+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه عن النبيِّ صلى الله عليه وسلم قال: "ما بَعَثَ اللهُ نبياً إلا رَعَى الغَنَمَ"، فقالَ أصحابُهُ: وأنتَ؟، قال: "نعم، كُنتُ أرعَاها على قَرَارِيطَ لأهلِ مكةَ".
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsabi: "Walang ipinadala si Allah na propeta malibang nagpastol ito ng tupa." Nagsabi ang mga kasamahan niya: "At ikaw po?" Nagsabi siya: "Oo; ako noon ay nagpapastol niyon kapalit ng mga salapi ng mga mamamayan ng Makkah."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

Ang pagpapaliwanag

Ang mga propeta noon ay nagpastol ng tupa noong nabubuhay sila. Ang lumilitaw sa ḥadīth ay na iyon ay bago ang pagkapropeta. Dahil doon nagsabi ang mga pantas: Ang kasanhian niyon ay nasasanay ang tao sa pangangalaga sa mga nilikha at pag-aakay sa kanila tungo sa mayroong kabutihan dahil ang pastol ng mga tupa ay minsan nag-aakay sa mga ito sa pastulan. minsan nagpapanatili sa mga ito na nakahimpil, at minsan naman nagtutulak sa mga ito patungo sa pahingahan. Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nangangasiwa sa kalipunang Islam at nag-aakay rito tungo sa mabuti batay sa kaalaman, patnubay, at pagkatalos gaya ng pastol na may kaalaman sa mga pastulang maganda at may katapatan at pag-aakay sa mga ito tungo sa mabuti para sa mga ito, at sa pagkukunan ng pagkain ng mga ito at inumin ng mga ito. Pinili ang tupa dahil ang pastol ng mga tupa ay nagtataglay ng katangian ng katiwasayan, kapanatagan, at kahinahunan, na taliwas sa mga kamelyo sapagkat tunay na ang mga pastol ng mga ito sa kadalasan ay may kabagsikan at kagaspangan dahil ang mga kamelyo ay gayon din, taglay ang kabagsikan at ang kagaspangan. Dahil dito, pinili ni Allah, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, para sa mga sugo Niya na magpastol sila ng mga tupa hanggang sa mahirati sila at masanay sa pangangasiwa sa mga nilikha.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin