Ang mga pangalawang kategorya

Talaan ng mga ḥadīth

Pumasok ako sa Propeta-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay nasasaktan,Hinawakan ko siya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Salamah bin`Abdurrahman,Na sinabi niya ,na tunay na tinanong niya si `Aishah-malugod si Allah sa kanya-Kung papaano magdasal ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa buwan ng Ramadhan? Nagsabi siya;(( Hindi nagdaragdag ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Buwan ng Ramadhan at hindi sa iba nito,nang labing-isang tindig,nagdarasal siya ng apatang (tindig),huwag mong itanong ang kagandahan nito at haba nito,pagkatapos ay nagdarasal siya ng apatang (tindig),huwag mong itanong ang kagandahan nito at haba nito,pagkatapos ay nagdarasal siya ng tatlong tindig,Nagsabi si `Aishah: Sinabi ko,O Sugo ni Allah,natutulog kaba bago ka magdasal ng Witr? Nagsabi siya:( O `Aishah,tunay na ang dalawang mata ko ay natutulog,ngunit hindi natutulog ang Puso ko)) Saheh Al-Bukharie
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
inuturing mo bang ako ay bumarat sa iyo upang kunin ko ang kamelyo mo? Kunin mo ang kamelyo mo at ang mga pera mo sapagkat iyon ay para sa iyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Anas-malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya:sinabi ni Abu Talhah kay Ummu Sulaym: talagang narinig ko ang boses ng sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na mahina,alam ko rito na may pagkagutom,mayroon kabang kahit na ano diyan?Nagsabi siya :Oo,inilabas nito ang mga kapiraso ng tinapay na mula sa obena,pagkatapos ay kinuha niya ang pantakip nito sa mukha,at itinago rito ang tinapay sa bawat isa nito,pagkatapos ay itinago niya sa loob ng damit ko at ibinalik sa akin ang iba nito,pagkatapos ay ipinadala niya ako sa sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at pumunta ako sa kanya,nadatnan ko ang sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na naka-upo sa masjid,at kasama niya ang mga tao,tumindig ako sa kanila,Sinabi sa akin ng sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: (Ipinadala kaba ni Abu Talhah?Nagsabi ako: Oo,Sinabi niya:(Ang pagkain)?Nagsabi ako: Oo,Nagsabi ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan(tumindig kayo),umalis sila, at umalis din ako sa kanila,hanggang sa dumating ako kay Abu Talhah at ibinalita ko sa kanya,Ang sabi ni Abu Talhah:O Ummu Sulaym,darating ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan kasama ang mga tao,at wala sa atin ang ipapakain sa kanila,Nagsabi siya:Ang Allah at ang sugo ang higit na nakaka-alam,Umalis si Abu Talhah hanggang sa nakatagpo niya ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,dumating ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan kasama siya hanggang sa pumasok sila,Nagsabi ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:(ibigay mo sa akin ang mayroon ka Ummu Sulaym),ibinigay nito ang tinapay,Inutusan nito ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na paliitin ito sa maliliit na piraso,at( (kinuha ni Ummu Sulaym ang katas nito na lumabas mula sa taba upang ihalo sa mga maliliit ng pirasong tinapay,pagkatapos ay sinabi rito ng sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan(Masha-a Allah) ang sasabihin.Pagkatapos ay sinabi niya:(payagan ang sampu),pinayagan sila at kumain sila hanggang sa sila ay nabusog,pagkatapos ay lumabas sila, Pagkatapos ay sinabi niya:(payagan ang sampu),pinayagan sila hanggang sa nakakain ang lahat ng tao at nabusog silang lahat,at ang bilang ng mga tao ay pitumpong kalalakihan o walumpo.Napagkaisahan sa katumpakan. At sa isang salaysay:Patuloy parin ang pagpasok ng sampu at paglabas ng sampu hanggang sa walang natira sa kanilang lahat kahit isa maliban sa ito`y nakapasok,nakakain hanggang sa nabusog,pagkatapos ay iniligpit niya ito at tulad parin ito ng kumain sila,At sa isang salaysay:Kumain sila ng sampu-sampu,hanggang sa ginawa ito ng walumpong kalalakihan,pagkatapos ay kumain ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,pagkatapos doon.at ng tao sa bahay,at iniwan na nila ang tira-tira.At sa isang salaysay:Pagkatapos ay nagtira sila at ibinigay nila sa mga kapit-bahay nila, At sa isang salaysay:Ayon kay Anas,nagsabi siya:Dumating ako sa sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,isang araw,nadatnan ko siya na naka-upo kasama ang mga kasamahan niya,at talagang hinigpitan nito ang tiyan niya,sa pang-higpit,at ang sabi ng mga ibang kasamahan niya: bakit hinigpitan ng sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang tiyan nito?Nagsabi sila: dahil sa pagka-gutom,pumunta ako kay Abu Talhah at siya ay asawa ni Ummu Sulaym bint Milhan, Nagsabi ako: O ama ,nakita ko ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na hinigpitan nito ang tiyan sa panghigpit,tinanong ko ang ilan sa mga kasamahan niya;Nagsabi sila:Dahil sa pagkagutom,Pumasok si Abu Talhah sa nanay ko,nagsabi siya: Mayroon kaba diyan na kahit ano?Nagsabi siya:mayron akong piraso ng mga tinapay at tamr,Kapag dumating sa atin ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,na nag-iisa, bubusugin natin siya,at kapag dumating ang iba pa sa kasamahan niya ay kontihan ninyo sila.At binanggit ang saktong hadith.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nahati ang buwan sa panahon ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa dalawang biyak. Tumakip ang bundok sa isang biyak at ang isang biyak naman ay nasa ibabaw ng bundok. Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "O Allāh, sumaksi Ka."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Mangilag kang magkasala kay Allah at panatilihin mo sa iyo ang maybahay mo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kami ay nasa paglalakbay kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at kami ay ginabihan hanggang sa kami nasa huling gabi na,naktulog kami ng mahimbing na tulog,at wala ng pinakamasarap na tulog para sa manlalakbay mula rito,at hindi kami nagising maliban sa pag-init na ng [sikat ng] araw,at ang pinaka-unang nagising ay si pulano,pagkatapos ay si pulano,pagkatapos ay si pulano,pagkataapos ay si `Umar bin Al-Khattab
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu