عن أنس رضي الله عنه : أن اليَهُود كانوا إذا حَاضَت المرأة فيهم لم يؤَاكِلُوها، ولم يُجَامِعُوهُن في البيوت فسأل أصحاب النبي صلى الله عليه وسلم النبي صلى الله عليه وسلم فأنزل الله تعالى: {ويسألونك عن المحيض قل هو أذى فاعتزلوا النساء في المحيض} [البقرة: 222] إلى آخر الآية، فقال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «اصْنَعُوا كلَّ شيء إلا النكاح». فَبَلغ ذلك اليهود، فقالوا: ما يُريد هذا الرَّجُل أن يَدع من أمْرِنا شيئا إلا خَالفَنَا فيه، فجاء أُسَيْدُ بن حُضَيْر، وعَبَّاد بن بِشْر فقالا يا رسول الله، إن اليهود تقول: كذا وكذا، فلا نُجَامِعُهُن؟ فَتغيَّر وجه رسول الله صلى الله عليه وسلم حتى ظَنَنَا أن قد وجَد عليهما، فخرجا فَاسْتَقْبَلَهُمَا هَدِيَّة من لَبَنٍ إلى النبي صلى الله عليه وسلم ، فأَرسَل في آثَارِهِما فَسَقَاهُمَا، فَعَرَفَا أن لم يَجِد عليهما.
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Anas, malugod si Allāh sa kanya-Tunay na ang mga Hudyo;kapag dinatnan ng regla ang mga kababaihan sa kanila,Hindi nila ito sinasaluhan sa pagkain,at hindi sila nakikisalamuha sa kanila sa bahay,Kaya`t nagtanong ang mga kasamahan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ibinaba ni Allah -pagkataas-taas Niya ang : {Sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa pagreregla,Ipagbadya:Ito ay isang bagay na nakakapinsala,kayat manatiling malayo sa mga babae sa kanilang pagreregla} [Al-Baqarah:222] hanggang sa huling talata,Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Gawin ninyo ang lahat ng bagay maliban sa pagtatalik)) Naiparating ito sa mga Hudyo,at sinabi nilang: Walang ibang hangarin ang lalaking ito na tantanan tayo sa mga gawain natin maliban upang salungatin niya tayo rito,Dumating si Usayyid bin Khudayr at `Ubbad bin Bishr;Sinabi nila:O Sugo ni Allah,Tunay na ang mga Hudyo ay nagsasabi ng ganito at ganito,Hindi ba kami makikipagtalik sa kanila? Nag-iba ang mukha ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:-hanggang sa inakala namin na nagalit siya sa kanilang dalawa,Lumabas silang dalawa at nasalubong nila ang isang [lalaking may dalang] regalo mula sa gatas para sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Nagpadala siya [ang Propeta] na sinumang makapag-anyaya sa kanilang dalawa,[at nang dumating silang dalawa] ay pina-inom niya sila,Napag-alaman nilang dalawa na hindi siya galit sa kanila
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Ipinaalam ni Anas-malugod si Allah sa kanya--"na ang mga Hudyo;kapag dinatnan ng regla ang mga kababaihan sa kanila,Hindi nila ito sinasaluhan sa pagkain,at hindi sila nakikisalamuha sa kanila sa bahay" Ibig sabihin:Tunay na ang mga Hudyo ay nagbabawal sa pakikisalo sa mga babaing may regla;sa pagkain,at hindi sila umiinom sa mga tira-tira niya,at hindi sila kumakain sa mga pagkaing ginawa niya;dahil pinaniniwalaan nila na ito ay mga dumi niya at dumi ng dugo niya,"at hindi sila nakikisalamuha sa kanila sa bahay,At ang ipinapahiwatig sa pakikisalamuha rito ay:Ang pakikisama,pakikihalubilo,Para sa mga Hudyo,ang babae kapag nagregla iniiwasan nila ito at hindi sila nakikihalubilo sa kanya,datapuwat ay pinapalabas ito sa bahay,Tulad ng naisaysay ni Anas-malugod si Allah sa kanya-kay Abe Darda: " Tunay na ang mga Hudyo,kapag nagregla sa kanila ang babae,pinapalabas nila ito sa bahay,at hindi nila ito sinasaluhan sa pagkain at hindi rin sila nakikipag-inuman sa kanya,at hindi nila ito kinakasalamuha sa bahay" "Kaya`t nagtanong ang mga kasamahan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-" Ibig sabihin;Tunay na ang mga kasamahan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nang malaman nila ang kalagayan ng mga Hudyo mula sa pag-iwas sa kanilang kababaihan sa panahon ng pagregla,Nagtanong sila sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol roon:" ibinaba ni Allah -pagkataas-taas Niya ang : {Sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa pagreregla,Ipagbadya:Ito ay isang bagay na nakakapinsala,kayat manatiling malayo sa mga babae sa kanilang pagreregla} Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Gawin ninyo ang lahat ng bagay maliban sa pagtatalik));Ipinahintulot ng Batas ng Islam ang pakikihalubilo sa kanya at pakikisalamuha sa kanya sa pagkain,at pakikipag-inuman sa kanya at pakikipag-hawakan sa kanya at pakikipaglambingan sa kanya ,at ipinahintulot