عن الأسود بن يزيد، قال: سُئِلَتْ عائشةُ رضي الله عنها ما كانَ النبيُّ صلى الله عليه وسلم يَصْنَعُ في بَيتِهِ؟، قالَتْ: كانَ يَكونُ في مِهنَةِ أهلِهِ -يَعني: خِدمَة أهلِهِ- فإذا حَضَرَتِ الصلاةُ، خَرَجَ إلى الصلاةِ.
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Al-Aswad bin Yazīd na nagsabi: Tinangong si `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya: Ano ang ginagawa noon ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa bahay niya? Nagsabi ito: Siya ay nasa paglilingkod sa mag-anak niya at kapag sumapit ang pagdarasal, lumalabas siya patungo sa pagdarasal.
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Bahagi ng pagpapakumbaba ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na siya noon sa bahay niya ay naglilingkod sa mag-anak niya. Ginagatasan niya ang mga tupa. Nag-aayos siya ng sandalyas. Pinaglilingkuran niya sila bahay nila. Si `Ā’ishah ay tinanong: "Ano ang ginagawa noon ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa bahay niya?" Nagsabi ito: "Siya ay nasa paglilingkod sa mag-anak niya." Ito ay bahagi ng mga kaasalan ng mga propeta at mga isinugo, sumakanila ang pangangalaga: ang pagpapakumbaba at ang pagpapakaaba sa mga gawain nila at ang paglayo sa pagpapakaluho at pagmamariwasa.