عن عبد الله بن عمر رضي الله عنهما أَنَّ عمرَ رضي الله عنه حِينَ تَأَيَّمَت بِنتُهُ حَفصَة، قَالَ: لَقِيتُ عثمانَ بن عفان رضي الله عنه فَعَرَضتُ عَلَيه حَفصَة، فَقُلتُ: إِنْ شِئْتَ أَنكَحْتُكَ حَفصَةَ بِنتَ عُمَر؟ قَال: سَأَنظُر فِي أَمْرِي، فَلَبِثتُ لَيَالِيَ ثُمَّ لَقِيَنِي، فَقَال: قَدْ بَدَا لِي أَنْ لاَ أَتَزَوَّجَ يَومِي هَذَا، فَلَقِيتُ أَبَا بَكر رضي الله عنه فقُلتُ: إِنْ شِئْتَ أَنْكَحْتُكَ حَفصَةَ بِنتَ عُمَرَ، فَصَمَتَ أَبُو بَكر رضي الله عنه فَلَم يَرجِعْ إِلَيَّ شَيئًا! فَكُنْتُ عَلَيهِ أَوْجَدَ مِنِّي عَلَى عُثمَانَ، فَلَبِثَ لَيَالِيَ ثُمَّ خَطَبَهَا النَّبِي -صلَّى الله عليه وسلَّم- فَأَنْكَحْتُهَا إِيَّاهُ، فَلَقِيَنِي أَبُو بَكر، فقَال: لَعَلَّكَ وَجَدتَ عَلَيَّ حِينَ عَرَضْتَ عَلَيَّ حَفصَةَ فَلَمْ أرْجِع إِلَيكَ شَيئًا؟ فَقُلتُ: نَعَم، قَالَ: فَإِنَّهُ لَمْ يَمْنَعْنِي أَنْ أرْجِع إِلَيكَ فِيمَا عَرَضتَ عَلَيَّ إِلاَّ أَنِّي كُنتُ عَلِمْتُ أَنَّ النبِيَّ -صلَّى الله عليه وسلَّم- ذَكَرَهَا، فَلَم أَكُن لِأُفْشِي سِرَّ رسُولَ الله -صلَّى الله عليه وسلَّم- وَلَو تَرَكَهَا النبيُّ -صلَّى الله عليه وسلم- لَقَبِلتُهَا.
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Abdullah bin Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa na si Umar malugod si allah sa kanya-sa panahon na naging balo si Hafsah,ay nagsabi siya;Nakasalubong ko si Uthman bin Affan-malugod si Allah sa kanya-at inialok ko sa kanya si Hafsah;at sinabi ko; Kung gugustuhin mo ay ipapa-asawa ko sa iyo si Hafsah bint Umar? Sinabi niya;Titingnan ko ang magagawa ko.Naghintay ako ng ilang gabi pagkatapos ay nakipagtagpo siya sa akin,at nagsabi siya;Napag-isip-isip ko na hndi mona ako mag-aasawa sa panahon kong ito.Nakasalubong ko si Abu Bakar-malugod si Allah sa kanya-at sinabi ko; Kung gugustuhin mo ay ipapa-asawa ko sa iyo si Hafsah bint Umar,Natahimik si Abu Bakar malugod si Allah sa kanya at hindi siya tumugon sa akin kahit na konti! Nagalit ako sa kanya nang mas matindi pa sa galit ko kay Uthman,Naghintay siya ng ilang gabi,pagkatapos ay nag-alok(ng pag-aasawa)sa kanya ang Propeta pagpalain siya no Allah at pangalagaan-Kayat ipina-asawa ko siya sa kanya,Nakipagtagpo sa akin si Abu Bakar at nagsabi siya; marahil ay nagalit sa akin sa panahon na ini-alok mo sa akin si Hafsa at hindi ako tumugon sa iyo kahit na konti?nagsabi ako:Oo,Sinabi niya:Katotohanan na walang nakapag-pigil sa akin sa pagtugon sa iyo,sa inialok mo sa akin,maliban sa napag-alaman ko na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay binanggit niya(na gusto niyang asawain) ito,At hindi ko isinisiwalat ang lihim ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at kung iniwan lamang ito ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ay tunay na tinanggap ko ito.
