عن مُعاذة قالتْ: سألتُ عائشةَ رضي الله عنها فقلتُ: «مَا بَال الحَائِضِ تَقضِي الصَّوم، ولا تَقضِي الصَّلاة؟ فقالت: أَحَرُورِيةٌ أنت؟، فقلت: لَستُ بِحَرُورِيَّةٍ، ولَكنِّي أسأل، فقالت: كان يُصِيبُنَا ذلك، فَنُؤمَر بِقَضَاء الصَّوم، ولا نُؤْمَر بِقَضَاء الصَّلاَة».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Mu'ādhah-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi:Tinanong ko si `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya.-Sinabi kong: ((Ano ang mayroon sa nareregla,na nagbabayad ng pag-aayuno at hindi nagbabayad ng pagdarasal?Nagsabi siya: Ikaw ba ay tumatanggi? Sinabi kong: Hindi ako tumatanggi,subalit ako ay nagtatanong lamang.Nagsabi siya: Ito ay dumarating sa amin,at ipinag-utos sa amin na magbayad sa pag-aayuno at hindi ipinag-utos sa amin na magbayad sa pagdarasal))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Tinanong ni Mu'ādhah si `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya.-kung para sa anong dahilan na ang Shari`ah ay nag-utos para sa mga nareregla na bayaran ang mga araw ng pagregla niya na hindi niya napag-ayunuhan,at hindi niya bayaran ang mga pagdarasal sa paanahon ng pagregla,samantalang ang dalawang gawaing pagsamba ay isisatungkulin,datapuwat ang pagdararasal ay higit na dakila mula sa pag-aayuno.At ang hindi paghihiwalay sa pagitan nilang dalawa sa pagbabayad ay siyang paniniwala ng mga Al-Khawarij na bumabatay sa pagpapahirap at paghihigpit. Ang sabi sa kanya ni `Ā'ishah: Ikaw ba ay tumatanggi at naniniwala tulad ng kanilang paniniwala?at nagiging mahigpit tulad ng kanilang paghihigpit?Nagsabi siya: Hindi ako tumatanggi,subalit ako ay nagtatanong upang ako ay matuto at mapatnubayan.Nagsabi si `Ā'ishah: Tunay na ang pagregla ay dumarating sa amin sa panahon ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at iniiwan namin ang pag-aayuno at pagdarasal sa panahon niya,Ipinag-uutos niya sa amin-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na bayaran ang pag-aayuno at hindi niya ipinag-utos sa amin na bayaran ang pagdarasal,Kung ang pagbabayad rito ay isang tungkulin,katotohanang ipag-uutos niya ito sa amin at hindi siya mananahimik rito. At para bang gusto niyang sabihin: Sapat na ang pagsasagawa ng anumang ipinag-utos ng Shari`ah,at ang paghinto sa mga limitasyon nito,na isang karunungan at patnubay.