+ -

عن أنس رضي الله عنه ، قَالَ: مَا مَسِسْتُ دِيبَاجاً وَلاَ حَرِيراً ألْيَنَ مِنْ كَفِّ رسولِ اللهِ صلى الله عليه وسلم ، وَلاَ شَمَمْتُ رَائِحَةً قَطُّ أطْيَبَ مِنْ رَائِحَةِ رسولِ اللهِ صلى الله عليه وسلم ، وَلَقَدْ خدمتُ رسول اللهِ صلى الله عليه وسلم عَشْرَ سنين، فما قَالَ لي قَطُّ: أُفٍّ، وَلاَ قَالَ لِشَيءٍ فَعَلْتُهُ: لِمَ فَعَلْتَه؟، وَلاَ لشَيءٍ لَمْ أفعله: ألاَ فَعَلْتَ كَذا؟.
[صحيح] - [متفق عليه. تنبيه: أخرجه البخاري ومسلم في حديثسن متفرقين في موضعين]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Hindi ako nakasaling ng makapal na sutla ni ng manipis na sutla na higit na malambot kaysa sa palad ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Hindi ako nakaamoy ng isang amoy kailanman na higit na mabango kaysa sa amoy ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Talaga ngang naglingkod ako sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng sampung taon at hindi siya nakapagsabi sa akin ng pagkasuya, hindi siya nakapagsabi sa bagay na ginawa ko kung bakit ko ginawa iyon, ni sa bagay na hindi ko ginawa kung bakit hindi ko ginawa ang gayon."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Hindi ako nakasaling ng makapal na sutla ni ng manipis na sutla na higit na malambot kaysa sa palad ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan." Si Anas bin Mālik ay nakapaglingkod noon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng sampung taon. Ang kamay ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay malambot. Gayon din ang amoy ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, wala pang naamoy si Anas kailanman na higit na maganda kaysa sa amoy niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Nagsasabi pa si Anas: "Talaga ngang naglingkod ako sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng sampung taon at hindi siya nakapagsabi sa akin ng pagkasuya." Nangangahulugan ito na hindi nanghinawa sa kanya ang Propeta kailanman sa loob ng sampung taong naglilingkod ito sa kanya. Ang iba sa atin, kapag pinaglingkuran siya ng isang tao o sinamahan nito sa loob ng isang linggo o tulad nito, ay hindi maiiwasang makitaan ng panghihinawa subalit ang Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa sampung taong kasama ng lalaking ito na naglilingkod sa kanya at sa kabila niyon ay hindi nagsabi rito ng pagkahinawa kailanman. Hindi siya nakapagsabi sa bagay na ginawa ni Anas kung bakit nito ginawa iyon. Kahit ang mga bagay na ginagawa ni Anas bilang pagpapasya mula rito, ang Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay hindi namumuna rito o nagagalit dito o nagsasabing bakit nito ginawa ang gayon gayong siya ay tagapaglingkod. Gayon din, hindi siya nagsabi hinggil sa bagay na hindi nito ginawa kung bakit hindi nito ginawa ang gayon. Ito ay bahagi ng kagandahan ng asal ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish
Paglalahad ng mga salin