+ -

عن حَفْصَة زَوْج النَّبِي رضي الله عنها قالت: «يَا رَسُولَ اللَّه، مَا شَأن النَّاس حَلُّوا مِنَ العُمرَة، وَلَم تَحِلَّ أنت مِنْ عُمْرَتِكَ؟ فَقَال: إنِّي لَبَّدْتُ رَأْسِي، وَقَلَّدتُ هَدْيِي، فَلا أَحِلُّ حَتَّى أَنْحَرَ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Hafsah -asawa ng Propeta-malugod si Allah sa kanya- siya ay nagsabing: (( O Sugo ni Allah! Ano ang nangyari sa mga tao,nagsagawa sila ng tahallul sa umrah kahit na hindi ka pa nagsagawa ng tahallul sa iyong umrah, Nagsabi siya: Sapagkat tunay na hinigpitan ko ang [buhok sa] aking ulo at linagyan ko ng kwentas ang aking hayop na pang-alay [bilang palatandaan],kaya`t hindi ako magsasagawa ng tahallul hanggat hindi ako makapag-katay))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Nagsagawa ng Ihram ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa Hajj ng pamamaalam-para sa Umrah at Hajj,at nagdala siya ng hayop na pang--alay,at hinigpitan nito ang [buhok sa] ulo niya ng bagay na pipigil rito sa pagkalat,dahil ang pagsasagawa niya ng ihram ay magtatagal,at nagsagawa rin ng ihram ang mga kasamahan niya tulad ng pagsasagawa niya ng ihram,at ang iba sa kanila ay nagsagawa ng ihram para sa umrah na Tamattu` para sa pagsasagawa ng hajj,at ang marami sa kanila ay hindi nakapagdala ng hayop na pang--alay at ang iba naman ay nakapagdala,At nang dumating sila sa Meccah,at nakapagsagawa sila ng tawaf,at sa`ye,Ipinag-utos niya sa sinumang hindi nakapagdala ng hayop na pang-alay mula sa mga nagsagawa ng [Hajj] na mufrid at qarin,na ipawalang-bisa nila ang kanilang hajj, at gawin itong umrah,at magsagawa sila ng tahallul,subalit siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang sinumang nakapagdala ng hayop na pang-alay mula sa kanila,ay nanatili sila sa kalagayan ng kanilang ihram at hindi sila nagsagawa ng tahallul,,Tinanong siya ng asawa niyang si Hafsah,kung bakit nagsagawa ng tahallul ang mga tao habang siya ay hindi pa nagsagawa ng tahallul, Nagsabi siyang: sapagkat hinigpita ko ang [buhok sa] ulo ko at linagyan ko ng kwentas ang aking hayop na pang-alay [bilang palatandaan],at dinala ko ito,at ito ang pumipigil sa akin sa pagsasagawa ng tahallul hanggang sa umabot ang hayop na pang-alay sa kalalagyan nito,at ito ang araw ng pagsasagawa ng hajj,ang araw ng pagkatay.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan