عَنْ جَرِيرِِ بْنِ عَبْدِ اللَّهِ رضي الله عنه قَالَ:
بَايَعْتُ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ عَلَى شَهَادَةِ أَنْ لاَ إِلَهَ إِلَّا اللَّهُ، وَأَنَّ مُحَمَّدًا رَسُولُ اللَّهِ، وَإِقَامِ الصَّلاَةِ، وَإِيتَاءِ الزَّكَاةِ، وَالسَّمْعِ وَالطَّاعَةِ، وَالنُّصْحِ لِكُلِّ مُسْلِمٍ.
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 2157]
المزيــد ...
Ayon kay Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Nangako ako ng katapatan sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili ng ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, pakikinig at pagtalima, at pagpapayo sa bawat Muslim.}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 2157]
Nagpapabatid ang Kasamahang si Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na dumikit siya at nakipagkasunduan siya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Tawḥīd at pagganap sa limang isinatungkuling ṣalāh sa araw at gabi kalakip ng mga kundisyon nito, mga haligi nito, mga kinakailangan dito, at mga sunnah nito; sa pagbigay ng zakāh na isinatungkulin, na isang pagsambang pampananalaping kinakailangan, na kinukuha mula sa mayayaman at ibinibigay sa mga karapat-dapat na mga maralita at iba pa sa kanila; at sa pagtalima sa nakatalaga sa pamamahala at pagpapayo sa bawat Muslim sa pamamagitan ng pagsisigasig sa pagpapakinabang sa kanya, pagpapaabot ng kabutihan sa kanya, at pagtaboy ng kasamaan palayo sa kanya sa salita at gawa.