام أو سبعة أيَّام في عِلْم الله، ثم اغْتَسِلِي حتى إذا رأيت أنك قد طَهُرْتِ، واسْتَنْقَأْتِ فصلِّي ثلاثا وعشرين ليلة أو أربعا وعشرين ليلة وأيامها وصومي، فإن ذلك يُجْزِيكِ، وكذلك فافْعَلي في كل شهر كما تحيض النساء، وكما يَطْهُرْن مِيقَاتُ حَيْضِهِنَّ وَطُهْرِهِنَّ، وإن قَوِيت على أن تُؤَخِّري الظهر وتُعَجَلِّي العصر فَتَغْتَسِلِينَ وَتَجْمَعِينَ بين الصلاتين الظهر والعصر، وتُؤَخِّرِين المغرب وتُعَجِّلين العشاء، ثم تَغْتَسِلِينَ وَتَجْمَعِينَ بين الصلاتين فافْعَلي، وَتَغْتَسِلِينَ مع الفجر فافْعَلي، وصُومي إن قَدِرت على ذلك»، قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «وهذا أَعْجَبُ الْأَمْرَيْنِ إليَّ».
[حسن] - [رواه أبو داود وأحمد والترمذي وابن ماجه]
المزيــد ...

Ayon kay Hamnah bint Jahsh-malugod si Allah sa kanya-Ako ay nagdurogo ng matindi at marami kapag ako ay may regla,Pumunta ako sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang humingi ng kasagutan at masabi ko ito sa kanya-Natagpuan ko siya sa bahay ng kapatid ko na si Zaynab bint Jahsh-At sinabi ko sa kanya: O Sugo ni Allah! Ako ay isang babaing linalabasan ng matindi at maraming dugo sa pagregla,Ano sa palagay mo rito,nahahadlangan ako nito sa pagdarasal at pag-aayuno, Nagsabi siya:((Inilalarawan ko sa iyo ang paggamit ng koton sapagkat ito ay nakakasimsim ng dugo)) Nagsabi siyang:Ngunit ito ay mas marami rito,Nagsabi siya:(( Kung gayun ay gumamit ka ng damit)) Sinabi niyang: Ito ay mas marami pa rito,dahil ito ay dumadaloy sa akin at napakalakas, Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Ipag-uutos ko sa iyo ang dalawang bagay at kahit saan sa dalawang ito ang gawin mo, ikaw ay gagantimpalaan, at kapag nakayanan mo ang dalawang ito,ikaw ang higit na nakakaalam)) Nagsabi siya sa kanya: (( Tunay na ito ay panlilinlang mula kay Satanas,kayat hayaan mong magkaregla ka sa loob ng anim hanggang pitong araw batay sa kaalaman ni Allah,pagkatapos ay maligo ka, hanggang sa kapag nakita mong ikaw ay naging dalisay (mula sa pagkaregla) at naputol na sa iyo (ang pagdaloy ng) dugo,magdasal ka sa loob ng dalawamput tatlong gabi o dalawamput apat na gabi at araw nito, at ikaw ay mag-ayuno,dahil ikaw ay gagantimpalaan rito,At gawin mo ito sa bawat buwan katulad ng pagregla ng mga kababaihan,at katulad ng pagdalisay nila sa oras ng pagreregla at pagdalisay nila,at kapag nakayanan mong ipagpahuli ang Dhuhr at madaliin ang 'Asr, maligo ka at pagsamahin mo ang dalawang dasal, ang Dhuhr at 'Asr, at ipagpahuli mo ang Maghrib at madaliin mo ang 'Eishah pagkatapos ay maligo ka at pagsamahin mo ang dalawang dasal; ay gawin mo, At gayundin ( kapag nakayanan mong) maligo ka sa Fajr ay gawin mo, at mag-ayuno ka kapag nakayanan mo ito)) Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan -((At ito ang pinakamamahal mula sa dalawang gawain para sa akin))
[Maganda] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugan ng Hadith ni Hamnah-malugid si Allah sa kanya-"Ako ay isang babaing linalabasan ng matindi at maraming dugo sa pagregla" Ibig sabihin: Tunay na ang dugo ay dumadaloy sa kanya at nagpapatuloy ito sa mahabang panahon na matindi at napakarami kapag lumalabas ito."Pumunta ako sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang humingi ng kasagutan at masabi ko ito sa kanya" Pagktapos ay dumating siya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagtatanong sa kanya ng Panuntunang Islamiko;at kung ano ang nararapat niyang gawin:" Sinabi ko: O Sugo ni Allah! Ako ay isang babaing linalabasan ng matindi at maraming dugo sa pagregla,Ano sa palagay mo rito,nahahadlangan ako nito sa pagdarasal at pag-aayuno" Ibig