عن عبد الله بن عمرو بن العاص رضي الله عنهما مرفوعاً: «الدنيا متاع، وخير متاعها المرأة الصالحة».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Ang mundo ay kasiyahan at ang pinakamabuti sa kasiyahan dito ay ang babaing matuwid."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Ang mundo sampu ng nilalaman nito ay bagay na nagdudulot ng kasiyahan sa pansamantalang panahon. Pagkatapos ay maglalaho ito. Ngunit ang pinakamainam na kasiyahan sa maglalahong mundong ito ay ang babaing matuwid na nakatutulong sa Kabilang-buhay. Ipinakahulugan ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa sabi niya: "Kapag tiningnan niya ito, pinagagalak nito siya. Kapag inutusan niya ito, tinatalima nito siya. Kapag nawala siya sa piling nito, pinangangalagaan nito siya sa sarili nito at sa ari-arian niya."