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Sa Hadith ay nabanggit ni Abdullah bin Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Na si Umar sa panahon na " Naging balo si Hafsa" ibig sabihin ay mula kay;Khunays bin Haza`fah Assahmie,at siya ay kapatid ni Abdullah bin Huza`fah,at kabilang sa kasamahan ni Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pumanaw siya sa Madinah,at ang ikinamatay niya ay dahil sa sugat na natamo niya sa Uhud,at kabilang sa mga nauna sa Islam at naglikas sa kalupaan ng Habashah.Sinabi ni Umar;"Nakasalubong ko si Uthman bin Affan" ibig sabihin ay pagkaraan ng pagpanaw ng asawa nito na si Ruqayyah na anak ng pinaka-mamahal nating Sugo ni Allah.Ang sabi ni Umar; "Ini-alok ko sa kanya si Hafsah" at dito ay Pagpapahintulot sa pag-alok ng tao sa anak nito sa maayos at mabuting tao,at naibawas dito tulad nang pagkasalin rito ni Imam Al-Bukaharie.Sinabi ni Umar;" sinabi ko; Kung gugustuhin mo,ay ipapa-asawa ko sa iyo si Hafsah bint Umar" at gumamit siya nang ganitong pamamaraan:Ito ay pagpapahayag sa pangungusap na may kundisyon,na nagbibigay sa kinaka-usap nang kalayaan sa pagpili,at ito ay kabilang sa magandang pagpapahayag na nag-papahihimuk at nagkukumbinsi sa pagtanggap (nang ini-aalok) at itinala ang anaky niya sa kanya(pangalan niya),at dito ay may pagpapahintulot sa pagtanggal,at parang sinasabi niya na: Anak ni Umar,at napag-alaman mo ang kahalagahan niya at mabuting pakikisalamuha niya. At ang sagot ni Uthman:"Titingnan ko ang magagawa ko" ibig sabihin ay; pag-iisipan ko ang gagawin ko kung mag-aasawa ba ako ngayon o ipag-papahuli ko na lamang.Nagsabi si Umar:Naghintay ako ng ilang gabi pagkatapos ay nakipagtagpo siya sa akin,at nagsabi siya;Napag-isip-isip ko na hndi mona ako mag-aasawa sa panahon kong ito" ang nais (ipahiwatig) ni Uthman rito ay walang katiyakang-panahon;ibig sabihin ay;sa panahon kong ito,at ginamit niya ito,upang matanggal sa pag-iisip na ang nais nito ay hindi pag-aasawa(sa habang-buhay) at pagtigil sa pag-aasawa,na kung saan ito ay ipinagbabawal.Nagsabi si Umar;" Nakasalubong ko si Abu Bakar-malugod si Allah sa kanya-At sinabi ko;Kung gugustuhin mo ay ipapa-asawa ko sa iyo si Hafsah bint Umar,Natahimik siya" At iniwan ni Assiddiq ang pagsasalita na may layunin at pamama-alam sa kanya ay idinaan niya sa pananahimik.Nagsabi si Umar:" Nagalit ako" ibig sabihin ay matinding galit, "sa kanya nang mas matindi pa sa galit ko kay Uthman," Sapagkat kay Uthman, ay nakakuha ito sa kanya ng ilang kasagutan,samantalang kay Asseddiq ay iniwan siya nito ng tuluyan."Naghintay ako ng ilang gabi,pagkatapos ay nag-alok(ng pag-aasawa)sa kanya ang Propeta pagpalain siya no Allah at pangalagaan-Kayat ipina-asawa ko siya sa kanya,Nakipag-tagpo sa akin si Abu Bakar" pagkatapos sa pagganap ng kasalan,at ang pagtanggal sa hindi kaginhawahan ay pagpapahayag sa makatotohanang-bagay.Nagsabi si Assaddiq,at nagbigay ng kanyang paumanhin at bilang pagpapakita ng paggalang sa naiisip ng kapatid nito;" marahil" ito ay pagmama-kaawa,at ginamit niya ito bilang pagtitiwala sa kabutihan ng pag-uugali ni Umar,At tunay na hindi siya magagalit doon,ngunit ang pagkagalit nito sa kanya ay dahi sa init ng ulo nito.Nagsabi ito sa kanya,Ang sabi ni Assidddiq: marahil ay nagalit sa akin sa panahon na ini-alok mo sa akin si Hafsa at hindi ako tumugon" ibig sabihin ay; Nalait ka sa akin sa oras na iyon,Nagsabi siya: "Oo," at iyan ay mula kay Umar,bilang pagpapahayag sa pangyayari at paggawa sa katapatan.Nagsabi si Abu Bakar Assiddiq:"Katotohanan na walang nakapag-pigil sa akin sa pagtugon sa iyo,sa inialok mo sa akin,maliban sa napag-alaman ko na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay binanggit niya ito" ibig sabihin ay; ginusto kong pakasalan siya,at marahil ang pabanggit ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa pagnanais nitong makipag-kasundo sa pagkasal kay Hafsah ay kasalukuyan kay AbuBakar at wala ng iba,kaya`t naisip niya na ito ay lihim na hindi ipinahihintulot(ang pagsisiwalat),kung kaya`t sinabi niya;"At hindi ko isinisiwalat ang lihim ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan" ibig sabihin ay;ibunyag ang inililihim niya sa akin at binanggit niya sa akin."kung iniwan lamang ito ng Propeta" ibig sabihin ay;ang pag-alok sa kanya," tunay na tinanggap ko na ito" at ito ay dahil sa ipinagbabawal ang pakikipag-kasundo sa pagkasal sa sinumang Binanggit ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa sinumanag naka-alam nito,at dito ay pagdidisiplina sa Henerasyon at sa bawat mamamayan nito,at ang nararapat ay ang paglihim sa sekreto,at pagiging ganap sa pagtatago nito,at ang hindi pakiki-pagsasalita sa sinumang kinatatakotan mo, na magdulot sa (pagsiwalat) sa mga ilan rito.