sabihin:Ang dugo na dumadaloy sa kanya,ay nakakahadlang sa kanya sa pagdarasal at pag-aayuno,dahil sa ito ay dugo ng pagregla.at ito ang nagpasimula sa kanya sa unang pangyayari,Pagkatapos ay ipinahayag sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang dugong dumadaloy sa kanya sa ganitong paglalarawan ay isang pamiminsala mula kay satanas at hindi dugo mula sa pagkaregla. Nagsabi siya:"Inilalarawan ko sa iyo ang paggamit ng koton sapagkat ito ay nakakapag-alis ng dugo": Ibig sabihin ay gumamit ka ng koton,at ito ay upang ilagay niya sa kanyang ari,higpitan niya ito upang mapigilan ang [lumalabas] na dugo; "Sinabi niyang: Ito ay mas marami pa rito," Ibig sabihin ay: ang dugong dumadaloy matindi ay napakarami,at ang koton ay hindi maaaring gampanan ang layuning ito. Nagsabi siya: (( Gumamit ka ng damit)): Ibig sabihin ay: idagdag mo sa koton ang paggamit ng damit upang maging makapal ito at makayanan ang pagpigil ng dugo."Sinabi niyang: Ito ay mas marami pa rito,dahil ito ay dumadaloy sa akin at napakalakas" Ibig sabihin : ang dugo ay bumubuhos mula sa kanya ng napakarami at napakalakas,kaya hindi kayang pigilan ng koton at gayundin ang damit,dahil ito ay dumadaloy ng napakalakas at napakarami." Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( Ipinag-uutos ko sa iyo ang dalawang bagay))" Ibig sabihin ay: Ang isa sa dalawang panuntunan,at ito ay ang mga sumusunod: Una: Ang pagligo sa bawat pagdarasal,At ang pangalawa:Ang ipunin mo ang pagitan ng Dhuhr at Asr,at ang Maghrib at `Eishah,At maliligo ka ng tatlong beses;Para sa Dhuhr at Asr ay isang beses na pagligo,at sa Maghrib at Eishah ay isang beses na pagligo;at para sa Fajr ay isang beses na pagligo " Kahit saan sa mga ito ang gawin mo ay gagantimpalaan ka" Ibig sabihin;ikaw ay mamimimili sa pagitan ng dalawang bagay ito:" At kapag nakayanan mo ang dalawang ito;Ikaw ang higit na nakakaalam" Ibig sabihin: kapag nakayanan mo ang dalawa ito; Ang una at ang pangalawa;Ikaw ang higit na nakakaalam sa iyong kalagayan,kaya pumili ka alin sa dalawa ang naisin mo " Pagkatapos ay sinabi niyang ang mga bagay na ito ay isang pamiminsala mula kay Satanas)) Ang kahulugan nito: Tunay na si Satanas ay nakakita ng daan upang lituin siya sa mga bagay na may kinalaman sa kanyang relihiyon ,pagdadalisay at pagdarasal;hanggang sa nakalimutan nito ang naka-ugalian niya;At naging konklusyon na isa itong pamiminsala mula sa kanya,at hindi rin maiaalis na ito ay isang ugat na tinatawag na Adhil [isang uri ng ugat na dinadaluyan ng dugo sa pagregla] tulad ng naisalaysay sa Hadith ni Fatimah bint Hubaysh-malugod si Allah sa kanya-sa sinabi niyang:" Ako ay isang babaing linalabasan ng dugo,at hindi ako nakakapagdalisay,iiwan ko ba ang pagdarasal?Nagsabi siya: Hindi;sapagkat ito ay ugat,at hindi regla" Isinasaalang-alang na si Satanas ay sinaktan niya ito hanggang sa sumabog,at nakikita na ang pananakit na ito ay tunay;at walang hadlang sa [pagbibigay] ng kahulugang ito.",Kayat hayaan mong magkaregla ka sa loob ng anim hanggang pitong araw" Ibig sabihin: Iwanan mo ang pagdarasal at pag-aayuno sa iyong sarili sa loob ng anim na araw o pitong araw,manatili ka rito at iwan mo ang pagdarsal rito,At ito ay pagsasaalang-alang na ang karaniwan sa mga kababaihan ay [nareregla sa loob] ng anim na araw o pitong araw."batay sa kaalaman ni Allah" Ibig sabihin ay:batay sa panuntunan ni Allah at sa batas Niya, At sa sinabi niyang:" Sa loob ng anim na araw o pitong araw" " Ang -o-" ay hindi nangangahulugang pag-aalinlangan,subalit ito ay bilang [paglalarawan ng] iba`t-ibang