عن أنس بن مالك رضي الله عنه قال: جاء زيدُ بنُ حارثة يشكو، فجعل النبيُّ صلى الله عليه وسلم يقول: «اتَّقِ اللهَ، وأمسِكْ عليك زوجَك»، قال أنس: لو كان رسولُ الله صلى الله عليه وسلم كاتمًا شيئًا لكتم هذه، قال: فكانت زينبُ تَفْخرُ على أزواج النبي صلى الله عليه وسلم تقول: زوَّجَكنَّ أهاليكنَّ، وزوَّجني اللهُ تعالى من فوق سبع سموات، وعن ثابت: {وتُخفي في نفسِك ما اللهُ مُبْدِيهِ وتخشى الناسَ} [الأحزاب: 37]، «نزلت في شأن زينبَ وزيد بن حارثة».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Dumating si Zayd bin Ḥārithah na dumaraing kaya nagsimula ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsasabi: "Mangilag kang magkasala kay Allah at panatilihin mo sa iyo ang maybahay mo." Nagsabi si Anas: "Kung sakaling nangyaring ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagkukubli ng isang bagay, talagang ikinubli na sana niya ito." Nagsabi ito: "Si Zaynab noon ay nagmamalaki sa mga maybahay ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsasabi: Ipinakasal kayo ng mga mag-anak ninyo samantalang ipinakasal ako ni Allah, pagkataas-taas Niya, mula sa ibabaw ng pitong langit." Ayon kay Thābit, [ang Qur'ān 33:37]: "...habang ikinukubli mo sa sarili mo ang si Allah ay maglalantad niyon. Kinatatakutan mo ang mga tao..." ay bumaba nang may kaugnayan kina Zaynab at Zayd bin Ḥārithah.
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Dumating si Zayd bin Ḥārithah, malugod si Allāh sa kanya, sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na idinaraing ang maybahay niyang si Zaynab bint Jaḥsh, malugod si Allāh sa kanya, at sumasangguni sa kanya kaugnay sa pagdidiborsiyo roon noong nagsiwalat na si Allah, pagkataas-taas Niya, sa Sugo Niya na ito ay magpapakasal kay Zaynab. Nagsiwalat si Allah ng gayon sa kanya bago diniborsiyo ni Zayd si Zaynab. Kaya noong dumating siya na idinaing iyon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at sinasangguni ito kaugnay sa pagdidiborsiyo roon, nagsabi ito sa kanya: "Mangilag kang magkasala kay Allah at panatilihin mo sa iyo ang maybahay mo." Kaya pinagsabihan siya ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa sabi Niya (Qur'ān 33:37): "[Banggitin] noong sinasabi mo sa biniyayaan ni Allah at biniyayaan mo: 'Panatilihin mo sa iyo ang maybahay mo at mangilag kang magkasala kay Allah' habang ikinukubli mo sa sarili mo ang si Allah ay maglalantad niyon. Kinatatakutan mo ang mga tao samantalang si Allah ay higit na karapat-dapat na katakutan mo. Kaya noong nakatapos na si Zayd mula sa kanya ng pangangailangan, ipinakasal ka Namin sa kanya..." Ang ikinukubli noon ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay ang pagkasuklam niya sa pagpapakasal kay Zaynab dahil sa pangamba sa salita ng mga tao na siya ay nagpakasal sa maybahay ng anak niya sa pag-ampon. Ang sabing: Nagsabi si Anas: "Kung sakaling nangyaring ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagkukubli ng isang bagay, talagang ikinubli na sana niya ito." Nangangahulugan ito: "Kung sakaling itinakda - bilang pagpapalagay na imposible sa Batas ng Islām - ang pagkukubli ng anuman sa isiniwalat [ni Allah], talagang ito sana ay nasa talatang ito; subalit ito ay hindi nangyari, bagkus imposible sa Batas ng Islām. Ang talatang ito ay kabilang sa pinakadakila sa mga patunay para sa sinumang nagmuni-muni rito sa katapatan ng Sugo, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Si Allah, pagkataas-taas Niya, ay nagpapabatid hinggil sa naganap sa sarili ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na pagkatakot sa mga tao. Ipinaabot iyon sa kanya gaya ng sinabi ni Allah, pagkataas-taas Niya, kalakip ng nilalaman niyon na paninisi sa kanya, na salungat sa kalagayan ng palasinungaling sapagkat ito ay umiiwas sa bawat maaaring mayroong kapintasan sa kanya. Tulad niyon ang sabi Niya, pagkataas-taas Niya (Qur'ān 80:1-2): "Sumimangot siya at tumalikod siya dahil pinuntahan siya ng isang bulag na sumasabad." May mga kawangis ito sa Qur'ān. Ang sabi nito: "Si Zaynab noon ay nagmamalaki sa mga maybahay ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan..." ay dahil si Zaynab ay nagtuturing na ang pagpapakasal niya sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay dahil sa pag-uutos ni Allah niyon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ito ay kabilang sa pinakadakila sa mga kalamangan niya, na walang nakapapantay sa kanya roon sa mga maybahay ng Propeta ni isa man. Siya noon ay nagsasabi: "Ipinakasal kayo ng mga mag-anak ninyo samantalang ipinakasal ako ni Allah, pagkataas-taas Niya, mula sa ibabaw ng pitong langit." Ang pagtatakdang ito mula sa ḥadīth ay naglalaman ng pagpapatibay sa kataasan ni Allah, pagkataas-taas Niya, at pinagtitibay Niya ito sa harap ng mga Mananampalataya. Ito ay isang usaping tinatanggap sa pangkalahatan ng mga Muslim bagkus sa pangkalahatan ng mga nilikha maliban sa sinumang binago ang kalikasan ng pagkalalang sa kanya. Ito ay kabilang sa mga katangiang nalalaman batay sa pagdinig, pag-iisip, at kalikasan ng pagkalalang sa ganang bawat sinumang hindi nalihis ang kalikasan ng pagkalalang sa kanya. Ang kahulugan ng sabi ni Zaynab: "ipinakasal ako ni Allah" ay inutusan ni Allah ang Sugo Niya na magpakasal kay Zaynab sa pamamagitan ng sabi Niya (Qur'ān 33:37): "Kaya noong nakatapos na si Zayd mula sa kanya ng pangangailangan, ipinakasal ka Namin sa kanya..." Isinagawa ni Allah ang pagpapakasal kay Zaynab sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.