عَنْ عُثْمَانَ رضي الله عنه قَالَ: سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«مَا مِنَ امْرِئٍ مُسْلِمٍ تَحْضُرُهُ صَلَاةٌ مَكْتُوبَةٌ فَيُحْسِنُ وُضُوءَهَا وَخُشُوعَهَا وَرُكُوعَهَا، إِلَّا كَانَتْ كَفَّارَةً لِمَا قَبْلَهَا مِنَ الذُّنُوبِ، مَا لَمْ يُؤْتِ كَبِيرَةً، وَذَلِكَ الدَّهْرَ كُلَّهُ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 228]
المزيــد ...
Ayon kay `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Walang anumang isang taong Muslim na dinaratnan ng isang ṣalāh na isinatungkulin saka nagpapahusay siya ng pagsasagawa ng wuḍū' dito, kataimtiman dito, pagyukod dito, malibang ito ay magiging isang panakip-sala sa anumang bago nito na mga pagkakasala, hanggat hindi siya nakagawa ng isang malaking kasalanan. Iyon ay sa kabuuan ng panahon."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 228]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang anumang Muslim na sumapit sa kanya ang oras ng ṣalāh na isinatungkulin saka nagpahusay siya ng pagsasagawa ng wuḍū' nito at nagpalubos siya nito, pagkatapos nagtaimtim siya sa ṣalāh niya yayamang ang puso niya at ang mga bahagi ng katawan niya sa kabuuan nito ay nakatuon kay Allāh habang gumugunita sa kadakilaan Niya, naglulubos siya ng mga gawain ng ṣalāh gaya ng pagyukod, pagpapatirapa, at iba pa rito, malibang ang ṣalāh na ito ay magiging tagatakip-sala sa bago nito na mga pagsuway na maliit, hanggat hindi siya gumawa ng malaki kabilang sa malalaking pagkakasala. Ang kainamang ito ay nakalatag sa paglipas ng panahon at sa bawat ṣalāh.