sa kanya ang lahat ng mga bagay,maliban sa pakikipagtalik sa ari.At ang sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: "Gawin ninyo ang lahat ng bagay maliban sa pagtatalik" Dito ay may paglilinaw sa sa kabuuan ng talata; Dahil ang pag-iwas ay sumasaklaw sa pakikipagtalik,pakikihalubilo,pakikisalo sa pagkain,pakikipag-inuman,at pakikisama,kaya`t nilinaw ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang ipinapahiwatig sa pag-iwas ay ang pag-iwan sa pagtatalik lamang,at wala ng iba." naiparating ito sa mga Hudyo": Ibig sabihin:Tunay na ang mag Hudyo ay naiparating sa kanila na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ipinahintulot nito sa mga kasamahan niya na gawin nila sa mga kababaihan nila sa panahon ng regla ang lahat ng bagay maliban sa pagtatalik."Walang ibang hangarin ang lalaking ito na tantanan tayo sa mga gawain natin maliban upang salungatin niya tayo rito"Ibig sabihin: Kapag nakita niya tayo nagumagawa ng isang bagay,inuutos niya nas salungatin ito at ipinapatnubay niya na labagin ito,at siya ay nagsisikap na salungatin tayo sa lahat ng bagay."Dumating si Usayyid bin Khudayr at `Ubbad bin Bishr;Sinabi nila:O Sugo ni Allah,Tunay na ang mga Hudyo ay nagsasabi ng ganito at ganito,Hindi ba kami makikipagtalik sa kanila?" Ibig sabihin: Tunay na si sayyid bin Khudayr at `Ubbad bin Bishr- malugod si Allah sa kanilang dalawa ay ipinarating nila sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang anumang sinabi ng mga Hudyo nang malaman nila ang pagsalungat ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kanila,Pagkatapos,silang dalawa-malugod si Allah sa kanilang dalawa-ay nagtanong sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa kapahintulutan ng pagtatalik upang makamit ang pagsalungat sa mga Hudyo sa lahat ng mga bagay.At ang kahulugan nito:Kung tayo ay nasalungat natin sila sa hindi nila pakikihalubilo,habang tayo ay nakikihalubilo nakikipaglambingan,nakikisalamuha sa pagkain at nakikipag-inuman,at ginagawa natin ang lahat ng bagay maliban sa pagtatalik-Hindi ba tayo makikipagtalik sa kanila,upang makamit ang pagsalungat sa kanila sa lahat ng bagay? "Nag-iba ang mukha ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan"Ibig sabihin: Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay hindi nagpahintulot sa kanilang dalawa sa naisip nila,datapuwat ay nagalit siya at nakita ang palatandaan sa paggalit niya sa mukha; Dahil ang sinabi nilang dalawa ay isang pagsalungat sa Batas ng Islam;Sinabi ni Allah-Pagkataas-taas Niya :{kayat manatiling malayo sa mga babae sa kanilang pagreregla} [Al-Baqarah:222]: At nilinaw ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kung ano ang ipinapahiwatig sa pag-iwas na nabanggit sa talata,at ito ay ang:Hindi nararapat sa inyo na makipagtalik sa kanila sa oras ng pagregla. "hanggang sa inakala namin na nagalit siya sa kanilang dalawa" Ibig sabihin ay: Nagalit siya sa kanilang dalawa. "Lumabas silang dalawa at nasalubong nila ang isang [lalaking may dalang] regalo mula sa gatas para sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Nagpadala siya [ang Propeta] na sinumang makapag-anyaya sa kanilang dalawa,[at nang dumating silang dalawa] ay pina-inom niya sila" Lumabas silang dalawa mula sa kanya,at sa oras ng paglabas nila ay nakasalubong nila ang isang lalaking may dala-dalang regalo na gatas,at ereregalo niya ito sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at nang nakapasok ang may-ari ng regalo sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagpadala ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ng sinumang maaaring tumawag sa kanilang dalawa,At nang dumating silang dalawa sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pina-inom niya sila sa gatas na iyon,at naging mabait siya sa kanilang dalawa bilang pagpapakita ng kaluguran para sa kanilang dalawa." Napag-alaman na hindi siya nagalit sa kanilang dalawa" Ibig sabihin ay: Hindi siya nagalit;Sapagkat silang dalawa ay walang kasalanan dahil sa mabuting intensiyon nila sa anumang nasabi nila tungkol rito,At hindi nagpatuloy ang galit niya sa kanilang dalawa,subalit naalis ito,at ito ay kabilang sa kagandahang asal niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang pagiging mabait niya sa mga kasamahan niya