+ -

عن جابر بن عبد الله رضي الله عنهما «أنَّ عمر بن الخَطَاب رضي الله عنه جاء يَومَ الخَندَقِ بَعدَ مَا غَرَبَت الشَّمسُ فَجَعَل يَسُبُّ كُفَّار قُرَيشٍ، وقال: يا رسول الله، مَا كِدتُّ أُصَلِّي العَصرَ حَتَّى كَادَت الشَّمسُ تَغرُبُ، فَقَال النَبِيُّ صلى الله عليه وسلم : والله مَا صَلَّيتُهَا، قال: فَقُمنَا إلَى بُطحَان، فَتَوَضَّأ للصَّلاَة، وتَوَضَأنَا لَهَا، فَصَلَّى العَصر بعد مَا غَرَبَت الشَّمسُ، ثُمَّ صَلَّى بعدَها المَغرِب».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Jābir bin `Abdullāh, malugod si Allah sa kanilang dalawa.-(( Katotohanang si `Umar bin Al-khattab-malugod si Allah sa kanya-ay dumating sa Araw ng Khandaq,pagkatapos lumubog ng araw,at iniinsulto niya ang mga Quraysh na hindi mananampalataya,at kanyang sinabi: O Sugo ni Allah,muntik ng hindi ako makapagdasal ng Asr hanggang sa muntik ng lumubog ang araw,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Sumpa sa Allah! Hindi ako nakapagdasal nito,Nagsabi siya: Tumayo kami at [pumunta sa] isang lambak,nagsagawa siya ng wudhu para sa pagdarasal at nagsagawa kaming dalawa ng wudhu sa kanya,Nagdasal siya ng Asr pagkatapos lumubog ng araw ,pagkatapos ay nagdasal siya pagkatapos nito ng Maghrib))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Dumating si `Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya- sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa araw ng Khandaq,pagkatapos lumubog ng araw habang siya ay iniinsulto ng mga Quraysh na hindi mananampalataya;dahil inabala nila ito sa pagdarsal ng Asr,hindi siya nakapagdarsal nito hanggang sa lumapit ang araw sa paglubog ;Nanumpa ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na siyang painakatapat na tao-na hindi siya nakapagdasal nito hanggang ngayon,upang mapanatag si "`Umar-malugod si Allah sa kanya" na nag-aalinlangan sa nangyayari. Pagkatapos ay tumayo ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsagawa siya ng wudhu,at sumama sa kanya ang mga kasamahan niya,Nagdasal siya ng `Asr pagkatapos lumubog ang araw,at pagkatapos nito magdasal ng A`sr ay nagdasal siya ng Maghrib.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin