عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه أَنَّ رَسُولَ اللهِ صلَّى الله عليه وسلم قال:
«ما مِنْ أحَدٍ يُسلِّمُ علي إلا ردَّ اللهُ عليَّ رُوحي حتى أردَّ عليه السَّلامَ».

[إسناده حسن] - [رواه أبو داود وأحمد] - [سنن أبي داود: 2041]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Walang isa mang bumati ng pangangalaga sa akin malibang nagbabalik si Allāh sa akin ng kaluluwa ko hanggang sa magbalik ako sa kanya ng pagbati ng pangangalaga."}

[Ang Isnād nito ay maganda] - [Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām Aḥmad] - [Sunan Abī Dāwud - 2041]

Ang Pagbibigay-linaw

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ibinabalik sa kanya ang kaluluwa niya upang magbalik siya ng pagbati ng pangangalaga sa bawat sinumang bumati sa kanya maging ito man ay malapit o malayo. Ang buhay sa Barzakh at mga libingan ay isang bagay na pangnakalingid, na walang nakaaalam sa reyalidad nito kundi si Allāh. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang paghimok sa pagpaparami ng pagdalangin ng basbas at pangangalaga sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
  2. Ang buhay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa libingan niya ay ang pinakakumpletong buhay na ipamumuhay ng isang tao sa barzakh nito ngunit walang nakaaalam sa reyalidad nito kundi si Allāh (napakataas Siya).
  3. Ang ḥadīth ay hindi nagsaad ng isang katunayan para sa sinumang nagsasabi hinggil sa buhay ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang buhay kung paanong namumuhay nito tayo mismo, nang sa gayon hindi humango ng patunay rito ang mga kampon ng Shirk sa pagpapasaklolo sa kanya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga). Ito lamang ay isang buhay na pambarzakah.
Ang Paglalahad ng mga Salin
Ang Karagdagan