sitwasyon ,at ang patunay na ang ibang mga kababaihan ay nareregla ng anim na araw at ang iba sa kanila ay pitong araw,inalam ito sa mga kamag-anak ng kababaihan kung sino ang nasa kanyang kaedad at pinakamalapit sa kanyang pag-uugali "Pagkatapos ay maligo ka, hanggang sa kapag nakita mong ikaw ay naging dalisay (mula sa pagkaregla) at naputol na sa iyo (ang pagdaloy ng) dugo,magdasal ka sa loob ng dalawamput tatlong gabi o dalawamput apat na gabi at araw nito, at ikaw ay mag-ayuno,dahil ikaw ay gagantimpalaan rito" Ibig sabihin: Kapag lumipas na ang anim o pitong araw,nararapat sa iyo ang pagligo mula sa pagregla,at ang anumang naidagdag sa anim o pitong araw;at ito ay ang :dalawamput tatlong araw o dalawamput apat na araw,ito ay mga araw ng pagdalisay,gawin mo rito ang lahat ng ginagawa ng mga dalisay mula sa pag-aayuno at pagdarasal;dahil ito ay sapat na sa iyo."At gayunding,gawin mo ito sa bawat buwan katulad ng pagregla ng mga kababaihan,at katulad ng pagdalisay nila sa oras ng pagreregla at pagdalisay nila" Ibig sabihin ay: Magreregla ka bawat buwan ng anim na araw o pitong araw tulad ng nakaugalian ng mga kababaihan,pagkatapos ay maligo ka at magdasal,at ganoon din sa oras ng pagdadalisay mo,ito ay sa tagal ng naging nakaugalian ng mga kababaihan mula sa dalawamput tatlo hanggang sa dalawamput apat na araw."At kapag nakayanan mong ipagpahuli ang Dhuhr at madaliin ang 'Asr, maligo ka at pagsamahin mo ang dalawang dasal, ang Dhuhr at 'Asr, at ipagpahuli mo ang Maghrib at madaliin mo ang 'Eishah pagkatapos ay maligo ka at pagsamahin mo ang dalawang dasal; ay gawin mo, At gayundin ( kapag nakayanan mong) maligo ka sa Fajr ay gawin mo, at mag-ayuno ka kapag nakayanan mo ito" Ang kahulugan nito: Kapag nakayanan mo na ipagpahuli ang Dhuhr sa huling oras nito at magdasal ka ng Asr sa unang oras nito at gayunding ipagpahuli mo ang Maghrib sa huling oras nito at magdasal ka ng `Eishah sa unang oras nito-at ito ang tinatawag ng mga Eskolar na paglalarawan ng pag-iipon- At ang sa Fajr:ay maliligo ka para sa pagdarasal ng isang beses na paligo,at kapag nakayanan mo ito ay gawin mo;At dahil rito ay: ,maliligo ang linalabasan ng dugo [na hindi regla] ng tatlong beses;Para sa Dhuhr at Asr ay isang beses na paligo,at para sa Maghrib at `Eishah ay isang beses na paligo,at para sa Fajr ay isang beses na paligo,at iipunin ang pagitan ng dalawang dasal nang paglalarawan ng pag-iipon."At ito ang pinakamamahal mula sa dalawang gawain para sa akin"Ibig sabihin ay:ang gawaing ito ang pinakamamahal sa akin;ito ay ang:pag-iipon niya sa pagitan ng Dhuhr at Asr at ang Maghrib at `Eishah,at maliligo siya ng tatlong beses;para sa Dhuhr at Asr ay isang paligo,at para sa Maghrib at `Eishah ay isang paligo at para sa Fajr ay isang paligo.Ang unang gawain ay ang pagligo sa bawat pagdarasal;subalit wala sa Hadith na ito ang pagbanggit ng pagligo sa bawat pagdarasal;liban sa ito ay dumating sa ibang salaysay mula kay Abe Dawud; Na siya ay naliligo sa bawat pagdarasal,Ito ay sa pagsabi niya ng:" Kapag nakayanan mo ay maligo ka sa bawat pagdarasal,at kung hindi ay ipunin mo ang pagitan ng dalawang pagdarasal sa isang pagligo" At walang pag-aalinlangan na ang pagligo sa bawat pagdarasal ay may nakikitang kahirapan;kung kaya`t sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pangalawang gawain: " Na ito ang pinakamamahal mula sa dalawang gawain para sa akin" Ibig sabihin: Ang pinakamamahal sa dalawang ito ara sa akin;sapagkat ito ay higit na madali at magaan mula sa una

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan